Chapter 16

1K 48 6
                                        

* * * * *
The Math Wizard's Quest

( Bliss )

Nandito ako ngayon sa clinic para ibigay kay Cha ang nakuha kong clue sa locker niya. Excited naman niya itong binuksan at binasa, nagbabakasakali na may kukwentahin na naman siya. Napakahilig naman yata nito sa numbers.

Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya habang pinagmamasdan at sinusuri niya ang isang table na may mga letters sa harap niya. Mukhang hindi niya magagamit ang pagiging math wizard niya ngayon.

"You're wrong. I can still use my mathematics knowledge on this case."

Mukhang nabasa na naman niya ang nasa utak ko. Pero paano niya naman magagamit ang math dito kung puro letra ang ibinigay na clue ng sender.

"Are you familiar with the Linear Programming?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Are you familiar with the Linear Programming?"

"You mean one of the topics in Math? Yes. Ang LP ay isa sa mga naging lesson namin sa Business Calculus noon kaya kahit papaano ay maalam naman ako rito."

"Back then, our professor told us all about Linear Programming especially answering transportation problems using stepping stone method."

"Then, anong connect no'n sa code na iniwan sa'yo ng sender?"

"Simple lang, you just have to follow the steps on how to answer Linear Programming using stepping-stone method. In this case, hindi natin kailangang gumamit ng calculator. Ang kailangan lamang nating gawin ay ang gamitin ang concept ng LP para makuha natin ang mensaheng nais iparating sa'tin ng sender."

"And that is?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Northwest corner rule."

"I got it. Kailangan nating sundin ang direksyon tulad ng pagsagot natin sa pagkuha ng sagot gamit ang LP."

"Exactly," wika nito. "And I have already deduced the code. Ginamit ng sender ang uri ng code na tinatawag na trasposition at kinonekta niya ito sa linnear programming."

Matapos niyang sagutan ang code ay kumuha siya ng papel para isulat ang nakuha niyang sagot sabay iniabot ito sa'kin.

Matapos niyang sagutan ang code ay kumuha siya ng papel para isulat ang nakuha niyang sagot sabay iniabot ito sa'kin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon