Chapter 21

1.4K 39 0
                                    

Training II

AYUMI POVS

Ito na ang simula ng training ko. Medyo natatakot ako kasi baka kung anong mangyaring masama sakin. But I trsut Ate Cyan so much. Hindi ko alam kung bakit.

Kilala ko ang sarili ko. Hirap akong magtiwala sa iba. Kaya nga si Eldrin lang talaga ang napagkatiwalaan ko ng buong buo tulad nito. Pero mali pala kung sino ang napagkatiwalaan ko.

"Alam ko ang bumabagabag sa iyong isipan Ayumi." biglang sulpot ni Ate Cyan.

Oo kaming dalawa lamang dito sa training room. Nakakatakot dito kasi may mga knives, dagger and many types of blades na ginagamit sa wars. Hindi ko akalain na mararanasan ko ang mga ito na sasabak sa gera.

Ang sabi sakin ni Ate Cyan, magsisimula pa lamang ang totoong gera laban a totoong kalaban.

Sabi nya sakin, huwag itong babanggitin kahit kanino pero ang gera noon ay isang palabas lamang. Ginamit si Livia para humantong sa ganitong pangyayari.

Napakatalino naman kung sino ang gumawa nito sa kanila.

Medyo naaawa ako sa kanila pero alam kong malalagpasan nila to.

"Tumalikod ka Ayumi." at ginawa ko naman.

"Ipikit mo ang iyong mga mata at makiramdaman ang mangyayari sa iyong katawan." at tumango na lamang ako.

Hindi nya ginawa yung ginawa nya kahapon na tumapak sya a anino ko at wala na akong naalala.

Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang palad na para bang may ipinapasa ito sa akin. Nararamdaman ko ang init sa aking buong katawan. Nararmdaman ko ang ingay ng mga kadena sa balat ko na parang nasa labas ang sounds pero nasa loob ang chains.

"Hayaan mong dumaloy sayo ang kadenang kahit sino ay hindi makakasira. Ito ang iyong sandata na magagamit sa pakikipaglaban kung magkalayo man tayo. O dumating ang araw na dapat ang mangyayari ay mangyayari." teka naguluhan ako sa last sentence ng kanyang statement.

Pero bigla akong nakaramdam ng sakin sa kalamnan ko.

"Ayos lamang iyan. Kontrolin mo ang kung anong ginigising ko sa iyo. Kapangyarihan para protektahan ang lahat ng taong iyong nasasakupan, taong minamahal, at taong gusto mong protektahan." nararamdaman kong nagbabago ang kulay ng aking mata.

Nararamdaman ko rin ang init sa aking palad. Anong nangyayari sakin?

Maya maya pa ay lumayo na ito sakin at napasigaw ako sa sakit.

"AHHHHHHHH!!!!!!" sobrang sakit! Halos ikamamatay ko ito.

Parang hindi kayang tanggapin ng katawan ko kung anuman ang kanyang ibinigay sakin.

"Kaya mo yan Ayumi. Huwag kang susuko dahil may tiwala ako sayo." sa sinabi nyang iyon , mas lalong tumibay ang aking lakas ng loob.

May liwanag na bumilog sa harapan ko at sigurado akong ito ang source kung bakit ako nasasaktan ng sobra ngayon.

TAIKI POVS

Naririnig ko ang sigaw ni Ayumi mula rito sa labas ng training room. Baka naman sobra ang ginagawang pag tetraining nya sa kanya. Sana maawa naman siya.

Gusto kong pumasok sa loob para pigilan si Cyan at matulungan sila pero sinabihan na kami ni Cyan bawal silang istorbohin. Dapat namin iyong sundin dahil pinayagan siya ni Ama na gawin ito.

"Huwag kang mag alala Anak. Alam ni Cyan ang ginagawa nya." biglang pagsasalita ni Ina sa likod ko ng hindi ko namamalayan.

"Opo nagtitiwala ako kay Cyan. Ina, ayokong mawala si Cyan at si Ayumi."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Parehas ko silang mahal. Ayokonh mamili sa kanilang dalawa." at napaluhod na lang ako sa sobrang panlalambot.

"Ayoko na Ina! Ayoko na!" niyakap ako ni Ina.

Oo alam ko na kung ano ang dapat mangyari para mabuhay si Cyan, kailangan malugod na ibuwis ni Ayumi ang kanyang buhay para mabuhay bumalik sa dati.

Hindi ba pwedeng parehas na lamang silang dalawa?

CYAN POVS

Alam kong kayang gawin ito ni Ayumi. Alam kong magagawa nya lahat ng nais ko. Pero sana handa sya sa mga dapat mangyari.

Nang mawala na ang liwanag mula sa kanyang paanan nakita ko kung paano ito napaluhod sa sobrang panghihina. Panandalian lamang iyon.

Hinihingal ito dahil sa pagsigaw niya sa sobrang sakit.

Pero sa hindi ko inaasahan tumayo na ito na parang walang nangyari na siyang nagpangiti sakin. Hindi ako nagkamaling magagawa nya ito.

Ginising ko ang kapangyarihang dapat ay para lamang sa kanya. Kaya nya mapasunod ang grabidad o bigat ng lahat ng bagay o tao. Hindi ito basta basta. Hindi lamang basta kapangyarihan dahil ito ay mukhang nakamamatay.

Nagbago na ang kulay ng kanyang mata. Kulang abo na ito, ang buhok ay may mga hibla na rin ng kulay abo at lalo itong pumuti. Nagiba ang kanyang panlabas na itsura.

"Ayumi, gusto ko sanang humingi ng pabor." sabi ko rito.

"Ano yun Ate?" nagbago na rin ang kanyang boses.

"Maaari ko bang gamitin muna ang iyong katawan hanggang sa maibalik ko ang aking katawan?"

At tumango ito bilang sagot.

"Kailangan nating mapanatiling tago ang kapangyarihan na meron ka. Gamitin mo ito sa oras na malayo ka sa akin,maliwanag?" sabi ko rito.

Yumakap itong muli sakin.

"Ngayon kailangan nating makontrol ang iyong emosyon, Ayumi."

At binigyan nya ako ng isang ngiti na makakapagpabulag sa mga kaaway.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon