Chapter 9

1.5K 44 0
                                    

FRIENDLY

AYUMI POVS

Ngayon sabi nila ise celebrate daw nilang ang ika 24 ni Cyan. Kung 24 na si Cyan paano pa si President? Ganun din si Ken? Dane? Vishna? At Yohanne?

Grabe! Hindi halatang may mga edad na sila! Ang babata pa nila tingnan! Parang mga kaedad ko pa lamang sila.

Watta Lyp!!

"Ayumi?" Tawag sakin ng Reyna.

Yumuko ako bilang pag galang.

"Huwag mo ng gawim iyan, Ayumi. Tawagin mo na lamang akong Ina para hindi ka mailang." sabay ngiti nito.

Ang ngiting napakaganda at hindi mo mahahalatang may pinagdaraanan silang mabigat. Ganito ang ngiti ni Taiki. Talagang magIna sila.

"Maraming salamat po!" at ngumiti ako pabalik.

"Isuot mo muna itong damit na ito. Ginawa ko ito para sana sa anak kong babae kaso mahirap na iyong mangyari." kinuha ko na lamang ito at niyakap ang Reyna.

"Magiging maayos rin po ang lahat, Ma.. Ayy mali Ina pala." at bigla na lamang itong tumawa ng mahinhin.

Lumabas na ito ng kwarto ko at tinitigan ang dress.

Ang elegant nya promise! This is my first time na sumuot ng ganitong dress. Super shiny tapos color red with black design tapos long sleeve above the knee. Pero hindi sya totally na maraming design. Simple lang naman sya pero ang elegant talaga tingnan.

Nahihiya nga akong isuot!

Nagsimula na akong magpalit at magayos ng sarili. Shems! Ako ba talaga to?

Bigla na lamang may kumatok sa pinto ko at sakto namang Iam already done. Galing tumayming!

"Ah Ayumi! Ako to si Ken." Hindi ko alam na nagmadali pala akong pumunta sa pinto para pagbuksan sya.

Bakit iba ang dating sakin ng lalaking ito?

"Bakit?" pero sumilip lamang ako.

"Sabi kasi sakin ni Taiki, sunduin kita. Baka hindi siya makaabot sa salo salo. May ginagawa kasi sya dahil ng akademya para sa pagpasok mo dito. Kaya sabi nya sunduin kita para itour dito at hindi ka maligaw." ngumiti ako at lumabas na.

Ngumiti lamang ito at itinuro ang daan.

Teka bakit ganoon sya? Hindi sya katulad ng ibang lalaki. Di ba kapag nakikita nila ang babae ng nakaayos attracted agad sila? Matutulala?

Baka sa loob loob lamang nya yun! Itinatago nya lamang.

Nagumpisa na akong maglakad at sumunod na din siya. Nakita ko na ang bawat estudyante ang nakangiti habang nakatingin kay Ken.

Ang gwapo naman kasi! Kulay pula na may black na highlight ang buhok na shiny tapos red din ang mata! Super kinis ng balat.

Pero ang tingin ko sa estudyante ang bawat ngiti nila walang ibang kahulugan kundi parte lamang ng lugar na to.

Buti na yun para wala akong kaagaw kung man na inlove nga ako sa kanya.

"Kamusta ang pag istay mo dito?" tanong nya sakin bigla.

Bakit tumigil yung puso ko?

"Ahh, ayos naman! Ang astig nga eh!"

"Bakit?"

"Kasi yung matagal ko ng napapanaginipan na akala kong napakaimposible, totoo pala!"

Naamaze talaga ako dito. Ilang araw na din ako dito pero sobrang astig talaga! May nag eexsist palang ganitong world!

"Sasamahan muna kita sa bayan." tumango na lamang ako bilang sagot.

Habang naglalakad, grabe iba talaga sa feeling.

"Dito tayo!" Ibinili nya ako ng kwintas na may pendat na bilog at napakamagical ng nasa loob with super clear glass.

ANG GANDA!

Hindi na ako pumili ng iba dahil yun talaga ang super naging attracted ako. Ang galing nya pumili!

"Isuot ko na sayo." at tumango na lamang ako.

Pinaghiwalay nya ang dalawang dulo at itinaas ko ang aking buhok para makita nya ang batok ko. Lumapit ito sakin at ramdam ko ang init na kanyang paghinga habang ikinakabit ang kwintas.

Anong nangyayari sakin?

Lumayo na ito pagkatapos nyang ikabit ang kwintas. Hinawakan ko ito at super ganda talaga nya dahil may mga particles sa loob na umiilaw!

"Lahat ba sila nag se celebrate ng birthday ni Cyan?"

"Oo. Kasama sila sa salo salo mamaya sa palasyo pero naghahanda sila ng iaalay nila sa kanya. Pihado kapag nakita lahat yun ni Cyan, ibabalik nya ito." at bigla itong napangiti.

Bakit ang sakit naman ata sakin?

"Bakit naman?"

"Mabait si Cyan. Mas gusto nya ang tumutulong kesa sya ang binibigyan." At lalong umaliwalas ang mukha nya dahil dun sa Cyan.

Mukhang napakaimportante talaga nya.

"Okay ka lang?" Tanong nya bigla sakin.

Tumangin na lamang ako bilang sagot. Narinig namin ang takbo ng papalapit samin at nakita namin si President.

Pagkarating nito bigla itong natulala sakin. Anong nangyari?

"President?"

"Ah yes?"

Siniko ito ni Ken at parang nagkaintindihan naman sila.

"Ah Ayumi, bukas makakapasok ka na sa akademya. Dahil kailangan mong magtraining para matuto kang makipaglaban" at umiwas ito ng tingin.

Nagulat ako dun. Training? Makipaglaban? Wait what?

"Kailangan na din nating bumalik sa akademya. Magsisimula na ang salo salo."

Gumawa ito ng portal upang makarating kami sa palasyo.

"Maaari din po kayong dumaan rito." sabah yuko nya sa mga tao at natuwa anG mga ito.

Ang bait naman nya. Base sa libro na nasa utak ko, kung hindi ka pa ganun kalakas sa paggamit ng portal hindi ka makakapagpapasok ng maraming tao at manghihina pa ng sobra.

Pero siguro dahil na sa tagal nya rito baka talagang nagtraining sya ng husto para rin kay Cyan. Pero feeling ko, may connection yung pagpunta ko rito dahil ni Cyan.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon