* * * * *
Chimera( Bliss )
"Bliss," tawag sa'kin ng babaeng nasa harap ko ngayon. She's wearing an astonishing kind of expression with a little bit shock on it. She seems happy kasi finally makakaalis na siya sa impyernong ito.
Ironically speaking...
Talaga bang hahayaan ng school na 'to na may makaalis?"You know what? Thank you. Thank you for making me realize the existence of God," aniya sabay yakap sa'kin.
"W-why are you here?" I hesitantly asked. Hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko and take note, nakakausap ko pa siya.
"What do you mean? I'm here because this is my school!" aniya sabay bitaw mula sa pagkakayakap niya sa'kin. "Btw, I'm here to say goodbye and I just want to say that I am hoping to see you soon on the outside world," she said as she waved goodbye together with her parents. "I'll wait for you," pahabol niyang sabi habang binabagtas ang gate palabas.
"B-bye. Take care," mahinang sambit ko. Hindi kaya nananaginip na naman ako?
"Bliss," tawag ulit sa'kin ng isa pang babae.
Is this really happening?
No. This isn't right! I'm hallucinating.
Napasabunot na lang ako ng aking sarili nang mapagtanto kong parang pinaglalaruan yata ako ng mga taong nasa paligid ko.It seems real at the same time, everything seems strange.
"Are you okay?" she asked as she cupped my face probably checking if I'm sick. "Look, I'm not here to cause trouble again, I'm here to express my regards and farewell," she said as she hugged me just like what the other girl did a while ago. "Salamat kasi hindi mo lang kami iniligtas bagkus tinulungan mo pa kaming maipaliwanag ang sarili namin sa kanila. Alam mo bang dahil sa katapangan mong labanan ang baluktot na sistema nila ay makakalaya na kami?" aniya habang hinihimas ang tiyan niyang medyo lumalaki na.
Maya-maya pa ay dumating na ang humahangos na isang lalaki dahil sa mga bitbit niyang gamit. Bigla niya namang itinuon ang paningin niya sa'kin at walang pag-aalinlangang nagpasalamat katulad ng ginawa kanina ng kanyang nobya.
Hmm. So hindi totoong nawawala siya?
Kahit hindi ko man naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko ay nagpatuloy pa rin ako sa pagbagtas ng daan patungo sa aking silid-aralan.
"Hi there Avi, wanna join us?" pag-aanyaya ni Dane na ngayon ay nag-aayos ng sarili papuntang cafeteria kasama sina--- Damn!
Sa pagkakaalala ko ay hindi naman ako gumagamit ng kahit anong klase ng droga at mas lalong hindi ako baliw para makaranas ng ganito.
Halos tatlong minuto rin akong nag-isip kung sasama ba ako o hindi sa kanila. First time ko kasi silang makitang magkakasama nang hindi nagbabangayan. Muntik na sana akong sumagot ng "oo" sa kanila nang bigla kong maisip na--- Hindi 'to totoo. Isa 'tong malaking kasinungalingan. Ito'y isang ilusyon lamang. Kaya naman nagpagpasyahan kong tuklasin kung ano na nga ba ang totoong nangyayari sa paligid.
Gulat at kuryusidad ang naging rason ko para hindi sumama sa kanila. Sa halip, hinanap ko ang isang taong makapagpapatunay na totoo ang mga nangyayaring ito sa paligid ko. Kaya naman dali-dali kong sinuyod ang daan papuntang kabilang building para hanapin siya.
"Excuse me Miss?" I said as I tapped the back of the girl with a long shiny black hair sa harap ko.
Tama nga ako, siya nga.

BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Misterio / SuspensoImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...