Chapter 23

1.3K 33 0
                                    

Intelligence II

AYUMI POVS

Sobrang creepy naman dito! Everywhere is surrounded of blood. Hindi ko talaga lubos maisip na makakarating ako sa gantong lugar.

Napakabaho! Amoy patay!

"Mukhang kailangan natin maghanap ng matutuluyan para magpalipas." sabi ni President.

Oo sobrang dilim na talaga. Ang tanging ilaw lamang namin ay ang apoy ni Ken.

Tumango kaming lahat at maingat na naglakad.

"Kailangan nyong mag ingat sa paglalakad dahil..." bigla na lamang sumigaw si Yohanne.

At yun na nga ang sinasabi ko.

Ang Ater soil.

Tumakbo kami papunta sa kanya dahil nahuli pala ito samin.

"Anong nangyari?" tanong agad ni Dane.

Akmang hihilain nya ito pero...

"Huwag nyo syang hihilain!" pagpigil ko sa kanya.

"Bakit? Nakikita mo namang lumulubog na sya!" dahilan nito sakin.

"Yan ang Ater soil. Parang kumunoy pero kakaiba sa lahat. Sa oras na hilahin nyo ang biktima, mahahati ang katawan nito sa kalahati."

"Ano?" nagulat sila sa pagpapaliwanag ko maliban kay Ate Cyan.

Mukhang alam nya ito.

"Paano natin siya maiiahon?" tanong ni Dane.

"Ikaw ang makakapag ahon sa kanya. Kaya mong kontrolin ang lupa, hindi ba?" at tumango ito.

"Paano?"

"Hawakan mo ang lupa at pakiramdaman mo ang ilalim ng nasaan ang paa ni Yohanne. Pataasin mo ito ayon sa gusto mo." utos ko sa kanya na sya naman nyang ginawa.

Unti unting nagconcentrate sya para mahanap ang pinakailalim kung nasaan ang paa ni Yohanne. Kailangan magsimula sya sa baba at itaas ito para walang masamang mangyari.

Ang Ater soil ay mapipigilan lamang at makakaalis lamang ang biktima kung isang taong kayang kumontrol ng lupa ang magpapalabas dito. Which is napakahirap hanapin ngayon.

Unti unting umaangat na si Yohanne ng walang kahirap hirap. Nang ang buong katawan nya ay nakataas na agad namin siyang inalalayan palayo at nagbalik sa dating itsura ang Ater soil.

"Sa susunod, dapat na tayong magingat." sabi ko sa kanila.

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong sakin ni Vishna.

"Inalam ko ang konting impormasyon sa lugar na to pero kukonti lamang talaga iyon."

"Mukhang alam ko na ang binabalak mo." bigla akong napatingin kay President.

"I want to conduct a research about this place para hindi lamang yun ang alam ng iba. Para mabalaan na sila once na gusto nilang pumasok dito." at nakita kong napangiti si President.

Ngayon, naniniwala na talaga ako na research really exist.

"Hindi ko hahayaan na maraming tao that might be killed by their curiosity."

UNKNOWN POVS

"Eldrin, anak! Magsisimula na ang iyong misyon." at tumingin ito sakin.

"Kailangan ko ba talagang gawin iyon, Ama?"

Ngayon ko lamang nakitang naging mahina ang anak ko!

Matapos nyang patayin ang mga kaibigan nya, napatunayan ko na kahit sino ay walang makakapigil sa kanya at lalo ng wala syang magiging kahinaan.

Lumapit ako sa kanya at inilapat ang akin dalawang palad sa magkabilang balikat nya.

"Huwag kang magdalawang isip anak. Yun lamang ang magandang solusyon para masakop natin ang Athenia pati ang mundo ng mga tao."

"Pero..."

"Anak, kailangang mong gawin yun. Kailangan mong patayin si Ayumi." yumuko ito sandali at pumikit ng mariin.

Pero ilang segundo pa lamang ang nakalilipas at ang mata niya ay naging kulay itim. Magagawa nya ang misyong ito.

TAIKI POVS

"Dito tayo." turo ni Ayumi.

Napatingin ako sa turo nito at puro buto.

Tinitigan ko ng mabuti at buto ito ...

"Lajar Dian." napatingin sila sakin.

Alam ko ang halimaw na yan.

"Teka, yan yun halimaw na parating tinatawag ng hari di ba?" tanong sakin ni Ken.

"Mukhang pinaslang ito." sabi ni Cyan ng hinawakan nya ito.

"Kawawang nilalang." dugtong pa niya.

Teka huwang mong sabihing...

"Dito muna tayo magpapalipas ng gabi." sabi ni Ayumi.

Paano kami magisstay dito? Eh mas nakakatakot pa ngang magstay dito.

"Mas mainam na dito tayo maglagi. Dahil ang ibang nilalang ay takot lumapit sa mga butong ito. Dapat nating lagyan ito ng pananggalang para hindi nila tayo maamoy o makita." Ang galing talaga ng kapangyarihan nya.

Hindi man ito pang opensa o panlaban pero magagamit ito sa magandang depensa at strategies sa mga wars.

"Bakit nga pala kinatatakutan to?" biglang kumunot ang noo ko sa tanong ni Ayumi.

Mukhang hindi nya nasagap ang mga iimpormasyon tulad noon.

"Dahil yan ang pinakamalakas na halimaw na parating ginagamit ni Ama sa pakikipaglaban. Pero nang ilang taon ang makalipas, hindi na niya ito matawag. At ngayon nasagot ko na kung bakit hindi na niya ito matawag."

Hindi maaabot ni Ama dahil lapas na ito sa limitasyon nya. Mukhang alam na alam ng taong iyon ang kahinaan ni Ama.

Sinimulan ko ng magconcentrate para sa isang barrier na pinagpraktisan ko ng matagal.

Kaya nitong tanggalin ang presensya ng taong nasa loob nito pero kaya nitong palayuin ang nasasagap nitong kahit ano sa paligid lalo na kung panganib.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon