Chapter 16

1.4K 42 0
                                    

New Cave of Lucracia

AYUMI POVS

Ito na ang araw na pupunta kami sa kweba kung nasaan si Cyan. Teka bakit ba ako Cyan ng Cyan! Dapat ate ang tawag ko sa kanya!

"Handa ka na ba Ayumi?" tanong sakin ni Ina.

Tumango ako bilang sagot.

"Salamat sa pagpayag mo na tulungan kami na mapalabas si Cyan."

"Ina, dapat ako ang magpasalamat sa inyong lahat, kasi kinupkop nyo ako rito na parang parte ng inyo pamilya." niyakap nya ako.

Lalo ko tuloy namiss si Mommy!

"Maraming salamat!" at hinalikan nya ako sa noon.

Nandito na kaming lahat sa labas ng akademya. Kahit kelan talaga ay hindi ako nagsasawang tingnan ito. Napakaganda talaga nya!

"Tara na." at gumawa ng isang portal si President papunta daw sa lugar na yun. Hindi na nila pinasama ang hari at si Ina dahil alam nila na babalik kami at totoo iyon.

Pagkapasok namin dun, shems parang masusuka ako promise!

Pero ilang minuto pa lamang ang nakalilipas at boom nasa paanan kami ng isang bundok at may butas itong napakaganda!

"Ang ganda na ng kweba!" sigaw ni Yohanne.

Sobrang ganda nya talaga! Ang paligid ng kweba ay nababalutan ng ibat ibang kulay na mga bulaklak! Gumagalaw ito at buhay na buhay habang may mga paru paru na mas lalong nagpapaganda at nagbibigay bigay sa mga ito.

May mga particle na lumalaglag sa mga ito tulad nung nagising ako. Tapos yung mga dahon, green na green sobrang fresh! Masasabi mong alagang alaga ito kung sino man ang nasa loob.

Makakaharap ko na si Ate Cyan, ang dahilan ng kung bakit ako naririto. Dapat akong magpasalamat sa kanya kasi binigyan nya ako ng dahilan para patuloy na mabuhay.

"Handa ka na ba?" tanong sakin ni President.

Ang pinagtataka ko bakit until now ang tawag ko sa kanya ay President? Pero siguro, okay lang naman sa kanya. No violent reaction naman sya.

Ngumiti ako bilang sagot at napayakap ako sa kanya. Sa totoo lang may haling takot at kaba na merong saya kasi makakatulong ako sa mahalagang tao para sa kanila. At narealize ko na lang rin bigla na nakita ko silang gulat na gulat ganun sin si President.

Bumitaw ako sa kanya at hinila nya ako pabalik.

"Wag ka matakot Ayumi. Nandito ako ... I mean kami sa labas."

Nalaman ko lang kanina na bawal silang pumasok. Ako lang daw ang pwede kasi kung sino lang daw ang may connection sa taong nasa kweba free to enter lalo na kung regarding to prophecy like me.

Bumitaw na ito sakin at tiningnan ako ng mata sa mata. Shems! Iba sa feeling! Napayuko ako bigla. Nagbablush ba ako? Pero bakit ramdam ko kay Ken ako nagkakagusto?

Ang gulo mo naman heart!

Sinimulan ko ng maglakad at nasa harap na ako ng butas ng kweba. Napakadilim sa loob. Sigurado ba ako sa ginawa ko?

Paano kapag namatay ako sa loob?

Paano kung maganda lang sa labas tapos napakapangit sa loob?

I mean sobrang creepy!

Nakakatakot!

Madugo!

Mga buto.

But there is no turning back because curiousity may kill me.

Pagkahakbang ko sa loob, parang tumapak ako sa tubig. Ramdam na ramdam ko na may kung anong dumidikit sa balat ko habang pumapasok.

Parang may harang na ako lang ang pwedeng dumaan. Ang astig naman! Pumikit ako bago tuluyang pumasok at humarap ulit sa kanila.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita kong wala na sila.

Ayon sa nabasa ko na nanggaling sa Book of Scared Places, ang Cave ng Lucracia ay hindi pangkaraniwan sa lahat. Kaya siguro kaya nitong iblock ang lahat ng kung anong meron sa loob nito.

Tumalikod na ako dito upang umpisahan ang paglalakad pero napatigil ako sa gulat.

Napakaganda! Hindi mo ito masasabing isang basta lamang na kweba!

Ang mga running plants sobrang ganda nya tingnan sa mga malalaking puno. Ang mga bulaklak sumasayaw habang humuhuni ng masayang tunog ang mga ibon. Para itong isang paraiso!

Wala na ako sa loob ng cave. Isa itong napakagandang gubat na may ibat ibang specie ng hayop.

There are different colors of unicorns, snakes, bull, and etc. Pero may mga breed sila. Hindi ko pa nababasa ang mga to.

Pero kapag daw nahawakan ko sila malalaman ko lahat.

Tinry kong hawakan ang isang puno. Lumabas ang isang libro sa aking isip tungkol sa puno ito.

Hantteo Tree ang puno na kayang pumatay ng isang mayroong kapangyarihan kung lalabag ito sa batas ng kanyang sinusunod. Hinihigop nito ang energy source ng kalaban mg hindi nito nalalaman.

Sunod kong hinawakan ay ang isang bulaklak. May muling lumabas na libro tungkol dito.

Cañira Flower nakakaakit tingnan pero onti onting nakamamatay. Kapag nakaramdam ito ng hindi kanais nais na enerhiya lalo na kung masama, naglalabas ito ng toxics na kayang magpahina sa mga intruders.

Biglang nanlaki ang aking mata. Napabitaw ako bigla. Kailangan kong mag ingat!

Yung mga hayop dito ang mababait. Tulad ng isang kuneho na napaka cute. Kinarga ko ito at may lumabas muling libro.

Kanja Rabbit maganda at nakakaakit ang pisikal na kaanyuan ngunit nagbabago ang itsura nito bilang isang napakalaking hayop na kasing bilis ng hangin. Nakikipaglaban ito kapag nais ng kanilang sinusunod.

Ang galing naman!

Dahan dahan ko itong ibinaba at may dumating na isang unicorn.

Ibinuka nito ang kanyang pakpak at ibinend ng konti ang kanyang tuhod. Ang ganda ng kanyang kulay!

Brown na may higlight na white and black!

"Maligayang pagdating sa kweba ng Lucracia, Ayumi."

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon