* * * * *
Wrong Accusation, Justice Denied( Bliss )
Mag-isa akong naglalakad ngayon papuntang cafeteria nang may biglang umakbay sa'kin. Nagtatakang nilingon ko siya at tinangka ko ring alisin ang pagkakaabay niya. Subalit nabigo ako dahil masyado siyang malakas. Wala akong nagawa kundi irapan siya na ginantihan niya naman ng kindat.
"Psh," pagtataray ko. "Can you please get your filthy hands out of me?"
He just shrugged.
"What are you doing here Dale? At sinong nagbigay sa'yo ng permiso na akbayan ang kaibigan ko?" wika ni Dane na bigla na lang sumulpot. Hmm. Magkaano-ano kaya sila?
"Easy couz! I'm just being friendly. Buti nga sinamahan ko pa siya maglakad. Kawawa naman eh, loner."
"FYI, HINDI. PO. AKO. LONER."
"Umalis ka na nga Dale, you're messing with the newbies AGAIN!" sigaw ni Dane kay Dale. Wala namang nagawa si Dale kundi umalis at tumakbo papunta sa mga tropa niya.
"Pasensiya ka na sa pinsan ko. Ganyan talaga 'yon, masyadong papansin lalo na sa mga baguhan. Tara na nga! Ang daya mo kasi, 'di mo ko hinintay!" pagmamaktol ni Dane sabay hila sa'kin.
"Err. Kasi... Ayokong gambalain ka. Ibang-iba kaya ang aura mo kanina," Sa totoo lang natatakot kasi ako sakanya. Ibang-iba kasi siya kanina.
"Tss. Nevermind. Sa susunod 'wag na 'wag mo na kong iiwan huh?"
"What do you mean? 'Wag iiwan?"
"Ah basta! Anuman ang maging mood ko, 'wag na 'wag mo kong iiwan. Okay?"
"Err. Okay."
Hindi ko maintindihan si Dane. Parang kanina lang ay halos pumatay siya ng tao tapos ngayon parang childish naman. Pero infairness, ang gwapo ng pinsan niya. Papansin nga lang.
Mabilis naming inubos ang pagkain at saka dumiretso sa dorm para matulog.
"It's my first day here and marami nang nangyari. I wonder ano pa kayang susunod?" bulong ko sa sarili ko.
-
Kinabukasan, maaga akong nagising para pumasok sa klase. Ayoko nang malate. Pagdating ko sa classroom halos wala pang katao-tao. Actually kami lang palang dalawa ni Cass, iyong babaeng nakasagutan ko kahapon. Naabutan ko siyang umiiyak kaya walang pasubali ko siyang nilapitan.
"Uhm... Cass, bakit ka umiiyak? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko. Ngunit hindi niya pa rin ako kinikibo kaya nagpatuloy ako sa pangungulit sa kanya.
"Pwede ba! Huwag ka nang magtanong! Don't act like you care for me! Besides, wala ka namang alam! At pwede ba iwasan mo 'yang pagiging pakialamera mo Avril, hindi nakakatuwa. 'Wag kang umasta na parang alam mo ang lahat! Baka nakakalimutan mo na baguhan ka lang dito," humahagulhol na sagot nito saka ako itinulak palayo sa kanya na siyang ikinatumba ko.
Ako na nga 'tong nagpresintang kausapin siya tungkol sa problema niya, ako pa 'yong mali. Tinatanong ko lang naman kung bakit siya umiiyak, ang dami niya ng sinabi. Tsk.
"Oo Cass wala akong alam tungkol sa buhay mo but I want to help. Just tell me and I will listen," wika ko sabay upo sa tabi niya.
"No Bliss, hindi mo ko maiintindihan. Madadamay ka lang. Tama siya, madadamay ka lang," kalmadong sagot nito saka patakbong umalis palabas ng classroom. Naiwan naman akong naguguluhan.
"Ano kaya ang ibig sabihin niya na madadamay ako? Bakit nasabi niyang hindi ko siya maiintindihan? At sinong SIYA ang tinutukoy niya?"
Nagsimula na ang klase at hindi pa rin bumabalik si Cass. "Nasaan na kaya siya?" bulong ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Gizem / GerilimImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...