* * * * *
Just Theories, No Proofs( Bliss )
Halos limang araw na rin akong nagpapanggap na kontrolado pa rin ng drogang pinapainom nila. Sa loob ng limang araw na 'yon, marami akong natuklasan. Mga bagay-bagay na magpapabago ng sistema ng walang kwentang eskwelahan na 'to.
Aminado akong diring-diri na ko sa kwarto ko na napapalibutan pa rin ng kulay pink na kurtina, pati ang pinta sa dingding nito ay pinalitan na rin nila ng kulay. From white ambiance to pink. Mas gugustuhin ko pa siguro kung itim na kulay na lang 'yong ipinalit nila. Para na rin akong nasusuka sa t'wing nagbabasa ako ng mga romantic tragedy love stories. 'Yong tipong may mamatay dahil sa pagsasakripisyo para sa minamahal nilang kabiyak and so on and so forth. Don't get me wrong, I like how Nicholas Sparks write. I just don't like his genre. I'm not into love story. It makes me puke. Imbes kasi na maiyak ako, nasusuka ako sa kadramahan nila. Mas gusto ko pang magpatayan na lang sila. Baliw na nga yata talaga ako. Akalain mo 'yon gustong-gusto ko ng patayan pero pilit kong pinipigilan na may mamatay ulit sa school na 'to.
I like how I imagine killings but I don't like to see it on actual scenes.
"Hi Avi, wanna join us again?" ani ni Dane sabay pasok sa kwarto ko. Kasama niya ngayon ang mga kaplastikan niya. Oops. My bad.
For sure, diring-diri na 'to sa mga pinaggagagawa nila. Kaya heto ako, nagpapanggap na wala pa ring alam. Konting oras na lang kasi at malalaman ko na lahat kaya kahit hirap na hirap na rin ako sa ganitong set-up ay kailangan kong habaan pa ang pasensya ko.
Pagkatapos naming kumain nang sabay-sabay ay minabuti kong dumiretso sa dorm ko para makapagpahinga. Nakahiga lang ako habang nakatitig sa pink na kisame at nagmumuni-muni. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakakaramdam ako ng saya--- masaya lalo na't iniisip mong sana totoo na lang lahat ng mga nangyayari ngayon. Lahat nagkakasundo, lahat pawang masaya. Kaso sa t'wing imumulat ko ang mga mata ko ay sinasampal ako ng katotohanang--- lahat ng ito ay palabas lamang.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para maidlip nang bigla kong mapansin na may sulat na nakaipit sa paanan ng pinto ko.
Iss-blay, i-tay ay-may ound-say absurd-yay ut-bay ou-yay eed-nay o-tay ow-knay e-thay uth-tray.
E-bay areful-cay om-whay ou-yay ust-tray or-fay.
If-yay ou-yay ant-way o-tay ow-knay e-thay uth-tray...
Eet-may e-may at-yay e-thay ot-spay uo-yay always-yay isit-vay en-whay uo're-yay ad-say.
I'll-yay ait-way or-fay ou-yay.
D.
It's the same pig coded message that I've received a few weeks ago.
This is it.
I'm one step closer.
One step closer to that killer slash holder of the record book.I'm one step closer to finally end this endless chase.
-
Mabilis kong isinuot ang hoody jacket ko na kulay itim nang sumapit ang alas otso 'y media ng gabi. Oras kung saan kakaunting watchers ang nakabantay.
Katulad ng dati ay walang kahirap-hirap na narating ko ang paborito kong tambayan. I wonder, nasaan na kaya siya?
Mag-iisang oras na kong naghihintay dito at pinagpipyestahan ng mga lamok pero wala pa rin siya. Kahit bakas ng kanyang anino ay hindi ko mahagilap. Posible kayang isa rin 'tong palabas?

BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Misterio / SuspensoImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...