Chapter 32

998 27 5
                                    

Let's welcome 2019 with a BANG!

* * * * *
The Gag Order

"How come you became so selfish, Bliss?" tanong ni Sab. "All this time alam mo na pala ang lahat ng ginagawa ng tatay mo pero wala ka man lang ginawa?!"

"Sabrina pwede ba?! You cannot force Bliss to tell her father to stop these bullshits if he, himself can't stop it. Alam kong alam mo na wala talagang kasalanan dito ang ama ni Bliss besides dapat pa nga tayong magpasalamat sa kanya," sagot naman ni Dale na tila nanlilisik na ang mga mata.

"Oh my gosh, Dale! You cannot be a perfect goody cousin and a knight in shinning armor at the same time," sagot nito bago muling ibinaling ang mga tingin niya kay Bliss. "Akala ko ba uhaw na uhaw ka sa katotohanan? Bakit no'ng mga panahong alam mo na ang lahat--- oh, lets just say maybe hindi lahat--- ay mas pinili mo pa ring magbulag-bulagan at magbingi-bingihan?"

"Yes, she's too desparate to know the truth. Too thirsty and hungry for the details. But you cannot expect her to swallow all of these revelations at once, Sabrina," mahinahong sagot ni Paolo.

"I know all about my father and as well as I know all about you, Sab." Isang maikli pero nakakatakot na banat ni Bliss sa kanya na agad na sinundan ng katahimikan sa buong paligid.

Mapapansin mo rin na tila ba hindi na maipinta ang mga mukha ng iilan na tila ba iniisip nilang may alam si Sabrina at pilit lang nitong ibinato ang lahat ng sisi sa mag-ama. Gayunpaman, hindi ito nagpatinag. Nagpatuloy pa rin ito sa
pagbibintang at paninisi.

"Please don't let me spill what I have known, Sab. You don't know who you're dealing with." This time ay si Dane naman ang sumabat kay Sabrina.

"Of course I know who I'm dealing with, Dangelle Allister. Ikaw na may kinalaman sa lahat, ikaw na may hawak ng record book at ikaw na mamamatay tao!"

Isang sampal ang inabot nito kay Dane matapos niyang marinig ang mga mali at mabibigat na paratang nito sa kanya.

"Hahahaha! Nagpapatawa ka ba?! Sa lahat ng sinabi mo tila yata isang beses ka lang tumama. Oo, ako nga ang may hawak ng record book but I am just the holder--- no more, no less. Pero ang sabihing isa akong mamamatay tao ay sobra na at wala na sa lugar. Wala ka bang salamin sa kwarto nang sa gano'n ay makita mo ang repleksyon mo? Mukha kasing wala ng isa mang butil ng kahihiyan diyan sa katawan mo at nakuha mo pang ibato sa'min ang sisi na ikaw naman talaga ang may kagagawan!"

"Umayos ka sa pananalita mo Dane dahil wala kang alam!"

"Pwede ba tama na 'yang kakasisihan n'yo! Nauubusan na tayo ng oras. Nagsasayang lang tayo ng oras sa walang kwentang pagdidiskusyon n'yo!" ani ni Kent na ngayon ay nasa paanan ng pinto at nagmamasid kung paparating na ba ang mga watchers at keepers.

"Sabihin n'yo nga sa'kin, may kinalaman din ba si Jennybie dito? Isang tanong na nakapagpatahimik sa lahat. "I remember her telling me before na kung pwede niya lang sanang sabihin sa'kin ang lahat ng nalalaman niya. Is it about your so called--- 'gag order?' Ano bang klaseng order 'yon? Is it all about the record book?"

"We can't still disclose it to you Bliss 'cause as far as we all know, we signed it all," Dane replied with hesitations.

"Can we just forget that fucking signatures, promises and secrets and just end it now?"

"Dude, it's easy for you to say that because you didn't sign it. Alam mo bang maaari kaming makulong kapag isiniwalat namin 'yon?"

"I know, I know. Oo, maaari kayong makulong. But, haven't you heard whistle blowers before? Maaari n'yo siyang ilabas kung kinakailangan at kung gugustuhin n'yo. That's why, you cannot blame me for disappearing. I bet up until now that you don't know why I chose to escape and just vanish. It is because I don't want to sign that fucking gag order. Ever since, I know that it will cause no good but danger. Wala itong maidudulot na mabuti sa ating lahat. So pwede ba kahit ngayon lang ay magpakatotoo na tayong lahat? Can we just stop these bullshits and forget about that fucking gag order?!"

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon