Immure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not.
Welcome to the school where personality growth is all that matters.
Highest Rank: #70 in Mystery/T...
I was walking around the pathway when I heard some footsteps towards the locker room. Kaya naman dali-dali akong pumunta do'n para tingnan kung sino 'yon. Laking gulat ko nang makita ko ang isang estudyanteng naka-color gray na hoody jacket at para bang may nilalagay siya ng kung ano sa locker ni Cha.
Posible kayang siya ang anonymous sender of clues ni Cha?
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya para tingnan kung sino siya. Malapit na sana ako sa kinaroroonan niya nang biglang magsidatingan ang mga estudyante sa locker room kaya naman patakbo siyang umalis.
Sayang!
Matapos 'yon ay kaagad kong kinuha ang papel na isinilid niya sa locker ni Cha. Panigurado ako, isa na naman 'tong clue.
But before that, alam ko naman na hindi ito directly para sa'kin kaya mabilis akong pumunta sa kabilang building para ipaalam kay Cha ang panibagong clue.
Nang makalapit ako sa room nila ay nakita ko siyang super busy sa pagpindot ng calculator.
"Cha! I got another clue. Muntik ko pa ngang maabutan 'yong anonymous sender natin kaya lang biglang nagsidatingan 'yong ibang mga estudyante. Sayang, pwede na sana natin siyang tanungin directly kung sino eh 'di sana 'di na tayo magpapakahirap kakahintay ng mga clues na ibibigay niya."
"Gano'n ba? Sayang. Is she a girl or a boy?"
"I'm sorry but I didn't notice."
"It's okay. As long as s/he's sending clues to us. It wouldn't matter what kind of person s/he is," wika nito sabay bukas ng papel na binigay ko sa kanya.
As we opened the paper, bumungad na naman sa'min ang mga nakakalulang numbers. Don't get me wrong, I love Math kaya nga accounting student ako 'di ba? Pero minsan nakakaumay na rin.
"Huwag mong sabihing kailangan pa nating hulaan kung anong klaseng operation ang gagamitin natin diyan?" wika ko as I checked the paper if there's another clue that could help us.
"No Bliss, we don't need to compute anymore. It's a clue... no more, no less. Siguro naman ay alam mo kung ano ang Polybious Square?"
"Polybous what?"
"So you don't know, I assumed? It's a code invented by an ancient greek historian, Polybius. It is a also known as polybius checkerboard where you need to create a table of any size like this," she said as she started to draw a set of rows and columns.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.