Teikus Crocs
DANE POVS
Ano ba yan, ang init na! Nakakauhaw!
Nakita ko sila mga nakahiga pa. Sa totoo lang nakakaramdam na ako ng gutom.
May dala naman kami pagkain pero kailangan itayin ko sila para sabay sabay kaming kumain.
Ang estimated day lang na meron kami para mahanap ang estatwa ni Cyan ay 5 araw dahil maaaring magkaroon na naman ng gera.
Gerang mahirap pigilan kapag wala kami roon. Mahihirapan ang hari pati ang reyna. Pero kailangang pa din namin si Cyan.
Umalis muna ako sa tinuluyan namin at naglakad lakad para makahanap ng malinis na tubig.
Sa totoo lang, ilang porsyento lang ang pag asa ko na makahanap ng malinis na tubig. Maaaring puro patay pa ang mga nasa tubig.
Maaari ding ilog ng dugo ang nandito. Nakakatakot talaga ang lugar na to. Ngayon ko lamang nalaman na mayroong ganitong lugar.
Halatang hindi ako napunta sa silid aklatan.
Titingnan ko ang buong paligid at masasabi mong walang nabubuhay rito sa lugar na ito. Hindi ko rin alam kung may mapa ang lugar na ito. Siguro mayroon si Ayumi. Napakaastig ng kakayahan nya.
Nakakita ako ng isang bunga mula sa puno. Hindi ko alam kung ano ito pero sinubukan kong kuhanin.
Nang makuha ko na ito, sinubukan kong buksan at
"YUCK!" bunga na puro dugo ang laman?
Sigurado ba kayong may lugar na ganito? Baka imahinasyon ko na lamang ito. Napakarami na talaga sigurong namatay dito at napakamahiwaga!
Naglakad na ulit ako. Hindi naman ako naliligaw kasi nagiiwan ako ng bakas para makabalik.
Habang patuloy sa paglalakad nakakita ako ng kumukuti kutitap sa pagitan ng mga dahon. Sumilip ako rito at nakita ko ang isang napakalinis na ilog.
Pumunta ako roon at tiningnan kung may tao.
May ilog siya na andaming paruparo sa paligid at may puno sa isang gilid na napakalaki sapat na din para pagpahingahan ng nakararami.
Lumuhod ako sa mga ilog at tiningnan ito ng maigi.
Napakalinaw, walang kahit anong dumi. Kitang kita ang ilalim ng tubig. Mabato at may mga isdang lumalangoy.
May ganito pala dito sa lugar na ito.
Sinimulan ko ng maghilamos at uminom ng tubig. Napakasarap! Napakalinis! At nakatatanggal ng uhaw.
Nang matapos ako maghilamos, pinunasan ko ang aking mukha at nakaramdam ako na may nakatingin sa akin.
Matalim na tingin. Dahan dahan kong ibinaba ang aking pamunas at nakita ang isang pares ng mata na nakaultaw sa ibabaw ng tubig.
Meron din itong mahabang nguso at nakita ko ang kanyang mga ngipin ng ibuka nya ito. Napakalaki at kaya akong sakmalin at kainin ng buo.
Sinubukan kong tumayo ngunit natumba rin ako agad.
May lason ang tubig? Nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko at pagsikip ng dibdib ko.
Sinilip ko ang tubig at unti unti itong nagiging itim. Nakikita ko rin na palapit ng palapit ang buwaya.
Gumapang ako upang makalayo pero naramdaman ko ang bahayang pagyanig ng lupa tanda na ito ay nasa lupa na.
Naramdaman ko ang kanyang buntot na umikot sa aking paa at napasigawa ako.
"AHHHHHHH!!!!!"
YOHANNE POVS
"AHHHHHHH!!!!!"
Bigla na lamang akong nagising ng marinig ko ang isang sigaw.
Teka kilala ko ang boses na iyon!
Hinanap ko kung tama ang hinala ko at tama nga!
"NASA PANGANIB SI DANE!" Pagkasigaw ko noon, nagising silang lahat maliban kay Cyan. Ngunit tumakbo na lamang kami agad para tulungan sya.
"Bakit umalis sya ng magisa?" tanong ni Ayumi habang tumatakbo.
Ngunit ni isa sa amin ay walang sumagot. Nagmadali akong tumakbo para tulungan sya.
Please Dane! Wala sanang mangyaring masama sayo.
Buti na lamang at nakita ko ang mga bakas na siguro ay ginawa nya para makabalik siya sa pinagpalipasan namin ng gabi. Sinundan namin iyon at nakita sya na nakasandal sa isang malaking puno habang nakaharap ang isang dambuhalang buwaya.
Kinotrol ko kaagad ang tubig at ginawang patalim para magamit sa buwaya.
Ibinato ko ito sa kanya ngunit napaka kapal ng kanyang balat hindi tumalab ang mga ginawa kong patalim.
Dahil na rin sa ginawa ko, nakuha ko ang atensyon niya at dumating sila.
Lumakad ito at ramdam na ramdam ang pagyanig ng lupa. Nilapitan ni Ayumi si Dane at hinawakan.
"Nahihirapan syang huminga!" sigaw nito saamin.
Nakita kong gagawin niya ang CPR na ginagawa ng mga doctor sa mundo ng mga tao.
Gumawa si Vishna ng ipo ipo kung saan nakatayo ang buwaya. Pinalakas nya ito ng pinalakas. Naririnig namin ang ginagawang ingay ng buwaya.
Gumawa pa ako ulit ng napakaraming patalim gamit ang tubig at pinadala sa ipo ipo upang mapatay ang buwaya.
Gumawa din ng isang portal si Taiki para kumuha ng mga patalim. Patalim na napakaimposibleng masira dahil gawa ito ng mga legendary person sa Athenia.
Agad din namang nawala ang portal dahil hindi ito pwede magtagal.
Tulad ng ginawa ko, ibinato ito ni Taiki sa loob ng ipo ipo. Palakas ng palakas ang ingay na ginagawa ng halimaw.
Hindi pwedeng gamitin ni Ken ang kanyang apoy dahil mamatay din ito agad dahil ng ipo ipo ni Vishna.
Maya maya rin, nawala na ang ingay na gawa ng halimaw. Nagkatinginan kaming lahat at pinahina na ni Vishna ang ipo ipo.
Hindi agad namin nakita ang halimaw dahil sa kapal ng usok pero bigla na lamang kaming nakaramdam ng isang latigo na nagpatalsik sa aming lahat ng isang tirahan.
Ansakit! Sobrang lakas ng pagkakahampas nito sa amin dahilan para masira ang mga punong nadaanan namin.
"Yan lamang ba ang kaya nyo?" nagsasalita ang halimaw?
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...