Chapter 4

2K 105 13
                                        

* * * * *

Safeguarding Lies

( Bliss )

Walang kagana-ganang tumayo ako mula sa pagkakahiga. Tinatamad akong pumasok. Halos umaga na kasi nang makatulog ako kakaisip kay Cass. Ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ang ibig sabihin ng mga isinulat niya sa kanyang notebook. Should I surrender it to the watchers and keepers or should I find it out myself? I guess the latter would be better.

Anong tulong ang kailangan niya? Bakit ako?

Maya-maya pa ay naisipan kong kailangan kong pumasok. Baka sakaling may masagot kahit isa man lang sa lahat ng tanong ko. Nahihiwagaan talaga ako sa skwelahang 'to.

Mag-isa akong naglalakad papuntang room nang biglang tumunog ang speaker ng school. Pinapatawag daw kami ni Headmaster Severus para sa isang anunsyo. Ano na naman kayang walang kwentang kadaldalan ang mangyayari? Tsk. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang maramdaman kong parang may sumusunod sa'kin. Tumigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ko ang paligid. Wala namang kahina-hinala sa kanila maliban sa pagiging abala nila kung paano mabilis na makakapunta sa Immure Stadium. Baka naghahallucinate lang ako.

Pagkarating ko sa stadium ay kaagad kong hinanap si Dane. Nakita ko naman siya na nakaupo sa bandang unahan at masuyong nag-aantay ng anunsyo.

"Oh Bliss, nandito kana pala. Pasensiya kana at hindi na kita nahintay sapagkat ako'y may ginagawa. Alam mo na! Haha," ani nito. Mukhang kagagaling lang nito sa paghahanap ng mabibiktimang lalaki.

"Psh. Ano bang meron dito?" tanong ko sakanya.

"Eh, ano pa nga ba? Eh 'di maghahatid ng kasinungalingan."

Magtatanong pa sana ako kung anong ibig sabihin niya ng maghahatid ng kasinungalingan nang biglang magsalita si Headmaster Severus.

"Good morning my dear students of Immure Academy and to our visitor Mr. and Mrs. Wilson. Alam kong hindi n'yo inaasahan ang biglang pagtitipon-tipon nating ito kaya salamat sa inyong mumunting oras na ibinahagi sa amin ngayon. We, the admins of this school, called you all for an important matter regarding the recent death of Ms. Cassidy Wilson. Her parents, Mr. and Mrs. Wilson were here to get her out for a just and a decent funeral. We are truly sorry Mr. and Mrs. Wilson for what has happened to your daughter. We know that you have the guts to blame it all to us but due to your kind consideration ay nagpasya kayong 'wag nang sampahan ng kaso ang paaralang ito. And for that, we we're very thankful," wika ni Headmaster Severus as he gave the mic to Prof. Savage. Kahit pa ipinapakita niyang sincere siya ay bakas na bakas pa rin ang kasinungalingan sa mga mata niya. Tama nga si Dane, mga sinungaling sila.

Alam ko sa sarili ko at maging sila na hindi nagpakamatay si Cass.

"Again, good morning our dear students and to our visitor Mr. and Mrs. Wilson. Alam kong aware na naman kayo sa kung nais ipabatid ng ating punongguro kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. We witnessed a shocking death that is worth mourning for. I knew you guys were all shocked. So today, I have proposed to Headmaster Severus to cancel all the classes to mourn for the loss of our dear student, Ms. Apple Cassidy Wilson. Alam kong kilala natin siya bilang isang rebeldeng anak but we all knew deep in our hearts that she has repented all her sins. We are truly sorry for the loss of your daughter Mr. and Mrs. Wilson but we assure you all to have faith in us that this thing will never happen again. That would be all, you can now see Ms. Cassidy at the chapel for a short mass and farewell," wika ni Prof. Grayle. Isa pa 'to, kay pamourn-mourn pang nalalaman. Alam niya naman palang nagbago na si Cass, ba't hindi pa nila ito pinalaya rito?

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon