Give me some feedback guys kung may mga hindi kayo nagugustuhan or gusto nyo para well-aware ako if my readers enjoyed my story!:)
Promise!:) nagrerespond po ako at hinding hindi po ako nangangagat o nangangain ng tao hahaha!!>•<
Thank you!:*
New President of Research Org.
AYUMI POVS
Sa totoo lang hindi ko na kailangan pang mag aral para sa test na to. Feeling ko, master na master ko na ang subjects namin ngayon taon.
Pero may kakaiba akong nararamdaman sa paligid ko. Sobrang kakaiba. Napakahirap nyang ipaliwanag.
Para bang napakalapit nito sakin. Napakakakaibang aura na may masama at maganda sa pakiramdam.
Ano bang nangyayari sakin? Pero maya maya lamang nawala na din ito.
Napatingin ako sa bintana para tingnan kung meron bang nakatingin sakin sa labas.
Pero sa salamin ng bintana, nagreflect ang isa naming kaklase na nakapwesto sa likuran ko na nakaharap ito sakin habang napapalibutan ng napakaitim na aura sa katawan.
Tumingin ako agad sa kanya pero busy itong nagrereview para sa test namin later.
Ano ba tong nangyayari?
Ayon sa researches ko, mga Chinese or Japanese ang kalimitang naniniwala sa mga ganun!
Pero possible ba na makita to by the human eye? Hindi ba kathang isip lamang ito.
Habang lumalalim ang iniisip ko, dumating na ang teacher namin for the test.
Pagkabigay ng mga test papers, sobrang dali lang nito. Napakadali!
Sinagutan ko ng sinagutan ang aking papel habang pinapakiramdaman ang paligid. Napakalakas talaga ng pakiramdam ko.
Parang may mga matatalim na titig!
Napaparanoid na naman ako!
"May problema ba, Ayumi? " Tanong bigla ng teacher namin.
Umiling na lamang ako at ipinasa ang aking testpaper. Nagulat ito ng sobra.
Halos 10 minuto lang ang nakalilipas, tapos ko na ito agad hanggang 100 items.
Yumuko na lamang ako at hinayaang kainin ng antok.
Makalipas ang dalawang oras...
Sa wakas at nakatapos na din silang lahat.
Hindi ko rin naramdaman ang mga pagkulbit daw sakin ni Eldrin dahil tulog na tulog daw ako.
"Students, we an announcement to make. Ilan sa inyo ay kasama sa research org., di ba? May bago kayong president dahil sa naganap na hindi kanais nais sa dating president. Marami syang naging problema and now hindi na nya maihandle. He passed it sa Vice President. Pero rinig ko, your vise president ay hindi nyo pa nakikita. "
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...