Come Back
CYAN POVS
Magbabalik na ako sa akademya. Gusto ko ng makita sina Ina at Ama. Alam kong masama ang loob sa akin ni Ina ngunit alam kong naiintindihan nya kung bakit ko iyon ginawa.
"Ate Cyan, kelan kami pwedeng pumasok ng kweba?" tanong ni Yohanne.
"Oy Ayumi, anong itsura ng kweba? May tubig ba? May unicorn? May serpents?" hindi ko naiintindihan ang sinasabi ni Yohanne.
"Napakaganda promise! Yung mga cute but deadly grabe hindi ako makapaniwala na napaka tame nila pagdating kay Ate Cyan." Para silang bata habang nag kukwentuhan.
"Huwag ka mag alala, sa oras na nakabalik na ako sa aking katawan makakapasok na kayo roon." at nagtatalon sina Yohanne at Ayumi.
Para talaga silang bata.Maya maya nakarating na kami sa harapan ng akademya at lahat sila ay naghihintay siguro sa pagdating namin.
Nakikita kong tumutulo ang kanilang luha habang nakangiti. Ay nababaliw na ba sila?
"Cyan!" napangiti ako ng narinigi ko ang boses ng aking mga magulang.
Galing sila sa likod ng mga estudyante at tumakbo ng sabay papunta sa lugar namin.Akmang yayakap sila ng pinigilan sila nina Kuya. Ayaw din nilang mangyari ang naganap sa kanila ni Ken.
"Bakit?" tanong ng hari.
Sinubukang hawakan ako ni Kuya ngunit tumagos rin ang kamay nya mula sa aking likod.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Ina na halos nawalan ng lakas ng loob.
"Ina, wala pa ako sa aking katawan. Isa pa lamang akong kaluluwa. Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin kayo mayayakap. Kailangan muna nating maghintay at magtiis na makabalik ako sa aking katawan. Babawi tayo sa lahat ng oras na nawala." napaupo si Ina at nawalan ng lakas.
"Ina, huwag kang panghinaan ng loob. Kung ganyan ka, saan ako huhugot ng lakas ng loob para mapabalik ako sa sarili kong katawan." At hinalikan ko sya sa pisngi.
Ngayon ay nasa loob na kami ng aking silid. Kaming dalawa lamang ni Ayumi rito dahil gusto nila kaming magpahinga bago magusap.
Bigla na lamang may pumasok na isang aso. At nakita ko si Theseus na sumunod sa kanya."Theseus!" at napayakap ako sa kanya bigla.
"Maligayang pagdating, Cyan!" at niyakap nya ako pabalik.
"Bakit hindi ka sumama sakin sa kweba? Alam mo bang mabaliw ako sa kaiisip sayo?" at napatawa ako bigla.
"May mundong para sakin Cyan. Hindi ako pwedeng sumama sayo. Doon ako nababagay." hinalikan nya ako sa noo.
Ibig sabihin ang aso na ito ay si Theseus at ako ay si Ayumi.
TAIKI POVS
"Kailangan na nating mahanap ang estatwa ni Cyan!" sabi ko sa kanila.
"Pero anak hindi pa natin kilala kung sino ang may kagagawan nito." sabi ni Ina at bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina ni Ama.
Iniluwa nito si Cyan at si Ayumi kasama ang aso na si Dorf at Theseus.
"Ibig sabihin, ang aso ay si Theseus?"
Biglang tumakbo si Yohanne at niyakap si Dorf."Hindi halatang gusto mo akong mayakap, Yohanne." at tumango tango si Yohanne na parang bata.
" Paano natin malalaman kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito?" sabay hawak ng hari sa kanyang ulo.
Bigla na lamang dumating si Beina."Kamahalan." Yumuko ito kay Ama at Ina ganun din kay Cyan.
"Sabi ko naman sayo Beina. Hindi mo na kailangan pang yumuko sa harapan ko." pagsaway nito kay Beina.
"Hindi ka pa rin nagbabago Cyan." at nagkangiti ang dalawa.
"Teka kung gusto nating malaman kung sino ang may pakana noon, ipatawag natin si Efren."sabi ni Ina at bigla kong naalala ang tito ko.
Siya nga pala ang dahilan kung bakit kami nagkahiwa hiwalay. Pero all of it are misunderstanding.
"Para rin makita sila nina Cyan." at napansin ko na medyo iba ang atmosphere nina Cyan at Beina.
"Magandang ideya yan Mahal na Hari." sagot ni Beina.
"Paano naman tayo makakahingi ng tulong kay Tito Efren?" tanong ko sa kanila.
"Ang tito mo ay may kakayahang maghanap ng mga bagay na nawawala gamit ang kaniyang mata. Kaya rin niyang komonekta sa isip ng isang tao at makipagusap rito kahit malayuan." sabi ni Ina.
"Kung ganun ipatawag na natin si Efren. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya sa oras na makarating sa siya rito." kita ko sa mukha ni Ama ang saya na mawawala na ang pagkabagabag sa kanyang isipan sa nangyari sa kanila ni Tito.
"Ako na lamang ang tatawag sa kanya Mahal na Hari." suhestyon ni Beina.
Saglit naging puti ang kanyang buong mata na para bang wala na sya sa kanyang sarili. Maya maya lamang ay bumalik na ito sa kanyang sarili."Papunta na sya rito." sabi ni Beina.
"Kamahalan, nandito po si Haring Efren ng Hilagang Athenia." sabay yuko ng mga kawal.
Pinapasok nila si Tito Efren. Malaki ang kanyang pinagbago. Meron na itong hikaw sa kanyang tenga at itim na may kulay lila ang buhok.
"Kamusta aking kapatid?" bati nito.
--
Sorry talaga! Sa phone lang kasi ako nag aupdate ngayon!:3
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...