Chapter 19

1K 39 16
                                    

* * * * *
Shameless

( Bliss )

Alas singko pa lang ng umaga ay naisipan ko nang pumunta ng cafeteria para mag-almusal. Napitlag ako ng biglang makakita ako ng mga estudyanteng naglilinis? Fvck! Mukhang desidido talaga silang magpakasipag para lang makalabas dito.

"Mga uto-uto na nga, mga plastic pa," I said out of nowhere.

"Look who's here? Balak mo rin bang maglinis ngayon para maimpress ako?" wika ni Sab na bigla-bigla na lang sumusulpot.

"Sorry for the word but I hate it when someone is invading my privacy and excuse me? As far as I remember I am not a type of person who tries to impress others. Hindi ako plastic and I hate it when people changes for the better just because they have something to gain."

"Really? Should I deduct your profile for that?" she said with matching raised eyebrow.

"Excuse me?"

"FYI, hindi lang kami binigyan ng pagkakataong magbigay ng points, may karapatan rin kaming magdeduct ng puntos. At sa kaso mo, it would be difficult kasi mukhang wala kang balak magkaron ng points. So, should I put -2? Hmm... That's an understatement for showing me a disgusting attitude. Maybe -5 will do. What to do you think?"

"The hell I care. Do as you wish," wika ko sabay walk-out pero bago pa man ako tuluyang makalakad palayo ay bigla na lamang dumating si Dane.

"Should I report harassment now? Siguro papakinggan naman ako ng admin na may isang representative na ginagamit ang pwesto para mangharass ng kapwa," wika ni Dane habang nakacross arms.

"Maybe I'll report favoritism on your part too. Is it fair?" palabang sagot naman ni Sab.

Damn. Kung pwede ko lang sabunutan at sampalin 'to ginawa ko na.

"As far as I remember mahigpit tayong pinagbawalan na isali ang personal grudges natin sa kapwa natin estudyante sa pagbibigay at pagdededuct natin ng puntos sa kanila. Be fair Sab. Shame on you."

Matindi talaga ang issue ng dalawang 'to sa isa't-isa.

"I am not involving my personal grudge towards her. Ikaw lang ang nag-iisip no'n Dane. Tama bang sagot-sagutin niya lang ako ng gano'n? Mali 'yon, kaya tama lang na bawasan ko siya ng puntos."

"No. It is not fair Sab," maawtoridad na wika ni Dane saka niya kinuha ang listahan ni Sab at sabay punit nito sa harap niya.

Whoa. Awesome!

Kung may isa pa kong hinahangaan dito sa school maliban kay Cha na magaling sa math at magdeduce, 'yon ay ang palaban na awra ni Dane. Kaya nga kahit anong siksik ko sa utak ko na posibleng isa siya sa suspect na hinahanap namin ay hindi pa rin maalis sa isip ko na hindi niya 'yon magagawa.

Walang ibang nagawa si Sab kundi ang umalis na lang dala-dala ang dismayadong mukha. Bigla naman akong inakbayan ni Dane at inaayang kumain sa cafeteria.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay walang tigil na naglilista si Dane ng mga estudyanteng binibigyan at kinakaltasan niya ng puntos. Palibhasa kasi, may mga estudyante pa rin na nagbabangayan at nag-aaway-away kahit na nasa harap na nila ang isa sa mga sinugong representative. May iba rin namang mga estudyante na nagpapakitang gilas sa pamamagitan ng paglilinis nila ng kanilang classroom at ang iba nama'y binubuhat ang mga gamit ng kanilang mga professors kahit halata namang napipilitan lang sila.

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon