* * * * *
Grim Reaper Befriends Me( Bliss )
Naalimpungatan ako nang bigla akong makaramdam ng gutom. Umaga na pala. Siguradong male-late na naman ako. Kaya kaagad akong nagbihis at naglakad papuntang cafeteria habang kinukusot-kusot ko pa ang aking mata na marahil ay dala ng sobrang pagpupuyat.
Nang makarating ako sa cafeteria ay agad akong pumwesto sa paborito kong pwesto, sa pinakadulo malapit sa may bintana. Akmang susubo na sana ako nang may mamataan akong babaeng napakapamilyar ng mukha. Marahil ay siya 'yong babaeng nakita ko kahapon sa administration office. Wait, kahapon ko nga ba siya nakita? Anong oras na ba? Nagpalinga-linga ako sa paligid at mabilis na naghanap ng orasan. Alas singko pa lang pala ng hapon. Sa sobrang pagod ko ay hindi ko na namalayan ang oras. So ibig sabihin, siya 'yong babaeng nakita namin kanina na walang sawang umiiyak at sumisigaw.
Lalapitan ko sana siya para bigyan ng panyo nang biglang may taong humigit sa'kin at agad akong pinaupo kung sa'n ako nakapuwesto.
"Don't you dare mess on someone's life again. Masyado kana yatang nagpapabibo?" wika ni Sab na nasa katabing lamesa ko pala nakapuwesto.
Wala akong nagawa kundi ang mapairap na lang at umupo. Ipinagpatuloy ko na lang aking pagkain at hindi sila pinansin. Ayoko nang makipagtalo pa. Wala namang nakikinig sa'kin. Para saan pa halos lahat sila nabulag na ng ganitong sistema. Pati batang walang kamalay-malay ay hindi nila pinalampas. Pera lang ba ang katapat ng lahat ng kademonyohang 'to?
I wonder why people cares so much about money. In fact, there's a lot of things more important than those piece of bills and coins.
-
Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong nagtungo papuntang mini-forest at umupo sa pinapaborito kong spot, sa likod ng narra. Nakasanayan ko na 'to para naman kahit papaano ay maibsan ang stress na nararamdaman ko. Nanatili lang akong nakatingala sa kalangitan at pinagmamasdan ang napakagandang kulay ng langit. Mamula-mula ito na maihahalintulad sa buhok ng pinakapaborito kong girl anime character na si Erza Scarlet ng Fairytail.
Aalis na sana ako nang bigla akong makakita ng isang babaeng nakahandusay sa may damuhan. Halos maligo na ito sa sarili niyang dugo. Walang pag-aalinlangang lumapit ako sa kanya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya 'yong babaeng dapat sana ay lalapitan ko kanina. Ibig sabihin ay kamamatay lang nito. Maraming saksak ang natamo niya at kung titingnan mo ay parang suicide ang nangyari dahil nakahawak pa ito sa kutsilyong nakabaon sa may tiyan niya na ginamit niya para saksakin ang sarili niya. Nakahawak pa kasi siya sa kutsilyong ginamit niya para patayin ang sarili niya.
Imposible!
Bakit hindi ko man lang nakita o naramdaman ang presensiya niya rito? Kung susuriing mabuti, mas nauna akong mapadpad dito kesa sa kanya dahil nakita ko pa siyang kumakain sa cafeteria bago ako tuluyang dumiretso rito. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman umaabot sa 30 minuto ang pagtambay ko rito. Bakit wala man lang akong narinig na sigaw o ng kahit anong daing na galing sa kanya?
Sa unang tingin pa lang ay maniniwala kang suicide nga ang nangyari subalit bakit parang iba na naman ang kutob ko? Masyado na yata akong nagpapaka-detective. This time, baka suicide nga ang nangyari. Wala kasi akong narinig na pagtatalo man lang kung meron ngang iba pang taong sangkot dito.
Natigil ang pag-iisip ko nang mapagtanto kong matagal-tagal na rin akong nakatayo at walang ginagawa sa harap ng bangkay ng kaawa-awang babaeng ito. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking mga luha matapos makita ang karumal-dumal na sinapit niya. Isa na naman kaya itong kagagawan ng mga nasa itaas? O baka totoong nag-suicide ito sa kadahilanang pilit ipinapalaglag ng mga admins ang batang nasa sinapupunan niya?
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Mystère / ThrillerImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...