* * * * *
Assumptions( Bliss )
I have five suspects at hand and I can't still believe na isa sa kanila ang salarin sa lahat ng kababalaghang nangyayari sa school.
Habang nagsasaya sila, naisipan namin ni Cha na bantayan ang mga kinikilos ng mga suspect namin ngayon.
-
1.) Dangelle Allister - mahirap mang paniwalaan dahil isa siya sa mga taong malapit sa'kin pero hindi pa rin maaaring ipagsawalang bahala ko na isa siya sa posibleng may hawak ng record book. Ayon kay Cha, napunta siya rito kasi inakala ng mga magulang niya na isa siyang psycho. They say that Dane is suffering bipolarity disorder. According to her Psychiatrist, she just need to be rehabilitated so her parents brought her here instead of putting her in a real rehabilitation center. And as for the information for some, bipolarity disorder is a condition that features extreme shifts in mood and fluctuations in energy and activity levels that can make day to day living difficult.
So kaya pala minsan may topak si Dane.
But what will be her reason to be a suspect held liable for the missing record book? Tanong ko sa sarili ko. Wala naman kasi akong nakikitang rason para pahirapan niya kami sa paghahanap ng hustisya sa mga nangyayari sa school.
"I don't think Dane will be our suspect. Can we cross out her name?" tanong ko kay Cha.
"No Bliss, I understand that you were friends with her but we don't know, malay natin sa kabila ng mga kabutihang pinapakita niya sa'yo ay nakakubli ang maitim na sikreto," aniya na siyang ikinabahala ko.
Kahit saang anggulo ko kasi tingnan ay hindi ko lubos na maisip na siya ang may hawak ng record book. Oo minsan may pagkamisteryoso siya pero kaibigan ko pa rin siya at may tiwala ako sa kanya.
2.) Hazel Franz Santiago - ang babaeng nadiagnose na may Intermittent Explosive Disorder. Ang babaeng may anger issues. Siya ang babaeng nanakit kay Cha noon at ang kasintahan ni Laxus. Hindi ko alam kung ano ang rason niya para kunin ang record book pero she seems to be alarming. Base sa ugali niya, posibleng siya nga ang isa may kakayahang gumawa ng krimen dito sa school. But as an accountancy student, we are constantly reminded that we need to be fair and objective at all times. So I cannot just judge her without knowing her reasons."I think Hazel is not the one who stole the record book," aniya na siyang ikinagulat ko.
"What?!"
"Oo, alam ko na nasaktan niya ko pero hindi siya gano'n eh. Hindi man kami close sa isa't-isa ramdam ko pa rin na may mabuti siyang kalooban. Minsan nga lang hindi niya makontrol ang galit niya," wika niya na siyang ikinanganga ko.
Akalain mo 'yon, sa kabila ng nangyari sa pagitan nilang dalawa naniniwala pa rin siya na inosente ito at may mabuting kalooban.
"Wow," wika ko habang umiiling sa kanya. " I can't believe that you still be able to tell that after what she did to you. Amazing!"
"Kasi Bliss, ramdam ko na maging siya nahihirapan na ring dalhin ang sakit niya. Pagkatapos niya kasing saktan ang mga taong nakapagpagalit sa kanya ay nakikita ko siyang umiiyak sa sulok at sinasaktan ang sarili niya. I even heard that she even tried to kill herself because she wanted to be free from hatred and aggressiveness. Nakokonsensiya na raw kasi siya sa gulong naidudulot niya sa tuwing inaatake siya ng sakit niya. So I firmly believe na hindi siya ang salarin."
![](https://img.wattpad.com/cover/125901160-288-k164435.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMURE ACADEMY
Misteri / ThrillerImmure Academy, a school where badass teens belong. A place more like a detention center where detainee's was force whether to change, repent or not. Welcome to the school where personality growth is all that matters. Highest Rank: #70 in Mystery/T...