Chapter 15

1.1K 46 6
                                    

* * * * *
My Decoder Buddy

Bliss

It's really comforting to know that I have someone to rely on now. Ngayon na kasama ko na si Cha sa paglutas ng misteryo ng school, posibleng nalalapit na rin ko sa katotohanan.

Habang naglalakad ako papuntang room ay nadaanan ko sila Laxus at Hazel na nag-aaway. Mukhang hindi pa rin tapos sa pagseselos itong si Hazel sa bf niyang babaero. Isang malulutong na mura ang natanggap niya kay Hazel at idagdag mo pa ang mga sampal at kurot. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Pero mabuti na rin 'yon dahil sa wakas ay nakakuha na rin ng katapat si Laxus. Noon kasi si Bea ang target niya, ngayon naman si Cha? Tsk.

Nilampasan ko na lamang sila dahil wala naman akong pakialam sa relasyon nila nang biglang may humigit sa'kin at inakbayan ako.

Sino pa nga ba ang taong mahilig gumawa nito kundi si Dale. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakikita kaya medyo nanibago ako sa kanya.

"Naiinggit ka ba sa kanila? Ang sweet nila noh?" ani nito habang patuloy na nakamasid sa nagbabangayang Laxus at Hazel.

"Psh. Sweet your face," inis na sabi ko habang pilit na inaalis ang kamay niya sa balikat ko. "Sweet na ba 'yan para sa'yo? Tsk. I pity those people like you who tends to imagine shitty things like love. I pity those people who fall in love and get hurt and devastated at the end."

Totoo naman eh, I used to be called flirt, bitch and whore at my former school but none of them was true. I never dated any guy back then but they use to spread rumors about me dating someone in public places. Well, that's the nature of human being, they tend to engage in spreading fake news.

"Mas kaawa-awa kaya 'yong taong wala man lang nagpapatibok diyan," wika niya sabay turo sa dibdib ko. "By the way, can you be my date?" dagdag nito sabay abot sakin ng isang sobre. Isa yata itong invitation card. Pero para saan?

"Just be my date and I'll show you how good it is to be in love," wika nito sabay takbo. May pakaway-kaway pa siyang nalalaman. Pero teka, hindi pa ko...

"Sandali lang Dale, hindi pa ko umu-oo sa'yo!" sigaw ko sa kanya.

"Silence means yes Collins," pahabol na sigaw nito.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang siya ang magiging kauna-unahang date ko sa tanang buhay ko.

Binuksan ko ang card at binasa ang mensaheng nakapaloob dito. Isa pala itong event ng school. Maikukumpara mo ito sa isang JS Prom ng karaniwang school pero mas kakaiba ito dahil hindi lang sayawan at kainan ang nakaline up na activities dito. Mayroon ding kantahan, fire dancing, sports at naglipanang mga exhibits.

Ito ang tinatawag nilang...

Immurable Night.
Pretty sounds like 'memorable night' huh?

Ayon sa maikling description sa likod ng papel ay tinawag daw itong "immurable" kasi isa raw ito sa mga hindi malilimutang gabi ng mga estudyante. At dahil mistulang nakakulong pa rin kami sa school ay pinaghalo na lang nila ang mga salitang immure (imprisonment) at memorable (unforgettable) equals, immurable. Nice name though.

Habang naglalakad ako papuntang classroom ay biglang tumunog ang mga speakers ng school.

"Calling all the attentions of students, please proceed to the Immure Stadium as soon as possible. We have some announcements to tell regarding the upcoming event, Immurable Night. Hurry up! We don't have much time to wait."

IMMURE ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon