Chapter 19

1.3K 36 0
                                    

Help from Efren

AYUMI POVS

Ang galing! Parang may family reunion sila no?

Nandito na ang buong pamilya ni President maliban na nga lang kay Ate Cyan na isang kaluluwa pa lamang. Pati na rin yung Livia, isa sya sa kanyang Tita pero nagawa nitong maging masama.

Hay nako! Ang hirap talaga ng may mga masasama lalo na kong parte ng isang pamilya.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Mahal na Haring Atopeo?" at yumuko ito sa harapan ng Hari at reyna.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari noon." at yumuko naman ngayon ang hari.

"Napakatagal na ng panahon iyon Atopeo. Hayaan na lamang natin ito at lumipas na rin naman." at nakipag kamay si Haring Efren sa Haring Atopeo.

Nakipagbeso ang Reyna sa kanyang kapatid.

"Oo nga pala, nasaan ang aking dalawang pamangkin. Hindi ko pa sila nakikilala simula noon." Habang sinasabi nya iyon, nakatingin siya sakin at nakangiti ito.

At ngumiti rin ako bilang sagot.

"Tito ako po si Taiki." sabay yuko ng President sa harap nito.

"Nagagalak ako makilala ka, aking pamangkin!" at niyakap niya ito at hinalikan sa ulo.

Ang sweet naman nya!

"At tito siya naman si Cyan." akmang yayakapin nya ito pero lumayo si Cyan.

"Ayaw ko pong mangyari sa inyo ang nangyari kina Kuya sapagkat hindi nyo ako mahahawakan dahil isa lamang akong kaluluwa. Pasensya na po." at yumuko si Ate Cyan sa harap ni Haring Efren.

"Nakakalungkot na balita ito para sa aking Cyan. Ngunit ano bang maipaglilingkod ko? Bakit mo ko ipinatawag Atopeo? Tungkol ba ito sa kalagayan ni Cyan ngayon?" at tumango na lamang ang Haring Atopeo.

"Gusto sana naming tulungan mo kaming hanapin kung sino ang nagnakaw ng estatwa ni Cyan." paliwanag sa kanya ng Reyna.

"Estatwa ni Cyan? Noong digmaan?" tanong ni Haring Efren.

" Oo. Noong digmaan naging estatwa siya at ngayon humiwalay ang kanyang kaluluwa sa katawan at nakulong sa loob ng kweba. Ilang araw pa lamang ang nakalilipas ninakaw ang estatwa bago makalabas si Cyan sa kweba. Alam na alam ito ng kalaban, ngunit hindi namin alam kung sino sya." mahabang paliwanag ng reyna.

"Susubukan ko." ngayon nagconcentrate na siya sa paglolocate kung nasaan ang estatwa ni Ate Cyan.

Sa totoo lang, para sakin ang lahat ng ito ay napakaimposibleng makasurvive ako. Wala akong basic skills. Wala rin akong kapangyarihan.

Tanging ang library lamang sa isip ko ang aking kakayahan.
At tumigil sya sa pagko concentrate.

"Hindi ko mahanap!" bigla itong napaupo dahil siguro na exhaust sya sa paghahanap.

Inalalayan ni Ina ito at tinulungan makatayo.

"Susubukan ko muli." sabi nito.

"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo Tito. Pwede mo naman gawin ito mamaya o bukas." sabi ni President.

Baka ikamatay nya yun kung pipilitin nya ang kanyang sarili.

"Gagawin ko ito para kay Cyan. Ayaw kong maging habangbuhay ay maging ganyan lamang siya." at nakita ko itong yumuko at nag gigilid ang luha.

Napakasweet naman ng pamilya ni President. Sana ganito rin ang pamilya ko pero hindi iniwan na nila ako. Ayos lamang iyon dahil alam kong masaya na silang magkasama. Hindi ko dapat silang gambalain.

Marami na silang sakripisyo para sakin at para protektahan ako para sa mga gampanin ko dito sa Akademya.
Hindi ko sasayangin ang buhay nilang isinakripisyo nila para sakin.

Tumayo na ito ng ayos at sinumulan na ulit ng kanyang concentration.
Sana sa pangalawang pagkakataon ay magawa na nya ito. Habang tumatagal ang paghihintay, mas padagdag ng padagdag ang kabang aking nararamdaman.

Sana magawa nya na talaga para matapos na ang lahat ng ito.

At maya maya bigla na itong napaluhod at hingal na hingal.

"Nahanap ko na." At napahiyaw sa saya ang lahat kasama na ako doon.

Ngunit si Cyan at Beina ay hindi napatalon, napangiti lamang sila. Pero kita sa mga mata nila ang saya na may kasamang galit dahil siguro sa nangyari sa kanyang estatwa.

"Nasaan ito?" tanong agad ni Ina.

"Nasa gitna ito hardin ni Isias." sabi nito.

"Gubat ng Isias?" nagulat silang lahat sa sinabi nito.

"Hindi pamilyar sakin ang lugar na iyon." Sabi ni President.

Paanong nangyaring hindi nya alam ito? Halos dito na sya nakatira. Maaaring saulo na rin nito ang bawat sulok ng Athenia.

"Kaya ako nanghina ng lubos dahil ang lugar na iyon ay tago at hindi nasasakop ng Athenia."

Ibig sabihin, may iba pang lugar maliban dito sa Athenia.

"Napakaimposible nito!" sabi ni Ina.

"Ang hardin ni Isias ay nasa labas ng Athenia. Ang ibang mundo sa likod ng harang ng Athenia. Wala pang nakakapasok doon dahil ipinagbabawal ito. Sapagkat sa lugar na iyon, lahat ng namatay halimaw ay nagiging malakas, ang mga katawan ay maaaring gamitin ng isang katulad ng iyong kaibigan, Ayumi." paliwanag ni Beina.

Teka si Eldrin ba ang tinutukoy niya?

"Kung binabalak nyong pumunta roon, sana ay magingat kayo. Dahil maaaring hindi na kayo malakas sa oras na makapasok na kayo." at nawalan na ito ng malay.

Makakaharap ko ang aking matagal ng kaibigan?

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon