About her life
AYUMI POVS
Ano ba talagang nangyayari?
"Kailangan nating magusap."Sabi ni Mommy na talagang nakakapanibago sa kilos nya.
"Hey, Ayumi umuwi ka na. And also Dorf pakibantayan sya maliwanag. Huwag na huwag kayong magpapasok ng kung sino. Lalo na si Eldrin." At tumindig ang balahibo ko sa katawan.\
Sumakay na sila sa isang sasakyan at umalis na.
Sumakay na rin ako para makauwi. Ano bang nangyayari? Sobrang creepy na talaga! Nagsimula siguro yun nung nabangga ko yung President namin o sadyang malas lang ako dahil ni Eldrin. Kaya siguro ayaw ni Mommy na lumapit na ako sa kanya. Pero naniniwala ba talaga sya sa ganun?
Habang nagiisip bigla na lamang may humarang sa daan at hindi ko na nahabol ang pag apak sa break at napabangga sa harapan na kotse.
Bakit hindi ko nakita ang kotse na iyon?
Sinubukan ko maaninaw ang nasa paligid ko. Isang lalaki ang papalapit sa akin pero hindi ko na nakita ng magblurr ang aking mata at naramdaman ko na lamang na may bumuhat sakin at isinakay sa sasakyan.
TAIKI POVS
"Mrs. sino po ba talaga kayo?" pagsisimula ko ng usapan.
Andito kami ngayon sa isang cafe kung saan lagi kaming nasa VIP.
"Ako nga pala si Alea. Dati kaming nakatira sa mundong iyon, sa Athenia. Pero dahil nga sa isang kaganapan ng panahon ng digmaan, hinanap kami ni Beina upang umalis sa lugar na iyon. Isang baabe ang isisilang na dapat naming pangalaan at hahanapin ng limang taong nangangalaingan upang bumahay ng pinakamahalagang tao sa mundong iyon." paliwanag niya.
"Ang ibig nyo pong sabihin ..."
"Si Ayumi iyon. Wala siyang alam dito. May kakayahan siya na hindi karaniwan at mahirap malaman ng iba ngunit hindi ko ito maaaring sabihin dahil nanganganib na siya ngayon. Matagal ng alam ng matalik nyang kaibigan ang tungkol sa kanya."
"Si Eldrin." sambit ko.
"Tama ako sa hinala ko Taiki. Siya nga iyon. In his expression ng dumating kami para siyang natakot nalamang bigla." paliwanag ni Vishna.
Magaling talaga sya pagdating sa mga observations.
"Umpisa pa lamang hindi ko na ito pinagkatiwalaan dahil naramdaman ko na ang itim nyang kapangyarihan. Hindi rin ito alam ni Ayumi at ni Eldrin na nanggaling ako sa mundo nila."
"Pero nasaan po ang ama ni Ayumi?" Tanong ni Yohanne.
"Pinatay ito ni Eldrin. Huli na ng mapatunayan at malaman ko na sya ang gumawa nito sa kanya. Kaya nyang kumotrol ng bagay gamit lang ang isip at kayang mag manipula ng tao at makontrol ito bilang sandata o taga protekta sa kanya." paliwanag ni Mrs. Alea.
"Ginamit nito ang isang truck para mabangga ang kanyang ama at makaladkad para mamatay. Wala siya sa loob, nasa paligid sya upang makontrol ang truck na iyon. Noon din panahon na iyon nalaman nya ang tungkol sa pagkatao ni Ayumi." dagdag pa nito.
Hindi na ito ang tamang oras para maupo na lamang at humanap ng chempo. Kailangan na naming kumilos.
Bigla na lamang nagkagulo ang mga tao at tumakbo kami palabas. Nakita namin si Dorf na may sugat sa ulo at pagod na pagod.
"Hindi ito maaari! May nangyaring masama kay Ayumi." Bumalik kami sa loob para gumamit ng portal. Tama nga ako.
Hindi ordinaryong aso si Dorf. Ang ordinaryong tao ay hinding hindi makakapasok sa portal na ito at magiging abo na lamang.
Ilang minuto lamang ang nakalipas, nakarating kami sa kumupalan ng tao. Buti na lamang at busy sila sa pagtingin sa gitna.
Nakita namin ang dalawang kotse na magkadikit at nagkabanggaan ito.
"It's my car before! And also it's Eldrin's car."
They are making their moves. So nakilala na din nila kami ng hindi namin napapansin. Napakahirap talaga kapag biglaang dumadating ang kalaban.
Nagbukas ulit ako ng portal at tinrack kung nasaan si Ayumi.
Napadpad kami sa isang abandoned building na ginawa kong opisina. Oo andito kami ngayon sa school at walang katao tao. Nakita na lamang namin na patay ang mga guards na nakahandusay sa damuhan. Sumosobra na sila.
Pagpasok namin sa loob, nakita namin si Ayumi na nakatali sa isang poste at natutulog. MAy sugat ito sa may ulo dahil siguro ng pagkakabanga kanina.
"So tama nga ako. Galing kayo sa akademya para sunduin si Ayumi. " panimula ng isang boses.
"Anong kailangan nyo?"Tanong ko ng maramdaman kong mag nagtatago sa dilim.
"Sya ang kailangan namin." At lumasa si Eldrin sa dilim.
"Sino ka ba talaga?" tanong ni Ken.
"Hindi na iyon importante. Ang mahalaga ay ang mapigilan namin ang pagkabuhay ng iyong minamahal na si Cyan." Susugod sana si Ken ng pigilan ko it.
"Alam mo bang labag sa batas ng Athenia ang pumatay ng mortal."
"Bakit kami lamang ba gumawa noon? Dahil dadating ang panahon, lalabag din kayo sa batas na itinalaga ng hari nyo." at bigla itong tumawa ng malakas.
Anong ibig nyang sabihin?
"Tinanggap nyo ang misyong ito ng ilang taon pero hindi nyo alam kung para saan at anong dapat nyong gawin rito. Nagpapatawa ba kayo?" at bigla lamang pumunta sa harapan namin ang mga estudyanteng kagrupo nila kanina. Kung ganun isa rin pala silang nakatira sa mundo namin.
Sumugod ang mga ito samin. Ginamit ni Dane ang lupa na tumaas upang mailayo si Ayumi sa kanila. Ginamitan ni Yohanne ng tubig upang paligiran at protektahan ito sa lahat ng mga magaganap. Pumasok din sa loob si Dorf para protektahan ang amo.
Naaalala ko sa kanya si Theseus.
Ngayon kaharap ko si Eldrin. Parang pag gamit ng puppet ang kanyang kapangyarihan ngunit totoong tao it. Ginagamit nya ang kapangyarihan ng mga ito para sa laban.
Sa totoo lang napalakas ko ang kapangyarihan ko at hindi lamang pag gawa ng portal ang gagawa ko. Nagagawa ko rin tumawag ng mga kakaibang halimaw katulad ni Ama at kumontrol ng bagay. Ginagamit ko ang portal ko upang makatawag nang magagamit sa laban. Tinawag ko ang isang lobo na may kakaibang bilis at pagsunggab sa kalaban. Kinontrol ko ang lahat ng matutulis na bagay na nandito sa loob ng building ko.
Nakakainis! Lahat ng pinaghirapan ko ng mga nakaraang taoon, masisira lang sa wala. Napakaunfair talaga ng buhay.
Pagkatapos nito, makakabalik na kami sa mundo naming lahat.
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasíaNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...