* * * * *
New Encounters( Bliss )
It's been a week since Bea died and up until now Kent doesn't show up. Posible kayang may nangyari nang masama sa kanya? O baka naman isa na rin siyang malamig na bangkay ngayon?
Nakaramdam ako ng kaba nang biglang pumasok sa isipan ko ang mga narinig kong tsismis sa pathway noong isang araw.
"Posible kayang patayin din siya katulad ng nangyari noon sa isang estudyante rito?"
"Nasisiguro kong 'yon nga ang mangyayari kay Kent. Katulad ni Paolo ay bigla na lang din siyang lalaho na parang bula sa eskwelahang 'to."
Sino naman kaya si Paolo?
Anong kinalaman ng pagkawala niya noon sa nangyayaring pagkawala ni Kent ngayon?"Hi Bliss! Mukhang malalim na naman ang iniisip natin aah? Dahil ba 'yan kay Kent? Nabalitaan ko kasi na nawawala raw siya ngayon? Alam kong pakana na naman 'to ng mga admins. Sumosobra na talaga sila! Kailan ba sila titigil? Siguro hanggang sa tuluyan nang mabunyag ang lahat ng mga kasinungalingan at kasamaan nila," wika ni Jennybie na bigla-bigla na lang sumusulpot. May lahi ba siyang kabute?
"Siguro nga hindi sila titigil hanggang walang pumipigil sa kanila. Kung pwede ko lang sanang malaman lahat ng baho nila at lahat ng sikreto nila, eh di sana natigil na lahat ng kasamaang ito."
"Kung pwede ko lang sanang sabihin sa'yo ang sikreto ko."
"Huh? A-anong sikreto?" tanong ko kay Jenn na nagsimula nang maglakad palayo sa'kin. Mabilis ko naman siyang nahabol at pinaharap sa'kin.
"Sabihin mo sa'kin ngayon din Jenn ang lahat ng nalalaman mo. Please lang... Kung gusto mong matapos na lahat ng kaguluhan dito. Sana naman ay makipagtulungan ka sa'kin sa paglutas ng misteryo sa akademyang 'to. Hirap na hirap na kasi akong lumaban mag-isa. Hirap na hirap na kong habulin ang katarungan."
"Pasensiya na Bliss, gustuhin ko mang sabihin sa'yo ang lahat ay hindi maaari. Alam kong alam mo na ang tungkol sa'kin. Mahirap makuhang muli ang tiwala ng mga admins. Kung tutulungan kita ngayon at hindi ka magtagumpay, posibleng hindi na ko makakaalis pa sa impyernong 'to," wika nito bago tuluyang naglakad palayo.
Tama siya. Maaaring ikapahamak niya kung sakali mang pumalpak ako. Lalo pa't minsan niya nang trinaydor ang mga admins.
Marahil ay kailangan kong maghanap ng isang taong taos pusong tutulong sa'kin. Isang taong walang sabit.
Ngunit maliban sa sarili ko? Sino pa kaya ang taong mapagkakatiwalaan ko rito?
-
Sa paglalakad-lakad ko ay hindi ko maiwasang magmuni-muni. Napag-isip-isip ko na... bakit nga ba ganito ang buhay ko? I used to be a happy little girl before--- living a peaceful, contented and comfortable life with a complete family. But due to some circumstances, my whole life has changed. And it started when my dad cheated on mom so they end up filing an annulment. Simula no'n naging impyerno na ang buhay ko kasama ang step mom ko. Kulang na nga lang maging ako si Cinderella eh. 'Yon nga lang, I don't have a fairy godmother who'll save me, give me a make over and help me find my knight in shinning armor. Ang tanging pag-asa ko na lang sana ay ang akademyang ito. Hoping that they will really change and help me to become a better person. Pero wala itong pinagkaiba sa kinagisnan kong buhay sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/125901160-288-k164435.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Mystery / ThrillerImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...