Chapter 7

1.6K 48 0
                                    

Welcome to Magica Academia

AYUMI POVS

Ansarap matulog! Malamig pero ansarap sa pakiramdam. Yung kama napakalambot at...

Teka hindi ito ang kama ko!

Iminulat ko ang akin mga mata at nakita ang ibat ibang kulay na mga particles sa kisame at may mga lumilipad na mga butterflies. Dun siguro nanggagaling ang mga particles na yun.

Bigla akong napabangon pero nahilo ako bigla.

"Oh, gising ka na pala." sabi ng babaeng may highlight na brown ang buhok habang nakangiti.

Napakaganda nya ngumiti! Hindi katulad kanina na nakakamatay.

Inilibot ko ang mga mata ko para makita ang nasa paligid. Ang pader nya parang isang kastilyo, tapos may harang na invisible shield sa harapan ko.

Ito yung nasa panaginip ko! Ang panaginip na napakaimposibleng mangyari kasi hindi totoo ang lahat ng yun!

Teka nasaan ako?

"Welcome to Magica Academia."

TAIKI POVS

Dalawang araw na simula ng makabalik kami rito sa Magica Academia. Sobrang namiss ko lahat ng nandito. Maging ang pag bisita ko dito sa estatwa nina Cyan. Gusto ko araw araw nandito ako sa tabi nya.

Kahit alam kong isa lamang siyang bato ngayon, sana ramdam nya kung gaano ko gustong protektahan sya kahit huli na pero may pag asa pa.

Hindi ko na hahayaang may mangyaring masama sa kanya. Ayoko ng maulit ang ginawa nyang pagdedesisyon para sa kapakanan ng nakararami.

"Kuya, gusto ko ng makita si Ate Cyan." sabi ni Kian.

Nandito kami sa harapan ng estatwa ni Cyan. Kahit ako gustong gusto ko na rin sya makita.

"Huwag ka mag alala Kian, malapit na natin syang makasama." niyakap ito ni Ken.

Magtutulungan kami para protektahan sya. Lalo na ngayon at may humahadlang sa pagbabalik nya.

"Taiki, gising na sya." Narinig kong sabi ni Dane at humarap kami sa kanya.

"President, where are we?" Tanong nya.

"Ano pong sabi ni Ate? Salita ba iyon ng normal na tao?" may pagkamot sa batok ni Kian.

"Ahm, Ayumi this place is only Filipino zone in order for you to communicate with them." Bigla na lamang syang nagulat.

At pumalakpak si Kian bigla.

"Ang galing magsalita ni Kuya Taiki!"

"Teka ako rin naman Kian ah?" pagrereklamo ni Ken.

"President, nasan ba tayo?" tanong nya ulit sakin.

"Ahh mabuti pang lumayo muna tayo sa kanila. Kailangan nilang magusap Kian." nagtanguan silang dalawa ni Dane at naglakad palayo ng magkasabay.

"Sino po ba sya? Bakit Presye ay Peris.. hayst! Hindi ko masabi! Magkasintahan ba sila?" bigla akong napaubo sa sinabi nya.

Sa lahat ba naman ng itatanong. Yun agad?

"Sumunod ka sakin." kahit mababakas sa mukha nya ang pag aalinlangan, wala rin itong nagawa kundi sumunod palabas ng akademya.

"Alam mo ba President, this place is very familiar to me because of my dream." Humarap ako sa kanya ng makalabas kami.

Nagulat ito sa ganda ng tanawin ng makalabas kami.Sa totoo lang mapakaganda nga ng tanawin na to.

Noong hindi pa kami pumupunta sa mundo ng mga tao, dito ako mahilig tumambay upang tingnan ang tanawin na ito. Nakakagaan ng pakiramdam.

Makikita rito ang ganda ng ibat ibang kulay na paru paro kasama na ang nagkakaisang mga tao at makukilay na ilaw sa mga puno at paligid.

"Teka, baka panaginip ko pa... Ahhh!!" kinurot ko ang kanyang pisngi para malaman nyang totoong nangyayari ang lahat."

"President naman! Bakit nandito ako?"

"Dito ka nabibilang Ayumi. Hindi sa mundo ng mga tao." sabi ko sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka normal na tao, Ayumi. Isa ka ring katulad namin."

"Huwag mo nga akong pinaglololoko!"

Gumawa ako ng lagusan para ipakita sa kanya ang ibig kong sabihin.

"Ito ang ebidensya sa sinasabi ko. Ang mga magulang mo ay katulad rin namin ngunit masaya na silang magkasama. Nabuhay ka lamang roon upang mapalayo sa panganib at ikaw rin ay may responsibilidad na nakatadhanan sayo." paliwanag ko sa kanya.

"Ibig sabihin, iniwan na ako ni Mommy?" nakita kong tumulo ang luha nya sa narinig.

"Kailangan mong malaman Ayumi, hindi lahat ng taong mahalaga sayo ay mananatili sa tabi mo."

AYUMI POVS

"Kailangan mong malaman Ayumi, hindi lahat ng taong mahalaga sayo ay mananatili sa tabi mo." Nang sabihin nya yun parang may kumirot sa puso ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

Para bang naranasan na nya ang mawalan ng mahal sa buhay!

"Nakita mo ba ang estatwa na nasa loob ng akademya?" tumingin ako sa loob at nakita ang estatwang sinasabi niya.

"Siya si Cyan, ang kapatid ko."

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon