Confession
TAIKI POVS
"Sakripisyo?" ang boses na iyon!
Pagkaharap ko at nakita ko si Ayumi.
"Paano ka nakarating dito?" sinundan nya ako?
"Totoo ba yun President? Kailangan kong mamatay para mabuhay si Ate Cyan?" tiningnan ko sya ng mata sa mata..
Napakahirap nito sakin! Bakit ba dapat mangyari ang mga ito?.
"SAGUTIN MO AKO! KAILANGAN KONG MAMATAY PARA MABUHAY SI ATE?" wala na akong nagawa kundi tumango ng labag sa loob ko.
Oo ayaw kong sabihin sa kanya. Mahal ko na si Ayumi!
Napakabilis man pero hindi ko rin alam kung bakit!
Tumakbo ito at hindi ko sya nagawang masundan dahil sa panlalambot ng tuhod ko.
Alam kong malakas ako at matapang pero sumobra bigla ang mga nangyari. Nagsabay sabay ang lahat! Hindi ko na alam kung alin ang dapat unahin.
AYUMI POVS
Bigla na lamang akong tumakbo ng umamin si President tungkol sa pagsasakripisyo ng buhay.
Akala ko makakasama ko sila kapag natapos ang lahat ng ito.
Akala ko magiging masaya na ako kapag nabuhay na si Ate Cyan.
Akala ko matatahimik na ang akademya kasama ako.
Akala ko matatapos na ang lahat ng ito kasama ako.
Akala ko makakasama ko sila sa mga adventures.
Pero lahat ng iyon akala ko lamang.
Tumakbo lamang ako ng tumakbo kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Hanggang sa napabangga ako at napaupo.
Tumingin ako rito at nakita ko si Ken na napaupo rin sa pagkakabangga naming dalawa.
Agad ko itong niyakap at kahit alam kong hindi maganda ang pagkakaposition namin wala akong pakialam.
Umiyak ako ng umiyak para mailabas lahat ng nararamdaman ko. Naramdaman ko rin ang kamay niya na hinahaplos ang aking ulo at ang isang kamay ay itinatap ang likod ko.
Umiyak lamang ako ng umiyak at tuloy siya sa pagko comfort sakin.
"Anong problema Ayumi?"
Tinulungan nya akong umupo dahil nakahiga sya kanina at ako ay nasa ibabaw nya.
Umupo rin sya sa harapan ko.
"Nalaman ko na dapat akong magsakripisyo para mabuhay si Ate Cyan." inaantay ko ang pagkagulat mula sa kanya pero wala.
Sigurado akong lahat sila alam na ito ngunit hindi nila sinabi sakin.
"Bakit kailangan nyon itago sakin? Bakit kailangan kong mamatay para kay Ate Cyan? Alam mo ba napakarami kong plano simula ng malaman ko ang tungkol kay Ate Cyan. Pero hanggang plano na lamang pala ang lahat ng iyon."
Hinawakan nya ang aking kamay.
"Ayumi, kung alam mo lamang ang hirap ng bawat isa. Lahat kami ayaw iyon mangyari. Pero tandaan mo ito, hindi lamang ikaw ang nakakaramdam niyan at lalong hindi lang ikaw ang nakararamdam ng mabigat."
Hinaplos nya ang aking ulo at ngumiti.
"Ayumi, bawat isa satin may nakatadhana. Huwag mong isipin na pabor na pabor ako para sa pagsasakripisyo mo para mabuhay si Cyan. Nagkamali rin ako. Nakatadhana akong magkamali. Nakatadhana ako para saktan si Cyan. Pero mali na ginawa ko mas pahirapan sya."
Bigla na lamang ito napatingin sa likod ko.
"Sandali lamang." tumayo ito at naiwan ako naumiiyak.
KEN POVS
Nakita ko si Taiki na nakatingin sa aming dalawa.
I know at nararamdaman ko na nagseselos sya sa aming dalawa. Maaari ding nakita nya ang pwesto naming dalawa kanina ng hindi sinasadya.
Iniwan ko muna si Ayumi para kausapin si Taiki.
"Ken, umamin ka nga. May gusto ka ba kay Ayumi?" deretsyahang tanung nito.
Oo ganito si Taiki.
"Alam mo naman Taiki kung sino ang mahal ko. Alam mo kung gaano ko kamahal si Cyan. Sumumpa ako na mamahalin ko sya kahit anong mangyari. Mamahalin ko sya buong buhay ko."
"Pero yung nangyari kanina..." hinawakan ko sya sa balikat.
"Taiki, lahat ng yun ay dahil lamang sa kailangan nya ng makakausap at mapaglalabasan ng sama ng loob. Taiki, ikaw lamang ang mahihirapan kung parati mong itatago ang nararamdaman mo para sa kanya." Ngumiti na lamang ako at tinanung kung saan naroroon si Cyan.
Tinuro nya ito at nakasandal sa isang puno ang aking mahal.
TAIKI POVS
Sobrang kinakabahan ako sa kung anog gagawin ko. Naglakad ako ng dahan dahan at lumuhod sa harapan nya.
"Ayumi" mahina kong tawag rito.
Tumayo ito at akma itong aalis pero hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan sya.
Hindi ko inaasahan ang masakit na pagdampi ng mga palad nya sa mukha ko.
Alam kong wala akong karapatang magalit pero dapat nyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko.
"Ayumi, mahirap ito sakin. Wag mo naman gawin sakin to."
"Alin ang mahirap? Hindi ha pabor ka na dapat akong magsakripisyo para mabuhay si Cyan. Isa lang naman ang pipiliin mo di ba?"
"HINDI KO KAYANG MAMILI SA INYO KASI MAHAL KO SI CYAN AT MAHAL RIN KITA!" nakita ko sa mata nya ang pagkagulat.
"Oo Ayumi. Kailangan kong mamili sa inyong dalawa. Mahal na mahal ko si Cyan dahil kapatid ko sya. Nangako rin ako na dapat ko syang protektahan at gawin ang lahat para mabuhay syang muli. Pero hindi ko magawang ipilit dahil yung nagiisang paraan na yun at katangi tanging paraan para mabuhay sya ay minahal ko ng bigla. Naging importante sya bigla." Napatigil ako dahil hindi ko na nagawang pigilan ang pagtulo ng luha ako.
"Alam ko Ayumi, para sayo kabaliwan lamang ang sinasabi ko pero..." hindi ko ito naituloy ng bigla niyang idinampi ang malalambot nyang labi sakin at hinawakan ako sa leeg.
Nagulat ako sa kanyang ginawa. Tumagal akong nakatulala ng ilang segundo at humawalay ito sa aking labi at pinaglapat ang aming mga ilong.
Pero bigla na lamang narinig namin ang isang malakas na sigaw ni Dane.
"AHHHHH!!!"
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...