Chapter 15

1.4K 39 0
                                    

IT'S TIME

AYUMI POVS

Sobrang natatakot ako! Andami ng nangyayari! At sobrang kinakabahan ako.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. The more na tumatagal yung paghihintay ko sa kanila lalong nadadagdagan ang kaba sa dibdib ko.

Maya maya biglang bumukas ang pinto at napatayo agad ako. Ken appeared through the door.

"Pinapatawag ka na ng hari." at ngumiti ito.

Yan ang ngiti nilang lahat na kayang itago ang mga problema. Sana magawa ko ulit iyon.

Nang nasa may pinto na ako hinawakan nya ang ulo ko na parang bata.

"Wala kang kasalanan sa nangyari, Ayumi. Maiibalik natin si Cyan. Pero kailangan mong maging matatag at maging handa sa mga dapat mangyari."

At hinaplos haplos nito ang ulo ko.

Nagsimula na kaming bumalik sa office ng hari at teka may bagong dating na babae.

"Kamusta ka Ayumi?" tanong nito sakin.

Nagulat ako kasi bakit kilala nya ako.

"Ako si Beina. Huwag kang mag alala kilala ako ng mga magulang mo." oo yun din ang sabi sakin ni Taiki.

"Bakit ka naririto Beina?" Tanong sakin ni Ken.

"Alam ko na ang nangyari. Nakuha ang estatwa ni Cyan."

Ambilis makaabot ng balita sa kanya.

"Ang kakayahan ko ay ang makabasa ng mga dapat mangyari Ayumi."

Narinig nya ako? Hindi naman ako nagsalita ah?

"Kaya kong basahin at marinig ang mga sinasabi ng utak mo." Nakakahiya!

Ngumiti ito sakin at sumagot din ako ng ngiti.

"Sino bang may gawa nito ha Beina? Ano bang gusto nya? Akala ko ba si Livia lang ang kalaban!" tanong ni Ina kay Beina.

"Hindi ko masasagot iyan, Lucracia. May limitasyon ang bawat tanong na dapat kong sagutin. Pero ito na ang tamang oras para maganap ang gusto nating mangyari lahat."

"Wait nangyari na ito sa panaginip ko!" bigla kong napasalita.

"Hindi iyon panaginip, Ayumi. Lahat ng iyon ay nasa iyong kakayahan. Walang sinuman sa inyo ang dapat magsabi ng kanyang lihim."

Lihim? Ako may lihim?

"Tayong siyam lamang ang makakaalam nito." at bigla na lamang kaming nabalutan ng half sphere na kulay black pero may ibat ibang color.

Ang astig!

"Dito ligtas ang lahat ng ating paguusapan!"

Ang galing! Parang ginawa nyang soundproof ang paligid.

"Mayroon siyang kakayahan, natatagong kakayahan na dapat hindi malaman ninuman. Ang kakayanan lamang na ito ay siya lamang ang meroon. Ito ay ang sobrang katalinuhan dahil sa tago o sagradong silid aklatan sa loob ng isip nito. Lahat ng libro na mabuklat, mabasa niya ay magsasama sa sa iisang libro at mapapadagdag sa silid aklatan na iyon. Siya lamang ang maaaring gumamit noon."

Oh my! Kaya siguro napakadami kong alam kahit hindi ko ito napapag aralan ng husto. May nag foform na book then magfi flip kung saan ko makikita yung info na kailangan ko.

Ang galing!

"Pero, may dapat kang gawin." sabay harap nito ng seryoso sa akin.

Itinaas nito ang kanyang kamay sa malayo at nakatapat ito sa noo ko.

Biglang may book na nag appear sa tapat ng noo ko. Wow! This is my first time na makita ang libro na matagal ko ng ginagamit sa loob ng isip ko.

"Nakita mo na ang kwebang iyan hindi ba?"

" Opo ito yung kweba na parati kong nakikita sa panaginip ko."

"Ang kweba ng Lucracia. Kung saan naroroon si Cyan."

"Si Cyan?"

"Kung naroroon sya ibig sabihin, hindi na natin kakailanganin ang kanyang estatwa!" sabi ni Dane.

"Hindi. Dapat nyo itong makuha pagkatapos nyo siyang ilabas doon."

Ha? Posible ba talaga yun? Yung naka estatwa ang katawan tapos nasa loob sya ng isang kweba?

"Hindi ba dyan ang kweba kung saan nakulong si Livia? Ibig sabihin..." hindi naituloy ng hari ang sasabihin ng putulin ito ni Beina.

"May koneksyon sya sa kweba ngunit putol na kay Livia. Ang kweba ng Lucracia na dating naging lugar na pinamumunuan ni Livia ay ngayon kay Cyan nya. Kahit kelan hinding hindi na ito makukuha nino man dahil sa kanya talaga ang lugar na iyon."

Sa loob ng kweba? May ibang mundo? Ang galing!

"Hindi ba sya makakalabas ng kanya sa kweba na iyon?" tanong ni Ken at umiling ito.

"Kailangan nyo syang sunduin." sabi nito.

"Paano?"

"Tulad ng dati kung paano natin pinapasok si Cyan. Ngunit si Ayumi naman ngayon." at biglang nawala ang libro sa harapan ko at bumalik na sa isip ko.

"Sa oras na magawa mo iyon, gawin mong handa ang sarili mo sa lahat ng dapat mangyari lalo na ang iyong emosyon." At nawala na sya kasabay ng sphere na nakapalibot sakin.

Anong klaseng advice yun? Advice nga ba talaga? Or threat?

Magica Academia II: Fight for Life [C.O.M.P.L.E.T.E.D]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon