Chapter 6

1.6K 88 8
                                    


* * * * *
Innocent Killer

( Bliss )

Maaga akong nagising dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ko. It was just 5:45 a.m. Kaagad naman akong bumangon at pinagbuksan kung sino man ang kumakatok sa aking pintuan.

"Good morning Avi!" bati ni Dane sa'kin at saka tuluyang pumasok sa aking kwarto.

"Ang aga mo yatang nagising Dane. Ano bang meron?" tanong ko habang naghihikab pa. Hays, inaantok pa ko.

"Ano ka ba Avi! Nakalimutan mo yata na this day is the allotted time for us to use our cellphones. Nakalimutan mo na ba na sa tuwing Friday ay pinapayagan tayong gumamit ng cellphone kung saan maaari tayong makipagcommunicate sa outside world? Don't tell me, hindi ka na naman nagbasa ng Academe Policies?" nakataas kilay na tanong nito.

Pagkarinig ko ng magandang balita ay dali-dali akong naligo at nag-ayos ng aking sarili. Pagkalabas ko ng cr ay naabutan ko namang nakamasid si Dane sa aking drawer na tila ba may hinahanap. It feels weird.

"Uhm--- Dane, tara na?" yaya ko sa kanya. Baka kasi saan pa mapunta ang pag-iisip ko.

Nakangiting kinaladkad niya ko papunta ng field kung saan naabutan namin ang mangilan-ngilang estudyante na nakapila.

"Heto na nga bang sinasabi ko. We should've been early. Ayokong pinaghihintay at ayokong pumila," pagmamaktol ni Dane.

"Ano ka ba di ko naman alam na may pila pala eh! You should've told me earlier. And besides you need to learn the essence of waiting. Patience is a virtue kaya!" sagot ko sa kanya kahit ako mismo sa sarili ko ay ayaw na ayaw na pinaghihintay.

Nakapila na kami ngayon sa field at nagsimula ng ibigay ng mga watchers at keepers ng aming mga cellphones. Inabot kami ng halos 20 minutes sa paghihintay ng time namin para makuha ang aming mga cellphones. Hindi maipinta ang ngiti sa labi ng bawat estudyante rito matapos na muling masilayan ang kanilang mga gadgets.

Pagkatapos naming pumila ay dumiretso kami ni Dane sa cafeteria para kumain ng breakfast. Nakaisip naman ako ng paraan para matulungan si Cass na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Mabilis na nag-dial ako ng number ng mga police para anyayahan silang pumunta dito para sa isang masusing pag-iimbestiga. Isang pindot na lang sana ay matatawagan ko na ang mga police nang biglang may umagaw ng cellphone ko.

"You really want to die huh, Miss Collins?" tanong ni Dale sakin habang hawak-hawak niya ang cellphone ko.

"Bakit ba napakapakialamero mo? Kalalaki mong tao napakahilig mong makialam! Akin na nga 'yang phone ko. You're invading my privacy again!" sigaw ko habang pinipilit na abutin ang cellphone ko. Subalit dahil sa 'di hamak na mas matangkad siya sa'kin ay napasubsob ako sa dibdib niya at na-out balance naman kaming dalawa. So bale nasa ibabaw niya ako ngayon. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya at gano'n din siya. Bigla naman kaming natauhan nang biglang umismid si Dane na nagsasabing tumayo na kami dahil marami nang nakakakita. Ang awkward pa naman ng posisyon namin.

"Akin na kasi 'yong phone ko!" pangungulit ko.

"No Miss, not until you promise me?"

"Promise what?"

"Promise me that you'll never ever call the police or anyone regarding on what's happening here. Unless, you really want to die afterwards," bulong niya sa'kin.

Nag-isip naman ako bago tumango sa kanya. "Okay, I promise."

Tiningnan lang ako ni Dale na para bang sinusuri kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon