Chapter 22

1.3K 34 0
                                    

All about Past

AYUMI POVS

Ito na ang araw na pupunta kami sa lugar na iyon.

Bago ako mag training noon,nasa library ako at nabasa ko ang libro tungkol sa lugar na iyon.

Lugar iyon o tapunan ng mga patay o mga bangkay ng kahit ano. Mapa halimaw o tao man ito.

Kahit hindi man patay dito itinatapon lalo na kung nanghihina na ito o hindi kailangan sa mundo ng Athenia.

Nakakatakot hindi ba? Doon na ba ako mamamatay? Pero alam kong lagi kong kasama si Ate Cyan. Hindi muna dapat kami magkalayo.

Dapat gawin ang ayon sa plano. Ihinanda nya ako sa mga dapat kong maramdaman sa oras na gamitin ni Eldrin ang pakakaibigan namin.

Alam nyang yun ang magiging kahinaan ko. Dapat kong malaman kung ano ang totoo o hindi.

"Handa ka na ba Ayumi?" tanong sakin ni President.

TAIKI POVS

"Handa ka na ba Ayumi?" tanong ko sa kanya.

Anlaki ng pinagbago nito. Mas lalo syang gumanda. Pero kung titingnan mo sya into her physical appearance, masasabi mong ganun pa rin sya tulad ng dati pero hindi ako dapat bumuo ng judgement dahil may plano sila ni Cyan para mahulog si Eldrin sa bitag.

Hindi pa rin namin sinasabi sa kanya ang dapat mangyari sa oras na maibalik ang estatwa ni Cyan.

Napakahirap para sa akin noon. Ayokong mamili sa kanilang dalawa.

"Tara na." aya ko sa kanilang lahat.

Pero hindi umibo si Cyan.

"Anong problema?" tanong ko.

"Hindi gagana ang iyong lagusan papunta sa lugar na iyon."

Ha?

"WARF!" tahol ni Dorf. Oo kasama namin sya.

Sa tingin ko naintindihan nya ang sinabi ni Cyan.

"Kami ni Theseus ang susi upang makapasok sa Hardin ni Isias." at nagulat kami sa sinabi nya.

Ibig sabihin alam na niya ang lugar na iyon?

"Paano mo nalaman iyan?" tanong ni Vishna.

Teka may alam rin ba si Vishna.

"Alam kong alam mo ang lugar na iyon Vishna, dahil tinangka mong lumabas noon sa Athenia." at nagulat ito na alam ko.

"Pa..paano mo nalaman ang bagay na iyon?"

"Dahil nakita kita noon. Hindi ko pa alam kung ano ang lahat ng meron sakin pero isa ang nakasisiguro ako may lugar talaga sa labas ng Athenia." at napayuko ito.

"Dahil ang lahat ng iyon ay nangyari matagal ng panahon ang nakalilipas bago pa man siya pumasok ng akademya."

"Totoo lahat ng sinabi nya. Nagtangka akong lumabas ng Athenia dahil alam kong may iba pang mundo maliban dito at sa mundo ng mga tao. Mas pinili ng mga magulang ko na patay na lamang ako kesa ituring na kanilang anak. Kaya napagpasyahan kong magpakalayo layo ngunit nabigo ako." hinawakan ni Cyan ang kanyang balikat at binigyan ng ngiti.

"Tapos na ang lahat ng iyon. May mga bago ka ng pamilya at kami yun. Hinding hindi namin magagawa saiyo ang lahat ng iyon."

"Pero paano mo nasabing ikaw ang susi sa hardin ni Isias?" tanong ulit ni Vishna.

"Dahil ang taglay kong kapangyarihan ,ay kapangyarihan ng namayapang si Isias. Ang pinakasamang tao bago pa nabuhay sina Ama at Ina." at bumalik sa isipan ko lahat ng nabasa ko tungkol sa lugar na iyon.

Iyon nga talaga ang sikretong mundo sa labas ng Athenia.

Bago pa ito naging Athenia, may isang pinakamasamang tao ang sumakop sa buong mundo, maging mundo ng mga tao ay muntik na nitong makuha ngunit iyon ang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Labis labis na paggamit ng kanyang kapangyarihan ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

"Ibig mong sabihin sa iyo napunta ang kapangyarihan ng pinakamasamang nilalang?" at tumango si Cyan.

Kaya pala sya ang pinakamalakas ng nilalang sabuong Athenia o maaaring sa buong mundo.

"Buti na lamang at nakontrol mo ito Cyan." sabi ni Dane.

"Naging mahirap ito noong pagsasanay ko bago ang laban namin ni Livia.Ginising ko ang kapangyarihan ni Isias sa loob ko. Muntik na akong makain ng itim na kapangyarihan ngunit nagawa ko itong lipulin at magamit sa mabuti gamit ang aking busilak na puso. Wala akong dahilan upang gamitin ito sa masama. Kaya namayani sa loob ko ang kabutihan." napakalakas nya ngang talaga.

Hindi lang basta malakas, matalino sya at marunong sa lahat ng bagay.

"Tara na?" aya ko sa kanila at ginamit ang lagusan patungo sa dulo ng Athenia.

Nang makalabas kami sa ginawa kong portal. Medyo kinabahan ako.

Nagliwanag si Cyan at si Theseus na nasa tabi nito dahil kasama namin si Dorf.

Unti unting naghihiwa hiwalay na parang bula ang barrier na nakaharang sa Athenia at sa hardin na ito.

Pagkapasok namin, napakabaho ng buong paligid. Amoy na amoy ang mga nabubulok na bangkay. Nagkalat rin ang mga buto, bungo at mga sira sirang damit.

Puno ng mga sariwang dugo ang lupa na animoy may mga bagong pinatay.

Nakakatakot talaga ang lugar na ito at walang duda kung bakit walang masyadong tao ang nagtatakang pumasok dito kung hindi alam ang tungkol dito.

"Gugustuhin mo pa rin bang pumasok kung alam mo na ganito ang lugar na ito?" tanong ni Cyan kay Vishna na napailing naman kaagad sa takot.

Kahit ako ay hinding hindi magtatangkang pumasok sa lugar na ito.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon