Chapter 31

693 20 1
                                    

* * * * *
Here and Now

"Katherine, anong nangyari sa'yo?" sabay-sabay na tanong ng lahat nang makapasok ito na punong-puno ng sugat at duguan.

"K-konti na lang ang oras. P-paparating na sila rito. Marapat lamang na bilisan n'yo ang pakikinig sa tape at pagnilay-nilayan ang bawat pangyayari. B-bliss, remember--- the letter," wika nito habang pilit na inilalapit ang sarili niya kay Bliss. Kaagad namang naalala ng huli ang sulat na ibinigay nito sa kanya matapos niyang pumunta sa hidden quarter noon nila Paolo.

Alam ni Bliss na sariwang-sariwa pa rin sa kanyang ala-ala ang lahat ng mga rebelasyong nakapaloob sa sulat. Mababakas mo rin sa mukha nito ang pag-iisip ng malalim na tila ba isang napakabigat na desisyon at responsibilidad ang gagawin niya.

Isisiwalat niya na ba ang lahat?

Handa niya na bang bitawan lahat ng sikretong tinatago niya?

Matatapos na kaya ang lahat o mas-lalala lang ang sitwasyon?

"I-I know that its hard for you but please, tapusin na natin 'to. Please stop pretending. Iyon ang natatanging huling hiling namin sa'yo Bliss," desperadong wika nito at kaagad nitong ibinaling ang tingin sa direksyon ni Pao sabay sabing, "Y-you've got the wrong suspect Pao, better swap to P-plan B."

Iyon ang mga huling katagang lumabas sa bibig ni Katherine bago ito tuluyang nalagutan ng hininga. Kagad naman itong isinilid ni Pao sa malinis na sahig at nasasapinan ng isang malinis na kumot.

"Kent," tawag nito na tila ba hindi niya kayang magsalita dahil sa mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. "Tapusin na natin 'to."

Kaagad namang pinindot ni Kent ang play button nang biglang magsalita si Bliss.

"Hindi na natin kailangang makinig pa sa tape na 'yan. Ika nga ni Kath, kaunti na lang ang oras natin. Siguro panahon na para sabihin ko na lahat ng nalalaman ko," wika nito. Bigla namang natahimik ang lahat tila ba hinihintay nila ang mga susunod na rebelasyong magaganap. Hindi naman maiwasang humanga ni Dale sa tapang na ipinapakita ngayon ni Bliss. Aminado ang lahat na ibang-iba ang awra nito kung ikukumpara kanina. Ang dating takot at punong-puno ng pag-aalala at sikreto ay napalitan ng mga matang punong-puno ng tapang at determinasyon. Determinasyong tapusin na ang lahat ng 'to.

"Bago ako pumasok sa akademyang 'to, alam ko na na may kakaiba rito. Na malaki at hindi lang dahil sa pagtangkang pagpatay ko sa step mom ko ang dahilan kung bakit ako naisipang ipatapon ni Dad dito. Katulad ng sinabi ko kanina, nandito ako bilang isang 'di hamak na sacrificial lamb lamang. Kaya naman hindi ko maiwasang mag-imbestiga. Siguro halos lahat sa inyo na naririto, galit sa'kin dahil sa pagiging pakialamera ko. Pero hindi n'yo ba naisip na baka mas naagapan natin ang lahat ng patayan kung noon pa man, nakipagtulungan na kayo sa'kin? Hindi n'yo ba naisip na baka matagal na 'tong natapos kung sa simula pa lang ay sinabi n'yo na sa'kin ang lahat at ang buong katotohanan?!" punong-puno ng emosyong paglalahad nito. Pero isang ngisi at iling lamang ang natanggap niyang ekspresyon sa mga kasamahan niya.

"Bliss, marahil ay nagkamali kami dahil hindi namin sinabi sa'yo ang lahat. Dahil hindi kami naging totoo sa'yo sa simula pa lang. But believe it or not, we wanted you to know all of these shits. But your father is protecting you. Yes, it may sound absurd but your father is having updates of you from time to time. He's making sure na walang nakakalapit sa'yo. That's why he made Dane as his accomplice," sagot ni Paolo.

"Correction, he appointed me as your protector not as an accomplice," pagkontra naman ni Dane.

"As you say bitch," sabat naman ni Sab.

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon