Chapter 11

1.4K 40 0
                                    

INTELLIGENCE


AYUMI POVS

Grabe talaga kagabi! Hindi ko inaasahang mangyayari yun! Nagcollapse daw ako nang mangyari iyon!

Lahat sila nagulat ng yumanig ang buong paligid! Ang usap usapan pa nila, ako ang may dahilan noon dahil pati sa nangyari kay Cyan!

Yung ulo ng dragon, may malaking crack sa ulo! Nakakatakot! Parang kakainin nila ako ng buhay!

Nakasuot na ako ng uniform namin! Nag ganda nya sobra! Tinalo pa yung uniform sa school ko. Pero yung titig talaga nila nakakamatay!

"Siya ba yung dahilan ng pagyanig kagabi?"

"Bakit nagkaroon ng crack ang ulo ni Theseus?"

"Bakit nya ginawa yun?"

"Di ba bago lamang siya rito?"

Yan lahat ang naririnig ko sa paligid! Bakit ganun sila? Super pressured na ako dagdagan mo pa yung kumakalat nga balitang ganun nga! Shems! Anong gagawin ko?

Pagkarating ko sa isang pintong malaki, agad itong nagbukas.

Isang napakalaking silid aklatan! Sobrang daming libro! Hindi mabilang na libro!

PAano sila nakakaipon ng ganito karaming libro?

Sinubukan ko ng magbuklat ng isang libro , tungkol ito sa kulturang meron ang akademya. Sumunod ang language nila, pinagmulan, ibat ibang gamit sa pang gagamot, pagtetraining at kung ano ano pa.

Ang galing talag! Kada shelve iba iba ang nakalagay pero depende sa levels ng kailangan mong pag aralan! Ang galing!

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas, nakapagbuklat na ako ng 150 books na talagang hindi ako makapaniwala sa ganda ng mga iyon. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na basahin ang mga iyon.

Maya maya na lamang bigla may narinig ako pumasok at kinulbit ako. Isang katulong.

"Binibini, oras na po ng iyong klase." Sabay yuko nito sakin.

Yumuko ako bilang paggalang at naglakad na para ibalik ang mga kinuha ko.

"Binibini, ako na ang bahala sa mga iyan."

"Salamat po." At yumuko ulit ako bago tuluyang lumabas na library!

Sa totoo lang ng Makita ko ang blueprint ng buong akademya saulo ko na ito agad kaya hindi na ako nahirapang hanapin kung saan ang aking classroom.

Pagkarating ko, nandoon na ang teacher naming at lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Sa kanilang lima, ni isa sa kanil wala akong nagiging classmate! Wag mong sabihin na President ko pa din si Taiki.

Sinenyasan ako ng aming teacher na magpakilala at ginawa ko naman.

"Ako si Ayumi Azera, sanay maging maganda ang mga araw na magkakasama tayo." Saba yuko ko sa harapan nilang lahat.

Umupo na ako sa isang bakanteng upuan at nagsimula na naman ang ingay tungkol sa nangyari kagabi.

Ang totoo nyan, may nakakita sa amin ni Ken nung isinusuot niya ang necklace sakin, pero ano bang mali sa ginawa naming dalawa?

"Nagyon ang araw ng pagsusulit tungkol sa mga tinalakay natin ng mga nakaraang araw. Ito rin ang pagsusulit na makakatulong sa inyo upang mapasama kayo kina Ken. At ipagpaumanhin mo, Binibining Ayumi. Kailangan mong kumuha ng pagsusulit upang masukat ang alam mo sa akademya. Alam na natin ang maari nitong maging resulta dahil ikaw ay bago ba lamang."

Tumango na lamang ako bilang tugon.

Sinimulan na ang pagbibigay ng pagsusulit. Halos lahat ng nabasa ko kanina sa mga libro na nagustuhan ko ay naririto sa test namin!

What a coincidence!

Mukhang maa accelerate ako nito.

Sinagutan ko ang mga tanong na nasulat sa test questionnaire. Lahat ng nabasa ko kanina ay nasa iisang libro na nakacompile sa isip ko. Ang astig di ba?

Kada mababasa ko ang mga tanong, nag fi flip na ito sa page kung saan ito nakasulat at nakikita ko na ang buong sagot.

Bago ko tinapos ang aking pagsasagot, nakita kong nangangamote na sa hirap ang mga kaklase ko sa pagsasagot ng kanilang test.

Ano kayang magiging resulta nito?

Nang makatapos kaming lahat makatapos ang 3 oras, buti na lang at may balak pa silang magpasa kasi 2 hrs akong naghintay sa kanila! Napakatagal di ba?

Ipinasok na an gaming mga papel sa isang chamber na gawa lamang sa magic! AAng galing talaga!

Bawat resulta daw ng exam ay nakukuha na agad ng mga nakatataas upang maasikaso na ang rankings kung sino ang nakapasok at mapapasama kina President.

Ah kaya pala iba ang mga tingin ng tao sa kanila. Isa pala sila sa may posisyon dito. Sana mapasama din ako sa kanila. Malay natin magaganda ang adventures nila at marami akong matutunan lalo na ang macompile na libro sa utak ko.

Bigla na lamang nagulat ang teacher naming at tumingin sa direction ko.

Nagtataka akong napatingin sa kanya at napatingin din ang mga kaklase ko ng may magflash sa board na scores.

Nakaperfect ako sa buong academy kasi ipinapakita ang buong ranking sa buong academy!

Ang galing! So is that means...

Magiging part na din ako nina President?

Mapapasama na ba ako sa mga missions?

I can't wait!

Pero habang nagdiriwang ako, pakiramdam ko ang sobrang matatalas na tingin ng mga kaklase ko.

Anong ibig sabihin ng mga titig na iyon?

May ginawa ba akong masama sa kanila?

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon