Training
AYUMI POVS
Grabr kinakabahan ako sa mga dapat mangyari! Yung sinabi nilang yun, shems! Parang nalalapit na ang kamatayan ko!
Habang naglalakad, napadaan ako sa library ng academy. Hindi pa nga pala ako tapos sa pagbabasa ng books dito. Maituloy kaya habang hindi pa nila ako pinapatawag?
Pumasok ako ng library at kumuha ng ten books agad.
Binrowse ko lahat ng ito at napatigil ako sa isang makapal na libro.
'Libro ng Sikretong mundo sa labas ng Athenia'
Teka ito pa ang hardin ni Isias?
Pero bakit nga ba ito tinawag na Hardin ni Isias? Kung mundo naman pala sya?
CYAN POVS
Teka nasaan na ba si Ayumi?
Nandito kami sa silid na pinagsasanayan namin noon. Hinahanap hanap ko rin ang lugar na ito.
"Cyan?" tawag sakin ni Ken.
Unti unti itong lumapit sakin. Gusto ko syang mayakap. Maramdaman ang kanyang mga bisig, ang mainit na pagmamahal pero hindi mangyari ngayon.
Hinawakan ko ang kanyang pisngi at alam kong nararamdaman nya ito.
"Gusto kitang mayakap, Cyan. Patawarin mo ako sa nangyari noon." At lumuhod ito bigla tanda ng paghingi ng tawad at pagmamakaawa.
Lumuhod rin ako para pumantay sa kanya.
"Ken, ang lahat ng iyon ay dahil lamang sa galit na iyong nadarama ng mga panahon na iyo. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa ang lahat ng iyon."
"Pero kasalanan ko kung bakit nangyari sayo ito! Naging kaluluwa ka dahil sa pagkakahiwalay mo sa iyong katawan. Kung hindi lang sana kita ipinagtabuyan, sana nakapagdesisyon ka ng kasama kami. Hindi mo inako lahat."
At umiiyak ito ng kay bigat na halos wala ng bukas.
"Ayos lamang iyon, Ken. Ito lamang ang tatandaan mo, mahal kita at lalaban ako para sayo lalo na sa kaligtasan nyo at kaligtasan mo." at hinalikan ko sya sa noo.
"Hindi ko na hahayaang mangyari iyon, Cyan! Poprotektahan kita! Ayokong mawala ka sakin! Hayaan mo akong mas magpalakas lalo para maprotektahan kita." tumango ako bilang sagot.
Tumayo na kami at dumating na silang lahat kasama si Ayumi.
Parang natatakot ito. Mukhang may nalaman ito tungkol sa gagawin naming pagpunta sa hardin ni Isias.
Alam ko na ang lugar na iyon.
Pumasok na sila kasama ang isang estudyante. Mukha inutusan lamang ito upang hanapin si Ayumi. Akmang aalis na ito.
"Maaari bang pumasok ka muna rito, kaibigan?" sabi ko dun sa lalaking estudyante.
"Ngunit hindi po ako maaaring pumasok diyan, kung hindi utos ng hari." at tumingin ako kay Ama bilang paghingi ng pabor.
"Pumasok ka na." sabi ni Ama.
"Pakisara ng pinto. Maaari ba?" at tumango ito bilang sagot.
Para magamit ko ang kapangyarihan ko, kailangan kong pumunta sa likod ni Ayumi upang komonekta sa kanya bilang isang anino niya.
Tinapakan ko ang kanyang anino at komonekta sa kanya. Nagbago ang kulay ng kanyang mata at ganun din ako. Naging kulay pula ito. Itinapat ko ang kamay ko sa lalaki at ganun din ito.
"AHHH!!" ginawa namin siyang abo na dahilan ng kanyang pagkamatay.
Umalis ako rito at lumayo na sa kanya.
"Anong nangyari?" tanong ni Ayumi at napatingin sa kumpol ng abo.
"Bakit mo iyon ginawa Cyan?" tanong ni Ama.
"Ang estudyante na iyon ay isang espiya mula sa lalaking nagngangalang Eldrin. Kailangan nyong sunugin ang bawat katawan na ginagamit niya para hindi nya na muling magamit."
Sa totoo lamang para sa kanila napakahirap matukoy kung sino talaga ang mga kontrolado nung Eldrin. Masyado itong napakahirap matunton kung normal na may kapangyarihan lamang ang titingin. Ngunit dapat alam nila kung sino sino ang mga estudyanteng wala na dito sa akademya.
Alam ko na rin kung sino ang may kagagawan ng lahat noong panahon na nakatira pa ako sa bundok ng Lucracia. Siya pala iyon at ngayon makakaharap ko na siya.
"Kailangan na natin magensayo ngunit tayong dalawa lamang Ayumi." sabi ko rito.
"Pero bakit hindi kami kasama?" tanong ni Yohanne.
"Dahil kailangan ko syang sanayin ng pisikal at lalo na ang pagkontrol sa emosyon." at nagulat sya sa sinabi ko.
Alam nya na ang sinasabi ko.
Alam ko ang koneksyon niya kay Eldrin. Sa totoo lang napakahirap nga nito para sa kanya. Lalo na ang magiging kamatayan nya.
"Bigyan nyo sana kami ng dalawang araw na magamit ang silid na ito. Ayokong may gumambala sa aming dalawa. Maaari ba iyon?"
Napatango na lamang sila dahil alam nila na iyon ang gusto ko. Isnukli ko sa kanila ang isang ngiti.
"Huwag kang matakot Ayumi. Walang mahirap sa taong nagsisikap. Para saiyo rin itong gagawin natin kaya hayaan mo akong pagsanayin ka. Dahil kasama ng pagkakaron ng kapangyarihan ang panganib ay nag aabang." tumango ito bilang sagot.
Yumakap ito sakin. Oo kaming dalawa ay nararamdaman ang isat isa.
Kailangan na nating harapin ang lahat ng ito para matapos na. Maging tahimik na ang buhay dito sa akademya.
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...