Chapter 25

1.2K 34 0
                                    

Teikus Crocs II

AYUMI POVS

Nang hindi na namin narinig ang ingay ng halimaw, unti unti ng pinabagal ni Vishna ang ipo ipo.

Sana naman patay na ito para wala ng problema. Hindi parin umaayos ang paghinga ni Dane.

Parang may pumipigil sa paghinga nito. Anong nangyayari sa kanya?

Nang mawala na ang ipo ipo, makapal na usok na lamang iyon pero hindi pa rin nakikita kung patay na ang halimaw.

Isang saglit lang, para silang nilatigo at tumalsik.
Sobrang lakas ng pagkakalatigo sa kanila. Tumalsik at nasira ng mga punong nadaanan nila dahil sa lakas noon. Nang mawala ang usok, buntot pala iyon ng halimaw.

Hindi lang makapal ang balat nito, napakaflexible pa ng buntot. Paano pa ito mapapatay?

"Yan lamang ba ang kaya nyo?" nagsasalita ang halimaw?

"Tama na iyan." bigla lumabas si Ate Cyan sa dinaanan namin kanina.

Teka hindi ba namin sya kasama kanina sa pagtakbo? Ganun ba kahimbing ang tulog nya para hindi kami maramdaman tumatakbo.
Humikab ito habang naglalakad kasabay si Dorf.

Akala ko ba alerto lagi ang aso, bakit parang ngayon lang naging ganito si Dorf.

Napansin ko na natigilan ang buwaya at ang kanyang buntot ay bumalik na sa normal nitong buntot.

"Napakaimposibleng mapatay nyo ang Teikus Crocs." sabi nito.

"Bakit naman?" tanong ni President na nakagalaw na mula sa pagkakatalsik.

"Immortal sya. Ang tagabantay ng Ilog Teikus kung saan namatay si Isias." Umingay ang crocodile ng pagkakalakas lakas na halos mabingi kami at lumipad dahil sa hangin.

Lumakad ito papunta kay Cyan at yumuko.

"Kamahalan." Hinawakan ni Cyan ang  buwaya.

"Sila ay aking mga kaibigan." at biglang napatingin ang halimaw sa direction namin.

"Patawad , Kamahalan!" Yumuko itong muli.

Nakita nitong tumango si Ate Cyan at lumapit kay Dane.

Sinugatan nito ang dibdib ni Dane at umagos ang dugo.

"ANONG GINAWA MO?!" sigaw ko.

"Pabayaan mo lamang siya Ayumi." sabi ni Ate Cyan.

Sira ba sya? Nagdu...

Teka? Bakit nawala agad ang kanyang sugat? Yung sugat na ginawa nitong halimaw na ito.

"Yun ang bumabara sa kanya, dahilan para mahirapan ito huminga at mamatay." yumuko ito sa harapan ko at tumango na lamang ako.

Grabehan na talaga! Napakapanganib pala ng lugar na ito.

Tumakbo si Yohanne papunta sa amin at niyakap si Dane. Mukhang may something kay Yohanne para kay Ate Dane. Ako kaya? Si Ken ba?

Kilig na naman ako! Pero may part na si President! Bakit ganun?

Ikinupas ng buwaya ang kanyang buntot sa harap ni Ate Cyan para siguro hawakan ito ngunit tumagos lamang ito.

"Isa lamang akong kaluluwa ngayon, nandito ang aking katawan sa hardin. Maaari mo ba akong tulungan?" at parang napaisip ang halimaw.

"Iyon ba yung isang estatwa na karga ng isang dragon?" nakita nya?

"Iyon nga!" sabi nito.

"Nakita ko iyon, nasa loob ng tore ni Isias dala ng marami tao dito. Ngunit ang mga iyon ay ramdam kong patay na. Kinokontrol ng isang lalaki." si Eldrin?

"Mukhang kilala ko na kung sino iyon." sabi ni President.

Kahit hindi nya na ito sabihin, alam kung si Eldrin iyon.

Bakit ba kailangan nyang gawin to? Matagal ko ng kasama si Eldrin pero parati nya akong inililigtas sa gustong manakit sakin. Overprotective pa nga sya sakin!

"Maaari ko kayong samahan." Sabi nung buwaya.

"Ngunit paano ang ilog ng Teikus?"

"AMA!" sigaw ng isang maliit na buwaya.

Shems! Hindi man ito ganun kaliitan pero kung huhusgahan aakalaiin mo lamang na isa itong ordinaryong buwaya.

"Ang aking anak ang bahala sa lugar na ito kamahalan. Mas alam ko ang pasikot sikot ng buong lugar." Tumango si Cyan at pumunta doon sa maliit na buwaya.

"Anong pangalan mo?" hinawakan nya ito sa ulo na para bang aso.

"Luan po." niyakap ito bigla ni Cyan.

"Ingatan mo ang iyon sarili ha?" Ang galing nagagawa nyang hawakan ang iba pero hindi namin sya mahawakan.

"Masusunod po." Kitang kita mo sa batang buwaya na yun ang sobrang saya sa ginawa ni Cyan.

Ipiniggy back ride ni Yohanne si Ate Dane dahil unconcious pa din sya.

"Pagpahingahin nyo lamang sya, iyon ang kailangan nya." tumango si Yohanne at naglakad na ang buwaya.

Habang naglalakad, naguusap lamang ng buwaya pati si Ate Cyan. Ako naman inaalalayan ko si Ate Dane habang karga ni Yohanne.

Pero maya maya umungot ito at sign iyon na pagising na sya. She slowly opened her eyes at nagulat siya nakawrap ang kamay nya kay Yohanne pero hindi iyon napansin ng nakabuhat sa kanya.

Akala nya hindi ko sya nakikita, kaya nagpanggap lamang ito na tulog pa rin at mas lalong idiniin ang mukha sa leeg nito.

Hmm! Mukhang hindi lang si Yohanne ang nakakaramdam magisa. Haha!

Pero bigla na lamang, may malaking bato na papalapit sa amin at nasa unahan pa kami ni Yohanne.

Bigla na lamang may kung ano akong naramdaman na kumokontrol sakin. Hinayaan ko ito at ginawa ang gusto ni Cyan dahil alam kong siya ito.

Itinaas ko ang aking kamay katulad ng kanya at winasak ang paparating na bato.

Lumapit na ito sakin at pumwesto sa likuran ko para magconnect by stepping to my shadow.

Naramdaman ko sya. Para bang sumanib na talaga sya sakin. And everything turns to black after something released inside me.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon