Chapter 12

1.2K 65 17
                                    

* * * * *
Faulty Speculations

( Bliss )

Matapos ang masinsinang pag-iimbestiga namin kahapon ay naisipan ko nang pumasok ngunit nasa tapat pa lamang ako ng pinto ay namamayani na ang katahimikan sa buong klase which is weird. Kadalasan kasi napakaingay ng mga ito at minsan pa nga'y may nagliliparang mga gamit dito. Mabilis kong iginala ang aking paningin sa buong classroom nagbabakasakali na makakita ang kung anumang bagay na nakapagpatahimik sa kanila. Subalit wala namang kakaiba rito maliban na lang sa mga larawan na nakadikit sa gilid blackboard na may nakasulat na WANTED.

Oh. Who's the lucky awardee this time?

Lumapit ako sa mga larawang nakadikit sa board at tiningnan itong mabuti. Laking gulat ko nang makita ko na mga larawan ito ni Kent na kuha pa mula kagabi sa mini-forest. Malakas ang kutob ko na kuha ito ng mga red lights. Marahil ay hindi alam ni Kent ang mga matang nakapaligid sa buong skwelahan.

Kaagad akong napatakbo at mabilis kong hinanap si Kent subalit natigil ako nang may mapansin akong kakaiba sa likod ng isang puno malapit sa pathway. Nakita kong parang may kaaway si Dane na isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay parang pinapagalitan niya ito. Parang pamilyar ang likod ng lalaki at tangkad nito. Saan ko nga ba siya nakita?

Hinayaan ko na lang sila dahil may mas importante pa pala akong bagay na dapat pagtuonan ng pansin ngayon. Patakbo kong pinuntahan ang classroom nila Kent which is nasa ikatlong palapag pa ng gusali. Bale nasa groundfloor kasi ang classroom namin kaya kinakailangan ko pang umakyat sa 3rd floor gamit ang hagdan.

Nang marating ko ang engineering department, nakita kong hawak-hawak na siya ng mga watchers at keepers at mukhang dadalhin na nila ito sa kanilang quarter. Bigla akong nanlumo nang mapansing may mga galos sa katawan si Kent at patuloy ang pag-agos ng mga dugo mula rito kaya minabuti kong lumapit sa kanya para pakiusapan ang mga watchers at keepers na kung maaari ay dalhin muna siya sa clinic.

"Maaari po bang bago n'yo litisin si Kent ay dalhin muna natin siya sa clinic? Napakarami po kasi ng sugat niya at alam kong nasasaktan at nahihirapan na siya."

"Ipagpaumanhin n'yo Miss Collins subalit ang lalaking 'to ay nararapat nang parusahan. Nilabag niya lang naman ang isa sa mga ipinagbabawal ng paaralan kaya't marapat lamang na patawan kaagad siya ng karampatang aksyon nang sa gano'n ay matuto siya sa ginawa niyang pagkakasala," ani ng isa sa mga watchers.

Mabilis kong ipinukol ang paningin ko sa mga keepers. "Hindi ho ba trabaho n'yong pangalagaan ang karapatan ng bawat estudyante rito?" tanong ko sa kanila na kaagad naman nilang sinang-ayunan. "Kung gano'n, bakit hindi n'yo man lang siya dalhin sa clinic at hayaang magamot muna bago ninyo gawin ang paglilitis n'yo? Ang paglilitis po ay naipagpapaliban pero ang mga sugat na natamo niya ay hindi dapat ipagsawalang bahala."

Nag-isip muna nang mabuti ito bago magsalita, tila nagegets niya naman ang gusto kong ipahiwatig sa kanya. "Kung 'yan ang sa tingin mong makabubuti ay pagbibigyan namin ang iyong kahilingan Miss Collins pero hanggang dito na lamang ang pakikialam mo. Maaari ka nang bumalik sa iyong klase," wika ng isa sa mga keepers.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil kahit papaano ay napagbigyan nila ako. Kung nagtataka kayo kung paano ko nalalaman kung sino sa kanila ang mga watchers at mga keepers--- 'yon ay dahil sa magkaibang kulay ng kasuotan nila. Ang mga watchers ay nakasuot ng kulay pula, singpula ng mga matang umaaligid sa paligid--- ang mga red lights. Samantalang ang mga keepers naman ay nakasuot ng kulay asul na kasuotan.

"Bravo! Here goes the acting hero again. Halos lahat na lang ba papakialaman mo?" wika ni Sab na ngayon ay nakaharang sa daraanan ko kasama ang mga tropa niya.

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon