* * * * *
Abduction( Third Person's POV )
Hindi pa rin makapaniwala si Bliss sa mga natuklasan niya. Pakiwari niya'y pinaglalaruan siya ng tadhana.
Nakatadhana nga kayang patuloy niyang maranasan ang maloko at magtiwala sa maling tao?
Hindi niya na kasi alam kung sino pa ang dapat niyang pagkatiwalaan lalo pa't nalaman niya na ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niya mula ng tumapak siya sa akademyang 'to ang siya palang dudurog ng kanyang pagkatao.
Ang taong itinuring niyang kapatid at pinakamalapit na kaibigan ay ang taong matagal niya na palang tinutugis. Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi niya pa rin lubos maisip na ito nga talaga ang puno't-dulo ng lahat ng patayang nangyayari rito. Tila ayaw magsink-in ng mga natuklasan niya sa utak niya na punong-puno pa rin ng mga katanungan. Mga katanungan na malapit niya na sanang masagot pero ayaw niya pang masagot.
Ano pa ba ang susunod?
Iyan ang paulit-ulit na lumalabas sa bibig niya. Sa isip niya'y mayroon pa. Mayroon pang sikretong hindi nabubunyag. Ngunit marahil ito ay dahil sa hindi niya matanggap na ito nga talaga ang may kagagawan ng lahat ng ito. Pakiwari niya'y hindi nito kakayanin na isagawa mag-isa ang lahat ng ito.
Bakit niya nasabi?
Iyon ay dahil sa mga panahon na nakasama niya ito ay naramdaman niyang kahit papaano ay may mabuti itong kalooban. Na hindi ito basta-basta gagawa ng kahit anong bagay lalo na ang pumatay ng walang pinagbabasehang rason.Kaya naman makalipas ang halos tatlong araw mula nang huli nilang pagkikita ni Pao ay hindi niya pa rin ito kinokompronta kung totoo nga ba ang lahat ng mga spekulasyong binabato sa kanya ni Cha at kung sakali man na totoo nga ito ay ayaw niya nang magpadalos-dalos pa sa pagdedesisyon. Takot na siyang maulit pa ang nangyari kay Cha kung saan nagpadala siya sa galit at emosyon niya kaya ito namatay.
"Avi," biglaang tawag nito sa kanya. Hindi niya inaasahan na nagagawa pa rin siya nitong kausapin na parang wala lang. Sa kabila ng lahat na nangyayari, nagagawa pa rin nitong patuloy na magpanggap. Kahit kasi sabihin na alam niyang kahit papaano ay may mabuti itong kalooban ay hindi pa rin mawala sa isip niya na may kakaiba rito. Na posibleng totoo nga lahat ng mga natuklasan nila.
"Y-yes?" nauutal na sagot nito. Pakiwari niya'y dapat na siyang umalis dahil kung hindi ay baka maisiwalat niya nang wala sa oras ang lahat ng kimikimkim niya rito.
"You look pale and nervous and sorry to say this but the director needs to see you."
"W-what?" Hindi niya inaasahan ang balitang iyon. Sa halos anim na buwang pamamalagi niya sa Immure Academy ay hindi niya pa rin nakikita ang direktor at sa pambihirang pagkakataon ay nais pa siya nitong makausap. Matagal niya na ring tinatanong kung ano nga ba ang hitsura nito at kung bakit wala itong ginagawa ukol sa maling pamamalakad ng mga tauhan niya rito.
"B-bakit niya raw ako pinapatawag?"
"Maybe you've done something wrong again. Alam mo bang bibihira lang na dumalaw ang director sa school na 'to at sa mga pambihirang pagkakataon na 'yon ay gusto ka pa niyang makausap. 'Di ba sinabi ko naman sa'yo na---"
"Stop it Dane. Alam ko na ang sasabihin mo. Na dapat tumigil na ko sa kakahanap ng sagot dahil masasaktan lang ako. At oo tama ka, nasaktan na nga ako dahil sa pagpupumilit kong malaman ang buong katotohanan. Katotohanan na hindi ko na dapat inasam pang malaman," puno ng emosyong wika nito bago tuluyang iwan ang kanyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Misterio / SuspensoImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...