Give me some feedback guys kung may mga hindi kayo nagugustuhan or gusto nyo para well-aware ako if my readers enjoyed my story!:)
Promise!:) nagrerespond po ako at hinding hindi po ako nangangagat o nangangain ng tao hahaha!!>•<
Thank you!:*
To Mortal World
TAIKI POVS
Maraming taon na ang lumipas ng maganap ang lahat ng yun. Ang kamatay ni Cyan.
Pero ang sabi ni Beina, hindi pa huli ang lahat.
Ilang linggo pagkatapos ng pagkamatay ni Cyan...
"Dapat magbigay muna kayo ng oras para sa mga sarili nyo. " suhestyon ni Beina.
Para saan pa ang pagpapahinga kung wala ng dahilan para doon. Hindi ko nakasama ang matagal ko ng hinahanap na kapatid. Akala ko patay na rin ito.
Nakilala ko nga sya ngunit huli na at nagawa nyang iligtas ang buong akademya na dapat kami ng gumawa.
"Paano mo nasasabi iyan Beina? " parati na lamang galit si Ina sa tuwing nagbibigay ng pahayag si Beina tungkol kay Cyan.
"Mahal na Reyna, patawad kung inilihim ko ang mga bagay na dapat ipinapaalam ko sa inyo ngunit kagustuhan ito ng iyong anak. Hindi na rin ito importante. " bigla na lamang nasampal ni Ina si Beina.
Nagiging marahas na din ito simula noong araw na ito. Maging ako gusto ko rin ilabas ang lungkot at galit ko ngunit kailangan kong magpakatatag para kay Ina at Ama.
"Dahil buhay pa sya."
Bigla kaming natigil sa pahay nyang iyon.
Napakaimposible.
"Huwag mo akong lukohin Beina! Nakita namin mismo sa harapan namin na nawalan ng hininga si Cyan at naging isang bato. Paano iyon mangyayari? " tama si Ina!
Halos lahat kami nasaksihan ang araw na iyon.
"Sapagkat may kaugnayan pa rin ito sa naganap kay Livia. Isang babae ang may katangi tanging kakayahan na maaaring bumuhay kay Cyan. Ngunit mahihirapan kayong gawin iyon sapagkat hindi siya taga rito. "
Kaya kaming lima ay pumunta dito sa mundo ng mga tao para hanapin ito. Simula noon maraming taon na ang lumipas at dito na rin kami nanirahan.
"Kamusta ang pagiging President ng isang Org ha? " tanong ni Dane.
Nandito kami natuloy sa dating tinuluyan namin ni Cyan.
Pagdating sa mundo ng mga tao...
"Ano ba yan napakaingay naman dito! " pag rereklamo ni Vishna.
"Bakit umaandar ang isang bagay na yun na may apat na bilog sa dalawang tabihan? "Tanong ni Yohanne.
"Bakit andaming itim na usok? May mga masasamang mga katulad natin ba rito? " Tanong naman ni Ken.
"Maging alerto tayo at may mga naka... " hindi ko na sila pinatatapos at pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Tumahimik na nga kayo! Ako ang mag to tour sa inyo! "
"Tour? " tanong nila ng sabay sabay.
"Basta! Tara na!" Kinalakad ko na sila papunta sa sakayan ng bus.
Nang sasakay na kami bigla silang umatras.
"HINDI AKO SASAKAY DYAN! " sigaw nilang apat!
Napa face palm na lamang ako sa inasta nila.
"Baka mamaya may patibong diyan! " sinapok ko si Yohanne sa sinabi nya.
"Walang ganun sa loob niyan! "
"Ano bang gagawin natin dyan? " tanong ni Ken.
"Pupunta sa tutuluyan nating lima. "
"EDI MAGTELEPORT NALANG TAYO! " sigaw pa nila ng magkasabay.
Shems! Nakakahiya!
"Ano sasakay ba kayo o hindi?"
Wala akong nagawa kundi kaladkarin na naman sila sa loob ng bus at sumakay.
Makalipas ang isang oras na byahe! Nagtatakbo sila palabas ng bus at sumuka.
Bago pa nga lang pala sila. At napakaraming tao ang nagtitinginan samin dahil sa daan pa talaga sila sumuka.
Bago kami umuwi dumaan muna kami sa isang clothing store at doon sila ipinamili ng damit pero...
"TAIKI! "sigaw ni Dane.
Tumakbo ako para lumapit.
"Ano yun? Papatayin nya raw ako!"
"Ha? " Napatingin ako sa sales lady na parang nagulat sa sinabi nya at napatingin ako sa hawak nya.
"Panty? "
Akmang maglalabas na ng kapangyarihan si Dane ng pigilan ko ito.
"Mali lamang ang rinig mo! Paki checkout ng two dozen nyan and girls garments! "
Damn! Parang may mga bata akong kasama! Sobrang nakakahiya na talaga.
"Anong ngini nginiti mo dyan?" Tanong ni Vishna.
"Huwag mong sabihing... HUWAH!! PLEASE LANG TAIKI KALIMUTAN MO NA YUN! " sigaw ni Dane.
That is my most embarrassing moment na nakasama ko itong mga to. Mas mahigpit pa sa mga bata.
Anong nangyari sa itsura namin?
Bago ang pagpunta sa mundo ng mga tao...
"Beina, nang pumunta ako sa mundong iyon nagiba ang itsura namin. Ang akinh balat ay dumepende sa kung ilang taon na ako."
Oo nga pala! Noon ay tumanda ako dahil kung ilang taon na ako yun din ang pagkakahitsura ng balat ko.
"Huwag kayong mag alala! Walang magbabago sa kung anong meron kayo ngunit pakatatandaan nyo, iwasang gumamit ng kapangyarihan kung hindi kinakailangan. Dapat manatiling lihim ang magika sa mga tao. "
Kaya ayun. Pero paano naman nangyari iyon?
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...