Self-pity is our worst enemy and if we yield to it, we can never do anything wise in this world.-Helen Keller.
* * * * *
The Blind and The Disabled( Bliss )
Katulad ng inaasahan ay kaagad na nagsilibot sa lahat ng dorm ang mga watcher at keeper ng school right after the orientation ended.
Ang mga watcher o mas kilala sa tawag na "The Eyes" ay ang mga naatasang tumingin sa mga estudyante regularly. Sila ang mga nagsisilbing taga-bantay namin. Kaya sila tinawag na mga mata dahil nagmimistula silang mga CCTV's na nagkalat sa campus para bantayan ang mga ikinikilos namin at irecord ang mga pinaggagagawa namin. Kitang-kita nila lahat ng ikinikilos namin kaya naman bibihira lamang na may makalusot sa kanila. In short, wala ni isang pagkakamali ang pinapalampas nila.
Samantala, ang mga keeper naman o ang tinatawag nilang "The Hands" ay ang mga naatasang mangalaga sa kapakanan ng mga estudyante rito. Sila ang itinuturing na tagapagtanggol ng lahat ng mga karapatan namin dito bilang mga mag-aaral pero hindi lahat ay kinokonsente nila. Lahat ng mga kasong kinakaharap ng bawat estudyante ay dumadaan muna sa masinsinang pag-iimbestiga. Kaya nga sila tinawag na mga kamay kasi nasa kamay nila nakasalalay ang kapalaran namin. Kung kami ba ay mahahatulang nagkasala o kaya nama'y mapapawalang sala.
Napaisip tuloy ako, ang swerte ko pala at napunta ako sa ganitong klaseng lugar. At least dito, may hustisya ang lahat. Dito may lugar ang lahat ng taong katulad ko. Maybe, I have to accept the fact that--- this is where I belong.
"Magandang gabi Ms. Collins," ani ng isang matabang babae na base sa kasuotan niya ay isa siyang watcher. Nakasulat din sa uniporme niya ang pangalang Luna. So siya pala ang namumuno sa lahat ng mga watchers dito. Nasa student handbook kasi ang listahan ng mga pangalan at posisyon nila. "I am here to inform you that you need to surrender all the hazardous things you have. The alcohols, knife, any dangerous materials and your cellphone."
"But I need my phone!" inis na sambit ko.
"Hindi maaari Ms. Collins. Narinig mo naman siguro lahat ng polisiya rito 'di ba? Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone."
So ito pala ang sinasabi ni Dane kanina. Hinayaan ko na lang siya na kuhanin ang mga gamit ko na sa tingin niya ay kahinahinala dahil wala na namang mangyayari kung makikipagtalo pa ako. Labag man sa kalooban ay kailangan kong sumunod sa kanya lalo pa't siya ang head ng mga watchers at isa pa, hindi ko alam kung anong klaseng pagdidisiplina ang ginagawa nila sa mga sumusuway na estudyante.
Wala akong nagawa kundi ang mapaface-palm na lang at masdan siyang makalabas ng aking dormitoryo. Nakuha niya sa'kin ang isang kutsilyo, ice peak, pepper pray, at isang wine na iniinom ko para makatulog. Hindi pa lang pala 'yon, pati pala cellphone ko dala-dala niya rin. Dahil sa nakasunod sa kanya ang mga mata ko ay tanaw na tanaw ko rin mula sa labas ang mga watchers at keepers galing sa mga dorms probably confiscating things too. Nagbabow pa nga sila sat'wing madaraanan nila si Ma'am Luna.
"We are watching you Ms. Collins. BEWARE," biglang sabi nito. Akala ko pa naman nakaalis na siya, nanatili pala siyang nakatayo sa harap ng pinto ko. At talagang pinagdiinan niya pa ang salitang BEWARE para paalalahanan ako. Inirapan ko na lang siya. As if I care? Then watch me. That's what I badly need, ATTENTION.
"Shit. How can I live my life without a phone?" bulalas ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung pano mabuhay ng walang tulong ng teknolohiya.
It sucks because I'm starting to accept my destiny here but unfortunately, may kasama palang pasurprise na ganito. Ni hindi ko man lang napaghandaan eh 'di sana pala nagdala na ko ng maraming cellphones at iba pang gadgets at itinago ko sa kung saan na hindi abot ng kanilang paningin. But I think that won't work. Nakita ko kasi kanina na parang may gamit silang detector probably to detect hidden gadgets. Haaaays.
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Mystery / ThrillerImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...