THE FEELING
AYUMI POVS
Hindi ko alam kung paano namin sisimulan ang research. Bakit ba naisip nya ang ganung research?
Anong pumasok sa isip nya at isang napakaimposibleng research ay napasama sa topics na ibinigay nya. Hindi ako si superman para masagot to!
Ngayong araw, all of the members ng org ay excuse para sa gagawin nilang activities for the school at ito ang samin. My gush!
Habang naglalakad ako, napansin kong ngayon ko lamang hindi nakasabay si Eldrin.
Nang makapasok ako sa room na paggagawaan namin, halos lahat sila nandito na maliban na lang sa mga kagrupo ko at maging si President wala pa rin.
"Buti na lang umabot ako! " Halos atakihin ako sa puso ng biglang may magsalita sa likod ko. Humarap ako dito at napasigaw ng
"KAPRE! "
Nagtawanan lahat ng mga kaklase ko at nakita kong natawa lang din si President.
Nakakahiya! Tumakbo ako papunta sa upuan ko at napaub ob! Kainis!
Pero bakit hindi sya katulad ng ibang lalaki? Nagagalit kapag napapahiya.
Maya maya na lamang ay dumating sina Eldrin at mga kagrupo ko. Wow! May gana pa silang magpalate.
"President sorry if we are late. " At yumuko ang mga ito sa harapan.
"No its fine." Umipo na sila sa mga upuan nila.
"Mukha kang ginahasa, Eldrin. "
"Alam mo naman! Maraming babae, sarap! Sa susunod ikaw din ha? " sinapok ko sya ng napakalakas para mapauntog din sya sa lamesa.
Imbis na gumanti tumawa lang ito ng pagkalakas lakas kasabay ng pagtawa ng mga kaklase ko. Sa totoo lang napakaganda ng building nito.
Each rooms there are different books by its subjects. Ang galing! There are thousands of books inside this building.
"Everyone, the books inside the bulding are my treasures. So be careful okay? " sabi ni President.
Kanya lahat ng ito?
Grabe! Ang yaman naman nya. So ibig sabihin ang nagpaayos nito ay...
"Ang building na ginagamit nyo ngayon is my office and place so magiingat kayo sa lahat. The ex-president of this club ask for this as his favor so wala akong nagawa kundi pumayag."
Maya maya bigla na lamang may pumasok.
Shems! Ang tangkad nila! Tapos may dalawang babae na mala dyosa!
Hindi ako pwedeng tumabi sa kanila. Sobrang manliliit ako plus makikita agad na wala akong panama sa kanila.
Napansin ko ang pagkabigla sa mukha ni Eldrin ng makita ang apat na pumasok sa loob ng room na ito. MAging ang mga kagrupo ko na kasabay nyang pumasok kanina, parang natatakot ang mukha. Nakaaway ba nila ang mga taong yun?
BINABASA MO ANG
Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]
FantasyNapakahirap ng buhay! Lagi na lamang may nawawala sa piling ng isang tao. Bakit? Para ba lumakas sila? Tumatag? Gumaling? O para mamili sa panahon na darating? Yan ang mahirap sagutin! So pakibasa na lang kung hindi CURIOSITY KILLS YOU! Haha...