Who is Cyan?
AYUMI POVS
"Siya si Cyan, ang kapatid ko." nagulat ako sa sinabi nya.
Ang estatwa na nasa loob ng akademya ay isang dragon na malaki na may buhat na babaeng may saksak ng kutsilyo.
"Huwag mong sabihing..."
"Naging estatwa ang kapatid ko ng magkaroon ng digmaan." Napaluhod ito bigla at lumuhod ako para hawakan sya.
Halata mo sa kanya ang matinding lungkot at panghihina.
Tumingin muli ako sa estatwa na para bang ginusto ng babae ang nangyari sa kanya. Wala kang makikitang kahit ano.
Sobrang hirap siguro nito para sa kaniya.
"Huwag mong kimkimin lahat, President. Pwede mo namang sabihin sakin lahat." At ngumiti ako para ipakita sa kaniya na matatag ako.
Oo matatag ako. Alam ko ang pakiramdam ng mamatayan.
"Noon, hindi ko alam na sya ang nawawalang kapatid ko. Minahal ko sya bilang iba sa lahat. Marami ring nagmamahal na mga tao sa kanya dahil sa katangiang meron siya. Pero... pero nagsimula ang lahat ng mangyari ang nakatadhanang mangyari."
"Anong nakatakdang mangyari?"
"Dapat mapatay nya si Livia, ang kakambal ni Ina pero hindi nya ito magagawa dahil konektado sya rito."
Anong klaseng pagiging konektado?
"Masaktan si Cyan, masasaktan si Livia. Lumakas si Livia, lalakas si Cyan. At kapag namatay ang isa sa kanila. Mamamatay silang dalawa. Akala namin nagawaan na ito ng paraan pero nakapagdesisyon na sya magisa dahil hindi namin siya dinamayan."
Mas lalong tumindi ang pag iyak nya.
"Anong ibig mong sabihinh hindi nyo sya nadamayan?"
"Nakuha ni Livia ang kaluluwa ng kapatid ni Ken yung kausap ko kanina at nasira lahat ng pinagsamahan nila dahil sa naganap na iyon. Nawalan siya ng tiwala. Kahit masakit para kay Cyan, lumayo ito. Hindi namin alam, may pinagdadaanan siyang mas mabigat. At yun ay ang pagbubuwis ng buhay sa araw ng digmaan na iyon. Mis... mismong sa hara.pan namin sya nalagutan ng hininga." at pinagsusuntok nya ang lupa at nagawa ko itong pigilan.
"Noon lamang din namin nalaman nina Ina na sya ang nawawala kong kapatid kung kailan huli na at wala na kaming magawa kundi ... kundi tanggapin ang kanyang naging desisyon. Kasalanan ko iyon! I didnt recognize her! Ansakit sakit! Wala akong nagawa para sa kanya." pinagsusuntok ang dibdib nya ng malakas at niyakap ko sya para matigil ang ginagawa nya.
Mas lalong lumakas ang pagiyak niya. Kahit ako naiiyak na. Hindi ko na rin namalayan na tumutulo na ng tuloy tuloy ang luha ko.
Kapag lalaki talaga, mas gusto nila ang kinikimkim ang lahat ng nararamdaman nila. Hindi nila magawang masabi. Gusto nilang ipakitang matatag sila kahit alam nilang sobrang nanghihina sila.
Sobrang hirap ng pinag daanan nya. Kung ako ang nasa kalagayan nya, baka patay na ako ngayon.
Matapos ang nangyaring iyon, nakatulala ako habang naglalakad sa kwarto ko. Sa totoo lang, sa laki mg academy na to hindi ko alam kung saan ang room ko.
Pero mas iniisip ko yung kay Taiki. Kawawa naman pala sila. Pero ano palang role ko dito? Bakit nandito ako?
"Mukhang naliligaw ka na yata." nagulat ako sa nagsalita sa likod ko.
Humarap ako at tulad ng inaasahan, kailangan kong tumingala.
Teka sya yung tumingin kay Eldrin nang nakakatakot kanina.
"Dalawang araw ka ng tulog, hindi na nila nagawang igala ka sa buong akademya. Pasensya na!" At yumuko ito bigla.
Teka
"TWO DAYS?!" at tumawa na lamang ito bigla.
"Ihahatid na kita." Tapos itinuro nya ang daan pabalik.
"Ako nga pala si Ken!" at nag gesture sya na makipag shake hands and ginawa ko naman.
Teka narinig ko yung pangalan na yun kanina.
"Ikaw ba yung may kapatid na kinuhanan ng kaluluwa?" at napatigil ito bigla.
"Paano mo nalaman?"
"Ikinuwento lahat sakin ni President kanina. Sobrang lungkot nya. Sinisisi nya ang sarili nya dahil sa nangyari." at yumuko na lamang ito bigla.
Ops! Wrong move.
"Sa totoo lang ako ang may kasalanan ng lahat!"
Hala! Kahit kailan talaga hindi ako marunong magingat!
"Anong ibig mong sabihin?" wala ng ibang lumalabas sa bibig ko kundit yan lang.
"Nang mangyari iyon kay Kian, nagalit ako sa kanya ng husto. Lahat ng galit ko sa kanya ko itinuon. Ipinagtabuyan ko sya kahit alam kong mali. Pero ginawa ko at tinanggap nya iyon. Wala akong alam kundi ang isipin ang sarili ko. Hindi ko alam , mas mabigat ang nararamdaman nya noon."
Siguro nga sobrang halaga sa kanila nung Cyan kaya ganito sila kalungkot.
"Pero ayaw kong maramdaman iyon ni Cyan ngayon. Magpapakatatag ako para sa kanya." At ngumiti ito bigla na para bang walang iniindang sakit.
Ganun din si President noon. Nakangiti ito na para bang walang problema pero sa kabila ng ngiting yun, - burden.
Hindi ko namalayaan nasa iaang kwarto na kami na kulay gold. Ang ganda ng mga carvings! Ang astig!
"Narinig ko kasi na kay Cyan na kwarto ang gagamitin mo pansamantala habang hinahanapan ka ng para sayo talaga. Ingatan mo ang silid na iyan!"
"Kuya! Samahan mo ako kay Ate Cyan gusto kong halikan sya sa pisngi bago matulog!" Ngumiti na lang ako sa kanila at umalis na sila.
Teka hindi ko naitanong kung ilan taon na silang lahat! Parang ambabata pa nila para sumabak sa isang war!
Pero bakit ganun si Ken? Parang may something na hindi ko maipaliwanag!
Ahh basta! Bahala na! Kailangan kong ipagdasal si Mommy! Siguro binantayan nya lamang ako at prinotektahan para sa oras na ito.
I will make sure na magiging proud kayo sakin Mommy and Daddy! Para sa inyo to!
I will keep my life safe and secured. Kung ano man ang dapat kong gampanan dito ngayon ay gagawin ko para sa inyo. I will promise na buhay ako pagkatapos noon.
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasíaNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...