Chapter 4:Francine's POV:
Gustong gusto niyang sampalin ang sarili habang nag aayos sa sarili sa harap ng salamin, parang siyang tanga.
Hindi naman niya alam kung sino ang susundo sa kanila ng Nanay niya ,pero kung umasta siya, para sasalubungin niya ang presidente ng pilipinas.
Naglagay siya ng facial mask at pinalamig ng pipino, at talagang na scrub siya ng mukha.
Pinaghandaan mo talaga ah. Tudyo ng isip niya.
" 'nak? " sabi ng Nanay niya at halos nalaglag ang puso niya sa gulat.
"Nanay naman! Diyos ko!" Sabi niya habang sapo ang dibdib.
Tumawa ito.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" Tumatawang sabi nito.
Napasimangot siya.
"Huwag po kasi kayong parang multo diyan"
"Masyado ka kasing excited eh" sabi nito, napatanga siya.
Siya? Excited?
Hindi pa ba? Tudyo ng isip niya.
Bakit naman siya maeexcite sa lalaking nagnakaw ng halik sa kanya?
At parang sigurado siya.. na ito nga ang dadating?
Peste.
Natigilan siya.
May crush ba siya dito?
Hindi pwede.
Hindi siya pwedeng magkagusto sa isang lalaki.
"Naihanda mo na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ng Nanay niya.
"Opo" mahinang sabi niya.
Bumuntong hininga siya.
Bakit ba siya nagkakaganito?
Dapat ang isipin niya, ang magiging suhol ng kapatid at bayaw niya.
Dahil hindi siya sigurado sa taong susundo sa kanila kaya dapat lang na hindi niya iyon masyadong pinag iisip.
"Sino kaya ang susundo sa atin, Anak?" Tanong ng Nanay niya
Kainis naman ang Nanay niya, kung kailan namang sinusubukan niyang mag isip ng ibang bagay saka naman nito biglang magtatanong.
"Sana 'yong mukhang mabait na mestizo sa kasal ng ate mo noh? Bagay kayo eh" sabi ng Nanay niya at humagikgik pa ito.
Napanganga siya.
"Nakalimutan ko na ang pangalan niya eh, ano na nga ba? Ethan? Eman?" Sabi nito at pilit na inaalala kung sino ang taong iyon.
Bumilis ang tibok ng puso niya.
Ivan...
"Ivan po" pagtatama niya.
Natigilan ang Nanay niya at tinignan siya.
"Ahh" sabi nito at tumalikod paalis sa kwarto niya.
Akmang aalis na siya palabas sa kwarto nung nakarinig silang dalawa ng doorbell.
Pakiramdam niya, halos maalis ang puso niya mula sa pinaglalagyan sa dibdib niya.
"Nay!" Tuliro niyang sigaw.
Parang ayaw niyang buksan iyon.
"Buksan mo na ano ka ba! Nasa banyo ako!" Narinig niyang sigaw nito.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
Ficção GeralIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...