Chapter 27

1.2K 35 0
                                    

Accidentally

TAIKI POVS

Nang umalis si Cyan, ilang oras na ang nakalilipas at dumilim na wala pa rin siya.

Wala na akong nagawa kundi magsimula ng maghanap sa paligid. Sumigaw ako ng sumigaw at sana naririnig nya ako.

Ipinangako ko sa sarili ko na dapat ko syang protektahan.

"Taiki, hanapin natin sya. Let's separate our ways!" at tumango ako pero pinigilan kami ng Teikus Crocodile.

"Masyado ng mapanganib ang pagiikot dito. Kada gabi, may mga halimaw na nabubuhay at natutulog kapag umaga. Mas mabuting huwag na kayong umalis dahil dito ay magiging ligtas kayo kasama ko." sabi nito.

"Hindi ako makapapayag! Hahanapin ko sya!" sabi ni Ken at tumakbo ito.

"Walang kahit sinong makakapanakit sa aming Kamahalan! Dahil isa lamang siyang kaluluwa! Walang makakahawak rito."

"Ngunit wala pa ring kasiguraduhan na ligtas sya at hindi mo kami mapipigilan!" at tumakbo ako sa ibang daan na tinahak ni Ken.

Hindi ako mapipigilan ninuman sa dapat kong gawin lalo na kung tungkol ito sa taong mahal ko.

Sumigaw ako ng sumigaw para mahanap si Cyan. Marami na akong naririnig na panganib sa paligid pero hindi ko iyon pinansin. My priority is to find her no matter what happen. Ayokong malayo at magsuffer sya sa mga nararamdaman at problema.

May mga umuulan na ahas sa daraanan ko. Napakaimposible man itong nangyayari pero gumawa ako ng barrier para maprotekhan ako sa mga venom ng ahas na iyon.

Kaya nitong pumatay ng tao ilang minuto lamang sa oras na kumalat ang kanyang lason sa katawan at makarating sa utak.

Ilang oras na akong naglalakad at naghahanap pero wala pa ring sign na nandito sya.

Sana walang nangyaring masama sa kanya. Pero maya maya may naririnig akong hukbi sa hindi kalayuan. Alam kong boses ito ni Cyan.

Agad akong pumunta sa lugar na iyon at tama nga ako at siya iyon.

"Cyan?"

YOHANNE POVS

"Hindi na talaga mapigilan ang mga kabataan ngayon." pailing iling na sabi ng buwaya.

Napatawa na lamang ako ng mahina.

"Wala po talagang makapipigil sa dalawang iyon lalo na't dahil sa nangyari noon." napatango na lamang ang buwaya dahil alam niyang wala talaga siyang magagawa.

"Teka, si Ayumi?" biglang sambit ni Vishna. Tumingin tingin kami sa paligi at wala sya dito.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Vishna.

AYUMI POVS

Sinundan ko si President para mahanap si Ate Cyan. Mali nga siguro ako sa nagawa ko.

Siguro nga wala akong alam sa ginawa ni Eldrin. Bakit nga ba kahit may ganito akong kakayahan, bakit wala ang lahat ng ito?

Lahat ng ginawa ni Eldrin sa mundong ito? Kaya siguro destined tobe here ako dahil sa ginawa ni Eldrin.

Nakakatakot na ang buong paligid. Ginamit ko lahat ng nakita ko at nabasa ko sa libro tungkol dito sa lugar na ito.

This raining snakes, I know its weakness. Kailangan mo lamang ng dahon na ang tawag ay Fragra dahil sa bango nito nilalayuan ito ng mga ahas.

Ginamit ko ito para ipabango sa buong katawan ko para hindi nila madapuan.

Sa totoo lang mabango talaga sya as in! Gusto ko nga syang gawing pabango! If I am given a chance talaga, I'm going to make a perfume using this leaves! Amazing!

Ilang oras na kaming naglalakad at hindi nya ako napapansin. Siguro sobrang focus sya sa paghahanap kay Ate Cyan pero bakit ganun may halos selos sa akin?

Teka? Ano bang sinasabi ko?

Magkapatid sila! At wala akong karapatan magselos!

Pero maya maya lang bigla na lamang syang tumakbo at sumunod ako.

"Cyan?" narinig kong tawag ni President.

Mukhang nakita na nya si Ate Cyan.

Magmamadali na sana akong lumapit ng biglang magsalita si Ate Cyan.

"Kuya, kailan ba ako magiging masaya? Kailan ba ako dapat kumawala sa nakaraan?" at bigla itong umiyak ng sobra.

Niyakap siya ni President. Gusto ko rin siyang yakapin para humingi ng sorry pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Sinasabi ng isip ko na huwag akong makialam dahil usapan ito ng magkapatid. Matagal na silang hindi nagkasama at mas pinahihirapan ang situation nila dahil sakin.

At sinasabi naman ng puso ko na huwag akong umalis at may mga dapat akong marinig.

Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito pero kailangan kong sundin ang sinasabi ng instincts ko.

"Cyan, patawad! Wala akong magawa para matulungan ka. Hindi ko alam ang dapat kong gawin."

"Kuya, bakit hindi maibigay sakin ng kasiyahan na gusto kong maramdaman? Yung kasiyahan na ipinagkait sa akin nang mahiwalay ako sa inyo." hindi nagagawang umimik ni President dahil kitang kita sa kanya ang hirap lalo na kay Ate Cyan.

Gusto kong sabihin kay Ate Cyan na nandito naman ako. Ako naman ang dapat at kailangan para mabuhay sya. Kapag nabuhay sya makakasama na niya lahat. Makakasama na din namin siya.

Mararamdaman ko yung yakap ni Ate Cyan. Makakasama namin siya sa lahat ng mga gagawin namin. Sa lahat ng adventures na gagawin namin. Ako na mismo ang magpaplano ng mga gala namin para magkaroon kami ng mga oras para magkasama.

Sila na ang pamilya ko. Sila na lang ang natitira sakin ngayon. Kahit na hindi ko sila kadugo, alam kong sila ang pamilyang dapat kong makasama hanggang sa kamatayan.

"Kuya napakahirap! Kuya ayokong maging makasarili para maging masaya. Ayokong isakripisyo ni Ayumi ang buhay nya para lamang sa kaligayan ko." and with that my world stopped.

Ibig sabihin
.
.
Kailangan .. Kong
.
Mamatay para kay Ate Cyan?

"Sakripisyo?" dahil doon hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil sa narinig.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon