LUCRACIA CAVE
ELDRIN POVS
"Kamahalan, ito na po ang estatwa ni Cyan."
Oo ako ang kumuha ng estatwa ni Cyan. Paano?
Ginamit ko ang katawan ni Dorothea na dating estudyante sa akademya. Habang nagmamasid, naghihintay ako ng tamang oras para mapapasok ko siya sa barrier ng walang nakakapansin. At tamang tama, I saw her.
I saw the girl whom I love for years. It's Ayumi. Sabi na nga ba at dito talaga sya nababagay kasama ko. Pero hindi pala ako ang makakasama nya.
I saw her crying which I hated the most! This love? Oo totoo ito. Walang halong biro! Walong halong kasamaan.
Mahal ko talaga sya.
Ginamit ko ang opportunity para mapapasok si Dorothea. Ang barrier ay gumagana lamang kapag patago ang pagpasok ng kaaway at wala itong kasamang kahit na sino sa akademya.
Good timing!
Pinapunta ko si Dorothea sa kanya at hinayaan lamang silang magusap. Kahit malayo ako, kaya kong marinig lahat ng nasa loob kasi parang ako ang may katawan nun.
Narinig ko rin ang isang announcement at saktong sakto ito.
Ang kapangyarihan ni Dorothea ay invinsibility at nagawa ko mapapasok ang tatlong superhuman powers para buhatin ang estatwa.
Sumabay ito kina Dorothea upang hindi mapansin and success! Walang nakapansin.
Hanggang ngayon dala dala ko pa rin ang language ng mga tao dito sa mundo ko.
Inutusan ko itong maghiwalay na sila ni Cyan at pumunta na ito sa lugar kung nasaan ang estatwa ng hindi nakikita ng kung sino man.
Inintay ng mga ito na mawalan ng tao at binuhat nila ito kasabay ng pagkawala ng estatwa gamit ang kapangyarihan ni Dorothea at kaya ko silang dalhin kung saan ko man sila gusto.
At yun ang ginawa ko para makuha si Cyan.
"Magaling Eldrin! Nakabawi ka sa pagkakamalo mo noong nakaraan. At bibigyan muli kita ng isang misyon."
Misyon na naman? Wala na ba akong pahinga?
"Magugustuhan mo ito!"
AYUMI POVS
Feeling ko tuloy kasalanan ko ang lahat.
Nandito kami ngayon sa napakalaking office ng hari. Hindi mapakali ang hari at patuloy ang paglakad paikot sa may lamesa.
"Atopeo, anong gagawin natin?"
Yumakap agad ang Hari kay Ina. Bakit ba nagpaloko ako sa babaeng yun?
"Wala kang kasalanan, Ayumi." at napaharap ako sa nagsalita at si President iyon.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya. Tinapik tapik nya ako sa likod at gusto ko ang pagko comfort nya na yun.
Ewan ko ba? Sobrang sarap sa pakiramdam ng yakapin nya akong pabalik.
At bigla na lamang nagbukas ang pinto ng hari at iniluwa sina Ken na pagod na pagod.
"Wala na sila sa akademya!" sabi ni Yohanne. Bigla na lamang nasuntok ni Ken ang sobrang kapal at malaking pinto ng office.
Ang sakit nun!
"Ang hirap nito. Hindi natin kilala kung sino ang tunay na kaaway!" sabi ni Vishna.
"Ang hinala ko si E..." May sasabihin sanang pangalan si Dane ng itigil nya ito.
Si Eldrin ba yun? O baka may iba pang pangalan na nagsisimula sa letter E.
"Ahh Ayumi, pumunta ka muna sa iyong silid. Ipapatawag ka na lamang namin muli kapag tapos na kami magusap." utos sakin ng Reyna.
Kahit ayoko, tumayo na lamang ako at nagbow sa harapan nila.
"Pakibantayan sya. Baka siya ang isunod." Utos naman ng hari sa isang napakalaking half man and half monster.
Nakakatakot sya!
Naglakad na lamang ako at lumabas ng kwarto.
TAIKI POVS
Nang makaalis si Ayumi nagsimula na kaming magusap.
"Ang hinala ko si Eldrin iyon." Sabi ni Ken.
"Totoong si Eldrin yun." sabi ni Vishna na talagang sigurado ito na siya iyon.
"Paano mo nasabi?"
"Siya lamang ang may kakayanan na kumontrol ng katawan ng tao kasabay ang kapangyarihan ng mga ito. At alam nito ang tungkol sa akademya at kay Dorothea." Paliwanag nito at napataas ang kilay ko sa huli nyang sinabi.
"Dahil si Eldrin ay ang dating estudyante dito sa akademya." at nanatiling tahimik si Ama at Ina na parang kilala na nila ito.
"Si Eldrin ay pumatay ng pitong tao kasama ang kasintahan niyang si Dorothea. Ang pitong tao na iyon ay ginagamit niya upang maging sandata. Sila rin ay mga dati niyang kaibigan." kwento nito.
"Paano mo nalaman ang kwentong iyon Vishna?" Tanong ng Hari.
"Dahil isa sa pinatay nya ay ang lalaking minahal ko. Bago siya mapatay ni Eldrin, sobrang saya nya ng makilala niya ito at maging kaibigan pero nangyari ang hindi inaasahang hindi pagkakaintindihan sa kanilang magkakaibigan. Inisip ni Eldrin na tinraydor sya ng mga kaibigan nya."
"Anong klaseng pagtatraydor?" tanong ni Ken.
"Na tinalikuran na siya ng mga kaibigan nya dahil nalamang ng Hari at Reyna kung sino ang nagpasimula ng paglusob sa bundok ng Lucracia noon."
"Ibig sabihin siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng paglusob na nagpalabas na dahil ito ng akademya?" at tumango ito.
"Ngayon ginagamit niya ang mga katawan at kapangyarihan ng kanyang mga kaibigan."
"Ano ang mga iyon?"
"Invinsibility o hindi makikita ninuman.
Superhuman ability o kayang bumuhat ng kahit anong mabibigat na bagay ng walang kahirap hirap. Tatlo iyon sa kanila.
Kakayahang kumontrol ng papel.
Kakayahang gumamit ng tinta sa paggawa ng armas o kahit anong naisin at magiging totoo ang lahat ng ito.
Kakayahang kumontrol ng anino."
Maganda ang blending ng mga kapangyarihan na iyon. Mahihirapan kaming matalo isa isa iyon kung hindi kami magsasanay ng husto.
Masyado syang malakas at kaya nyang tumagal sa laban kung hindi namin siya masusugatan.
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...