Chapter 6

1.7K 45 2
                                    

The Fight

TAIKI POVS

Malakas din sya hindi tulad ng aking inasahan. Kaya nya rin manipulahin ang utak ko pero nakaya ko ring kontrolin na huwag mapasok ang isip. Gagamitin nya ako laban sa mga kaibigan ko. Ganun rin ang ginagawa nila.

Alam nila at ramdaman nila ang pagpasok sa isip nila at hindi nila iyon hinahayan. Bakas sa mukha nya ang pagkadismaya dahil sa hindi nya magamit ng ayos ang kakayahan nya.

Marunong rin itong makipaglaban. Maranong synag gumamit ng espada. Hindi ko hawak ang espada. Pinagagalaw ko ito ayun sa gusto ko habang nakalutan ang mga paa sa lupa.

Sugod lamang ito ng sugod at humahanap ako ng chempo para masugatan ko pa sya ng mas malala para hindi na ito makagalaw. Tiningnan ko si Ayumi at napakahimbing pa rin ng tulog nito. 

Sa totoo lang nabubulabog ang laban namin ni Eldrin dahil sa pag galaw at pagyanig ng lupa dahil ni Dane na kumakalaban sa isa pang puppet ni Eldrin. Masyadong matatag ang katawan nito at nakakaya nitong tumagal sa laban habang komokontrol ng mraming tao which is nakakapanghina ng husto.

Mahahalata mo rin sa kanya na talagang well trained sya bago dumating dito sa mortal world. Tinitingnan ko si Ken habang nakikipag laban sa isang taong may kakayanan na gawin ang bahagi ng katawan nya bilang isang kagamitan pang sandata.

Common ito sa mundo ng Athenia pero iilan lang ang meron sa akademya. Ginamit nya siguro ang kahirapn para makontrol ang mga taong ito.

"Sino ang sinusunod mo?" tanong ko rito habang sinasanggahan ang mga atake nya sakin.

"Ang susunod na magiging hari." At ngumisi ito dahilan para uminit ang ulo ko. Ngayon pinaltan ko ang akin sandata at ginamit ang malaking espada na isang wasiwas lamang ay kayang hatiin ang isang tao ng walang kahirap hirap.

Bawat wasiwas ko nito, mahahalata mo sa kanya ang hirap at bigat ng pagsasangga ng aking mga pagsubok. Dahil sa lakas ng aking wasiwas, nagkaroon ako ng pagkakataon para mapatay sya dahil naupo ito kanina. Ngunit ng malapit na ito sa kanya, sinanggahan ito ng isa sa kanyang mga puppet at mababakas mo sa mukha nito na napilitan lamang itong gawin at tinanggap ang kanyang kamatayan.

Hindi parin ito nakaligtas sapagkat nasugatan ko siya ng malubha sa dibdib dahilan na rin upang matigil lahat ng kanyang mga puppet sa pagsugod kina Ken.

"Magtutuos pa tayo, Taiki! Tandaan mo yan. Ken, tandaan mo rin to! Hindi mo ganun kadali mapapabalik ng buhay si Cyan dahil gagawa kami ng paraan para pahirapan kayo at makuha ang trono sa ama mo Taiki!" at bigla na lamag itong nabalutan ng itim na usok at nawala.

Ibinaba na ni Dane si Ayumi at ganun din ang harang na ginawa ni Yohanne para protektahan siya.

"Kailangan nyo ng bumalik sa mundo nyo." sabi ni Mrs Alea.

"Mundo namin? Hindi kayo sasama?" Tanon ni Dane.

"Hindi na ako makakabalik doon sapagkat hanggang dito na lamang rin ang akin buhay. Sa oras na nasa kamay na sya ng nangangailangan ang buhay namin ng kanyang ama ay matatpos na. Masyado na rin kaming matanda at nagamit ko na ang kokonting kapangyarihan na nibinigay sakin ng asawa ko bago mamatay. Paalam." Mrs. Alea turns into dust at hindi namin naitanong kung anong pwedeng sabihin kay Ayumi kapag nagtanong ito samin tungkol sa kanyang Ina.

"Bumalik na tayo." Wika ni Ken.

Aasahan ko sanang bubuhatin nila si ayumi pero hindi nila ginawa. Kaya wala rin akong nagawa kundi ako ang bumuhat sa kanya at nagbukas ng portal papunta sa akademya.

Namiss ko na din si Ina at ama. Kamusta na kaya sila?

LUCRACIA POVS

"Mahal na Reyna, pabalik na po ang Mahal na Prinsipe Taiki." Labis akong natuwa ng marinig ang balita na iyon.

Agad akong pumunta sa silid upang gisingin si Atopeo at magkasama naming sasalubungin sina Taiki kasama sina KEn para hanapin ang babaeng iyon.

Hindi ako nagkamali sa kanilang lima. Ramdam at alam kong magagawa nilang makabalik ng buhay rito.

"Atopeo, mahal ko! Gising na nandito na sina Taiki." Bigla itong napabangon at halata mo sa kanya ang tuwa sa mukha. agad itong tumayo at nagbihis at naglakad palabas kasabay ko. Gustong gusto ko ng makita ang anak ko.

Hinintay namin sila kung saan nandoon ang estatwa ni Cyan at Theseus. Parati ko itong binibisita at pinagmamasdan. Kahit na nagkaganito siya. Ipinagmamalaki ko ang anak ko.

Kahit wala siyang naging magulang at lumaki n mag isa, nagawa nyang mabuhay at maging malakas.

Maya maya bumukas ang isang lagusan na alam kong kay Taiki iyon. Kaya na nitong gumawa ng lagusan simula sa mundo ng mga tao hanggang dito. Malaki na rin ang pagbabago niya simula ng mangyari iyon. Lumalakas na ito simula na rin ng malaman nya na buhay pa si Cyan at may pag asa pa.

Nangako ito sa sarili nya na babawi at poprotektahan nya si Cyan kasabay ni Ken.

Unang lumabas ang apat na tao na kasama nya at sumunod ang isang aso at si Taiki na may buhat na babae.

"Siya na ba iyon?" tanong ko sa kanila at tumango ang mga ito.

"Teka bakit nakarating dito ang aso?" tanong ni Atopeo na sya rin dapat na itatanong ko.

"Hindi po ito ordinaryong aso. Tulad rin siya ni Theseus. Nakatandana siya upang bantayan si Ayumi, ang baabeng ito."

Ibig sabihin, sadyang mangyayari ang lahat ng iyon dahil nakahanda na din ang iba pang mangyayari kasunod nun. Napansin ko rin ang mga itsura nila na animoy galing saisang labanan at tama nga ako.

May gustong pumigil sa pagkabuhay muli ni Cyan at dapat namin iyong paghandaan at ingatan si Cyan kasama ng babaeng ito.

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon