A/N: Intermmittent Explosive Disorder is an impulse control disorder which typically begins in late childhood and persists through the middle years of life.
According to DSM IV-TR, a diagnosis of IED requires: several episodes of impulsive behavior that result in serious damage to either persons or property, wherein the degree of agressiveness is grossly disproportionate to the circumstances or provocation.
* * * * *
The Way OutBliss
Sabado ngayon at dahil wala namang pasok ay naisipan kong bisitahin si Cha sa clinic. Napagpasyahan ko munang dumaan sa cafeteria para kumuha ng makakain niya at makakain ko na rin. Naisip ko kasi na sumabay na lang sa kanya sa pagkain ng almusal.
Nang makarating ako sa clinic ay naabutan ko siyang nagsusulat, no scratch that. Naabutan ko siyang nagcocompute.
"Ang sipag mo naman yata at pati homeworks mo ay naisipan mong gawin dito?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
"Nagkakamali ka nang iniisip Bliss. Hindi ito isang homework lamang. Isa itong hidden message na natagpuan ko sa locker ko kamakailan lang."
"Hidden message? Para saan?" naguguluhang tanong ko.
"Hindi ko rin alam kung para saan ito kaya naisipan kong idecode na muna 'to habang naghihintay akong gumaling ang mga sugat ko."
Dahil sa curiosity ay naisipan kong kunin sa kanya ang papel na naglalaman ng hidden message kuno. Subalit laking gulat ko nang walang ni isa mang letra ang natagpuan ko rito bagkus ito ay naglalaman ng mga numbers na kailangang icompute. Sabagay, kaya nga hidden message. Sino naman kayang tao ang mag-iiwan ng ganito at pahihirapan pa ang taong iniwanan nito sa pagdecode kung anong mensahe ang nakapaloob dito? Tsk.
"Alam ko ang iniisip mo Bliss. Nababasa ko sa mukha mo ang mga katanungang sino ang taong gumawa nito at bakit ganito ang isinulat niyang mensahe," wika nito na para bang isa siyang magaling na mind reader.
"Sa hula ko ay naisip n'yang sa'kin ibigay ang mensaheng ito sa kadahilanang ako ay mahilig sa codes and cyphers at isa pa, isa akong BS-Math student. Until now, isang malaking katanungan pa rin sa'kin kung sino ang nag-iwan nito sa locker ko at ano ang motibo niya. Noong isang linggo ko pa kasi 'to nakita na nakaipit sa calculus book ko at dahil sa inakala kong isa lamang itong simpleng math problem ay isinantabi ko ito."
"Paano mo naman nasabi na hindi nga ito isang simpleng math problem lang? Eh sa isang kita ko lamang ay masasabi kong isang simpleng addition, subraction, multiplication at division lang ito."
• • • • •
250250.25 x 4 =
200222 x 5 =400444.4 + 600666.6 =
3500000 - 2489990 =
4000400 / 4 =
333367 x 3 =
168335 x 6 =505050 + 505050 =
5005555 - 4004444 =9000990 x 1/9 =
400400.4 + 600600.6 =
20022200 x 10/200 =
200020 x 5 =3033003 - 2022002 =
250277.75 x 4 =
10000 / 0.99 =
2020020 / 2 =3030333 / 3 =
2020202 / .20 / 100 =
4044004 x .25 =
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Gizem / GerilimImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...