SuperHuman
CYAN POVS
Sa totoo lamang, ang katawan ni Ayumi ay katawan ko pansamantala. Kapag gagamitin ko ito, panandalian itong mawawalan ng malay at susunod sa mga naisin ko ng walang pag aalinlangan.
Alam kong nakatatapak ako sa isang taong alam kong may kakayanan ngunit ngayon oras na ito, mas mahalagang maprotektahan ang mga taong kasama namin ngayon
.
Nakakaramdam ako ng isang taong nakatago lamang sa paligid at ang may dahilan kung bakit may paparating na malaking bato kanina
.
Ginamit ko ang aking kadena upang sundan ang kung sinuman ang nasa paligid.Naramdaman kong pumulupot ito sa isang bagay at
"NAPAKAIMPOSIBLE!" ito ang naging palatandaan ko na nahuli ko na ito.
Ihinila ko ito ng malakas at naging dahilan na ang mga puno ay magsipagtumbahan.
Nang makita ko na ito, isa itong estudyante na may suot suot ng uniporme ng Magica Academia.
Mukha isa ito sa mga taong kinokontrol ni Eldrin.
Habang hinila ko ito nagawa nito mailapat sa lupa ang kanyang mga paa at napigil ang paghila gamit ang pagkapit sa lupa.
"Ayumi" Kilala ko ang boses na ito.
Siya ang lalaking sumira at pumatay sa mga taong tumutulong sakin noon.
Hindi ako nagpatinag sa lakas nito sa pagpigil sa aking paghila, mas lalo kong nilakasan at itinilapon ko ito sa magkabilang gilid ng gubat ng hindi iniaalis ang pagkakali sa kanyang leeg.
Minadali ko na ito at habang mahina pa ito, ipinadaloy ko kaagad ang dulo ng akin kadena papunta sa kanyang puso upang patayin ito.
Itinusok ko na ito ng walang pagaalinlangan at naging bato na ito. Binasag ko ito upang hindi na ito magamit pang muli.
"Upang makasigurado tayo na hindi na muli ito magagamit, kailangan mo itong sunugin Ken." sabi ko kay Ken ngunit pinigilan ako ni Vishna.
"Cyan, huwag! Hindi muling magagamit ni Ken iyan. Hayaan mo na lamang ang mga kaibigan ko ng mabuhay ng payapa kahit ganito ang sasapitin ng kanilan mga bangakay." at lumuhod ito sa harapan ko.
Hinawakan ko ang kanya balikat at niyakap ito gamit ang katawan ni Ayumi.
Tapos na ang dapat kong gawin. Kailangan ko ng humiwalay sa kanya.
Sinimulan ko ng lumayo kay Ayumi habang nakayakap ito kay Vishna.
"Ayumi?" tawag ni Vishna.
"Mukhang alam ko ng Kamahalan kung bakit hindi lumaban ang nilalang na iyon." napabaling ako kay Teikus at bigla na lamang ako nagtaka.
"Dahil ang babaeng iyong kasama ay ang minamahal nyan kaibigan." At bigla na lamang akong nanghina.
"NAPAKAIMPOSIBLE! ANG BOSES NA IYON! SIYA ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAMUHAY AKO NG MAGISA!!!"
"Ano pong ibig sabihin mo Ate Cyan? Si Eldrin ba ang tinutukoy mo?" nakita ko ang mata ni Ayumi at nag gigilid na ang luha nito.
"Cyan, huminahon ka! Hi..." Sa reaksyon ni Kuya may alam siya rito.
"May alam ka rito hindi ba?" bigla na lamang itong napatigil.
"Hindi nyo manlang nagawang sabihin sakin! Na yung hayop na Eldrin na yun ang pumatay sa mga taong dapat kasama ko sa paglaki habang wala kayo."
"Ate Cyan, huwag ka namang maging ganyan sa nagiisa kong kaibigan! Kahit naging masama sya, may komokontrol lamang sa kanya o ka..."
"O kaya ano? Wala kang alam sa pinagdaanan ko Ayumi!"
"Pero Ate Cyan matagal ko syang nakasama at ..."
"MATAGAL KA DIN NYANG NILOKO!"
Lumayo ako sa kanila upang maglabas ng galit ko.
Bakit hindi nila agad sinasabi sakin ang lahat ng iyon. Alam kong matagal na nilang alam yun, ngunit bakit hindi nila nagawang sabihin iyon?
Ang masama pa nito, kaibigan ito ng taong kailangan ko para mabuhay! Dapat ba akong maging masama? Dapat ko bang kontrolin sya hanggang sa makuha ko ang katawan ko?
Alam kong hindi nya kayang kontrolin ang emosyon na namumuo sa kanya. Tulad na lamang kanina, ngunit napakahirap.
Paano nya ako tatanggapin ng buo para mapabalik sa katawan ko?
Paano ako mabubuhay ng mapayapa?
Paano kami makakabawi ng pamilya ko sa mga oras, araw, buwan at taon na nawala para sa pagsasama namin?
Paano ako mabubuhay ng ayon sa gusto ko?
Ngunit ngayon, nagiging makasarili na ako para sa pansarili kong buhay.
Pero dapat lamang hindi ba?
Dumanas ako ng hirap ng maraming taon, nagsakripisyo ako para sa buhay ng nakararami at dumaranas ng paghihirap at pangungulila dahil wala ako sa katawan ko.
Wala ba akong araw na dapat maging masaya?
Araw na dapat akong maging makasarili para sa sarili kong kaligayahan?
Nakatadhana sya para isakripisyo ang buhay para sa akin pero bakit ganun nasasaktan ako at nakokonsensya?
Alam ko ang pakiramdam ng pagsasakripisyo para sa kaligayan niya, nila at ng nakararami. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
Ano bang nararapat?
Ano ba ang dapat?
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...