Chapter 12

1.3K 44 1
                                    

DOROTHEA

AYUMI POVS

Kada maglalakad ako,

"Hindi ba bago sya? Paano sya nagkaroon ng pinakamataas na puntos?"

"Nandaya ba sya?"

"Hindi naman niya makikita ang pagsusulit sapagkat ang tanging nakakaalam lang nito ay ay nakatataas ng namumuno ng akademya at hindi kasama doon sina Taiki."

"Baka may ginawa siyang pandaraya?"

Ang sakit lang kasi iniisip nilang lahat na nadaraya ako.

Tulad kanina nang makalabas ako ng aming classroom, nakita ko ang mga classmates ko sinusubukang icheck kung may nakatago akong notes sa ilalim ng desk.

Tapos tinatry pa nilang itrack kung may mali lang sa chamber na pinagpasukan ng papel.

Maging ang teacher din naming ng makasalubong ako.

"Sigurado ka bang sayo lahat ito?" tanong nya agad sakin.

" Ang alin po?"

"Ang mga sagot mo sa pagsusulit. Napakaimposible kasi para saiyo ang mangyari iyon." pinakalma ko ang sarili ko upang wala akong masabing masama.

"Baka po may mali doon sa painag tama nyo ng aming papel." pagsesegway ko.

Sa totoo lang ha? Ansakit kaya ng haral harapan ganyan ang tanong kahit alam mong galing talaga sayo iyon at kakayanan ko iyon.

"Iyon ay napakaimposibleng mangyari. Kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang Sadrino." napayuko na lang ako at hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Bakit ganun? Sa school ko naman dati hindi ganito ah? Normal naman akong nag aaral ah!

Tumakbo ako ng mabilis kung saan ako dalahin ng mga paa ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito.

Ang madown sa sarili kong pinaghirapan! Bakit hindi agad naging maganda ang first day of school ko?

Umupo ako sa isang malaking puno kung saan walang kahit sino ang naririto. Ibinuhos ko lahat ng luha ko rito.

"Binibini, ayos ka lang?" pagkarinig ko ng boses ng isang babae, pinunasan ko kaagad ang aking luha at humarap sa kanya.

"Ahh oo naman! Bakit?"

"Ahh wala po, akala ko kasi may masakit sayo. May problema ba?" umiling na lamang ako bilang sagot.

"Bago ka lamang rito?" at tumango ito.

Hihilahin ko sana sya papasok para itour but she refused.

"Dito na lamang muna tayo. May klase ka pa ba?" inisip ko ang schedule ko kung may class pa ako.

Umiling ako bilang sagot. Buti na lang wala na akong class. Gusto ko muna ng fresh air!

Panigurado pagbalik ko roon mainit ang mga mata nila sakin.

"Saang silid ka?" tanong nya sa akin.

"Labing isa! Ikaw?"

"Tamang tama doon rin ako bukas." At ngumiti ito ng pagkalapad.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Ako si Dorothea."

Pero bigla na lamang akong kinabahan. Yung kabang halos sumisikip ang dibdib. Sobrang hirap huminga! Parang nakakasakal ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Panigurado tungkol ito dun sa test! Matatanggal na ba ako?

Palalayasin na ba nila ako?

Hahayaan ba nila akong mawala dito?

Ikukulong ba nila ako?

Napahawak ako sa buhok ko at ginulo sa sobrang kaba.

"May problema ba?" tumingin lamang ako sa kanya at ngumiti.

Nahihiya ako kina President! Ano na lang sasabihin nya sakin?

Na cheater ako?

Na wala akong kwenta?

Shems! Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Maya maya may isang malaking boses ang narinig sa buong paligid.

"Lahat ng estudyante ay pumasok sa kanya kanyang silid sa isang importanteng anunsyo."

ITO NA NGA YUN! BAKA I ANNOUNCE NA AKO YUNG MAY PINAKAMATAAS NA SCORE NA NAKUHA!!

LALO NA AKO NITO!

Tumayo na ako at ganun din sya.

"Tara sabay na tayo!" tumango ito at naglakad na kami.

Nang malapit na kami bigla itong huminto at parang may hinahanap.

"Maaari bang mauna ka na. May naiwan ata ako sa pinanggalingan natin kanina." nagwave na lang ako ng kamay at nagsimula na syang tumakbo.

Naglakad na ako pabalik sa room ko at tama ako napakainit ng tingin nila. Kung nakamamatay ang titig natunaw na ako kanina pa.

Kasabay pa nito ang sabay sabay nilang bulungan. Buti na lamang at hindi rin kalayuan ang room kaya nakapasok ako agad. Lahat sila naririto na.

Ang pinagtataka ko lamang, bakit wala ng bakanteng silya kung may bago kaming classmate?

Sabi kasi nila kada classroom sapat lamang ang silya sa bilang ng estudyante per section.

Baka wala pa talaga mamaya pa ata.

Ilang mimuto na ang nakalilipas at hanggang ngayon wala pa si Dorothea.

Nagsimula na din ang teacher na magroll call ng pangalan.

"Ayumi." tawag ng teacher at itinaas ko ang aking kamay.

Nang matapos ang lahat, bakit hindi nabanggit ang pangalan ni Dorothea.

"Guro, di ba po may bago kaming estudyante?" tanong ko at nakuha ko lahat ng atensyon nila.

Grabe talaga!

"Bagong estudyante? Ikaw lamang ang bagong estudyante dito sa seksyon na ito." at bigla akong nagtaka.

"Pero ang sabi nya, dito daw sya sa silid na ito at kaklase namin sya."

"Anong pangalan niya?"

"Dorothea."

Nang mabanggit ko ang pangalan na yun lahat sila nagulat at parang natakot.

"Si Dorothea ay patay na ilang taon na ang lumipas dahil sa isang sakit na walang lunas."

Ha?

Bigla na lamang umingay sa buong paligid, dahilan para lumabas kaming lahat.

Nagpupula ang buong paligid, sign of emergency! Nabasa ko ito sa isang book tungkol sa akademya.

Protected sya ng barrier at nagpupula ito kapag may nakapasok na hindi taga rito sa Akademya o hindi pinahintulutan ng hari.

Nang makarating kami sa hall kung nasaan nakatayo ang estatwa ni Cyan at

"Kamahalan, nawawala ang estatwa ng Prinsesa."

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon