Chapter 21

859 33 12
                                    

* * * * *
Too Late

( Charity Haze )

Nandito ako ngayon sa isang bangin. Sinasabi ko na nga ba, may naaamoy akong kakaiba sa kanya. No wonder, tama ang hinala ko noon pa man. Dapat talaga hindi na ko nagtiwala sa kanya. Sana lang ay magising na si Bliss sa katotohanan na, walang katuturan ang ginagawa naming pag-iimbestiga hangga't patuloy siyang nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan.

Pero hindi ang kamanhidan ni Bliss ngayon ang problema ko. Kailangan ko ng makaalis dito as soon as possible. Kailangang kong ipangalandakan ang lahat bago may mangyaring masama ulit.

"DO YOU WANT TO GET OUT OF HERE?" sigaw ng isang 'di ko kilalang nilalang. Marahil ay siya 'yong nagbabala kay Bliss kanina.

"HELL, YES I DO!" sigaw ko pabalik sa kanya.

"LET ME TEST YOUR CREDIBILITY FIRST. HAVE YOU SEEN A HOLE THERE? IF YES, KUNIN MO 'YUNG BOX NA NAKAIPIT MALAPIT SA BUTAS."

Mabilis ko namang hinanap ang butas na sinasabi niya. Mabuti na lang at may dala akong flashlight kaya hindi pa man umaabot sa isang minuto ay nahanap ko na ito. Nasa bandang kanan ito at natatakpan ng mga buhangin. Nilinisan ko muna ito at saka ko kinuha ang maliit na box na nakaipit dito at binuksan ito.

Tumambad sa'kin ang mga dice na nasa loob ng kahon. Wait, hindi ito basta basta dice lang. Isa lang kasi 'yung side na may mga dots dito at hindi pa pare-pareho ang bilang ng dots nito.

Alam ko na...

"DO YOU WANT ME TO DEDUCE IT?" tanong ko sa kanya. Alam ko kasi na isa na naman 'tong code. Pero teka, si D lang naman ang mahilig gumawa ng code aah? Posible kaya na siya si D?

"YES. IF YOU CAN."

"THEN, WATCH ME," I said as I start scrambling the dices para makabuo ako ng isang salita. Nakita ko kasi na may nakapuslit na padlock na may password sa butas na natatakpan ng isang bakal na pabilog na siyang nagsisilbing takip nito. Sa pakiwari ko'y ang salita na mabubuo ko ang siyang magiging password nito.

"THE CLOCK IS TICKING! YOU HAVE 2 MINUTES LEFT," sigaw niya sabay hagis ng mga damo na may kasamang buhangin sa bangin na kinalalagyan ko. Balak niya siguro akong tabunan kapag natapos ang oras na hindi ko 'to nasosolve.

Natataranta man ay pinilit kong magpakatatag hanggang sa... an idea came up.

Hindi ito isang basta-bastang salitang tagalog o ingles. Maybe it has something to do with my favorite book of all times.

Sinimulan ko ng ihelera ang mga dice pero habang ginagawa ko 'to ay patuloy pa rin sa paghulog ng mga damo na may kasamang buhangin ang taong nasa taas. May balak yata itong patayin ako.

"PWEDE BA ITIGIL MO 'YANG KAKAHULOG MO NG KUNG ANO-ANO!" pakiusap ko sa kanya pero mukhang hindi siya papatinag.

"30 SECONDS!" sigaw nito.

Isang nakasisilaw na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. Tama ako, may kinalaman nga 'to sa paborito kong nobela.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon