Cyan
AYUMI POVS
Nakakagulat naman! Nagsalita ang unicorn grabe! Iba talaga ang lugar na ito.
"Ayumi." kahit nakatingin ako sa unicorn masasabi kong shems pahiya ako! Hindi sya ang nagsasalita!
May lumabas na isang babae mula sa likod ng unicorn. Wala sya doon kanina! Napaatras ako bigla.
"Wag kang matakot, ako ito si Cyan."
Teka sya si Cyan? I mean si ate Cyan?Mas bata pa sya sakin tingnan. Parang around 17-19 years old pa lamang sya. Sobrang puti, red lips, walang kahit anong make up, mahaba ang pilik mata, maganda ang body poisture, slim at nakabraid ang buhok na parang reyna.
Hindi ko rin napansin na nasa harapan ko na sya.
"Ka.. kamusta ka, Ate Cyan?"
Shems! Bakit kinakabahan ako?
"Ayos lamang ako. Matagal na kitang hinihintay sa lugar ko."
Iniintay nya ako?
Ibig sabihin alam nya na darating ako?
"Oo." nagulat ako ng bigla syang sumagot.
"Nagsalita po ba ako?"
"Hindi. Pero naririnig ko kung anong naiisip mo Ayumi."
Ahh!
"Tara ililibot kita dito."
Habang naglalakad hindi ko na naiwasan magtanong tungkol sa lugar na to.
"Ate Cyan, ang lugar na to ay parati kong nakikita sa panaginip ko. Napakadilim at may masamang babae na nagre reyna dito, totoo po bang nangyari yun?"
"Kung maaari sana huwag mo na ako po-in. Hindi ako sanay. Parang magkasing tanda lamang tayo. Oo lahat ng iyon ay totoo. Nagaganap din iyon noong oras na yun. Alam kong nakita mo ang nangyari noon at kung paano ako naging estatwa."
So ibig sabihin hindi lang yun panaginip at hindi lang din sa libro galing.
Totoong nangyari iyon mismong araw na napanaginipan ko iyon. Kahit malabo yun pala yun!
"So ikaw ang kapatid ni President?"
"President?"
Ops! Mali! Dapat pala filipino! Teka anong pangalan ni President?
"Si Kuya Taiki ba?"
"Yun! Nakalimutan ko kasi ang pangalan nya. Nasanay ako na iyon ng itawag sa kanya kasi naging President sya ng grupo namin sa isang organisation."
Napatango na lamang ito sa aking sinabi.
Nang mag side view ito.
"Pero Ate alam mo ba parang nakita na kita sa mundo ng mga tao, ilang taon na ang nakakaraan." at napakunot ang noo nito.
"Oo nakarating na ako sa mundo ng mga tao pero aksidente lamang ang lahat ng iyon. Doon ko rin natuklasan ang ibang bagay na ginagawa ng mga tao, doon ko rin nakilala si Taiki pero hindi bilang kapatid. Isa pa doon din daw lumabas ang aking kapangyarihan dahil nagawa kong pumatay ng tao sa pamamagitan ng pag pulbos doon."
"Teka ikaw po yung babaeng tinutukoy ng mga pulis na pumatay sa isang lasing?" tanong ko dito.
"Paano mo nalaman iyon?" lalo tuloy akong naging curious sa mga nangyayari.
"Bali balit iyon dati. Hindi ako naniniwala kasi napakaimposible na magkaroon ng may kapangyarihan sa mundo. Paano pala kayo nagkita ni President?"
"Nabangga nya ako nung bagay na tinatawag nilang sasakyan o kotse."
At napataas ang kilay ko kasi may naalala akong incident na iyon."Hmm! Kaya pala pamilyar ka sakin! Nakita ko yung aksidente na yun."
"Ahh! Nakakahiya naman! Baka nakita mo rin yung mga ginagawa ko noong oras na iyon bago ako nabangga ni Kuya."
At napatawa na lamang ako!
CYAN POVS
Buti na lang at andito na sya.Gusto ko na munang magliwaliw sa labas.
Gusto ko na silang makita. Lahat sila gusto ko ng mayakap. Ilang taon na akong naririto at hindi sila pwedeng pumasok."Ate, tara labas na tayo." Aya nya sakin.
"Sandali lamang."
Tumayo kaming dalawa at humarap ako sa aking mga alaga."Mga kaibigan, ako ay lalabas muna panandalian makabalik sa aking katawan. Bantayang maigi ang ating mundo. Huwag hahayaang may makapasok. Patayin ang magtatangkang sirain ang tahimik nating tirahan. Magiingat kayong lahat!" at yumuko silang lahat sa akin at lumapit ako upang yakapin sila.
" Tara na." at hinawakan nya ang aking kamay. Iba ang aking pakiramdam sa paghawak nya ng aking kamay.
Habang naglalakad, lalo akong sumasaya dahil alam kong nandito sila. Nandito rin siya! Sana maayos na ang lahat!
Sana wala na yung galit na nararamdaman nya para sa akin. Labis na lungkot ang aking nadarama sa tywing naiisip ko na napakawalang kwenta kong nilalang na may malakas na kapangyarihan.
Napabalik ako sa realidad ng nakikita ko na ang lagusan ng akin kweba. Makakalabas na ako. Nagkatinginan kami dalawa at iisa ang nasa isip namin.
Takbo!
Para kaming bata na tumatakbo dahil may humahabol. Buong buhay ko noong bata ako, marami akong hindi nagawa. Siguro ngayon pwede pa.
At nakalabas na kami."Cyan?"
Nagsitayo silang lima at lumapit sakin.
At ang unang yumakap sakin si Ken. Pero tumagos ito sa aking katawan at nasa likod ko sya ngayon. Sinubukan nya muli pero para akong multo na hindi nila mahahawakan.
"Anong nangyayari?" Tanong sakin ni Ken.
Sinubukan nilang dalawa ni Kuya, si Ken nasa likuran ko habang si Kuya nasa harapan ko.
"Isa... Dalawa .... Tatlo"
At sabay silang yumakap sakin pero muntik na silang magkahalikan.
"YACK!!" sigaw ng dalawang babae.
Nagkabitawan ang dalawa sa pagkakayap dahil sobrang lapit ng kanilang mukha.
"Bakit hindi ka namin mahawakan?" tanong ni Kuya.
"Dahil ansabi sakin ni Beina, kaluluwa lamang si Ate Cyan sa loob, dahil ang katawan nya ay nasa estatwa." paliwanag ni Ayumi.
Alam ko ang kakayanan nya. May isang sagradong silid aklatan sa loob ng utak nya. Dapat hindi ito makuha nino man.
" Bakit si Livia noon?" Tanong ni Yohanne.
"Ikinulong si Livia sa loob ng buhay. Ang ginawa ng kweba ay pinaghiwalay nito ang kanyang kaluluwa at katawan." paliwanag ko sa kanila.
"Kailangan na talaga nating hanapin ang estatwa nyo ni Theseus." sabi ni Dane.
"Hanapin?"
"May nagnakaw ng iyong estatwa. May kalaban tayo na hindi pa nakikilala. Maaaring may koneksyon ito kay Livia." sabi naman ni Vishna.
Kalaban?
Koneksyon kay Livia?
Maaaring ikaw nga yun! Ikaw na sumira ng pamilya ko!
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...