Proving her

28.9K 947 29
                                    


Chapter 14:

Francine's POV:

Nanlalaki ang matang itinulak niya ito.

"What!" Nabiglang sabi niya.

Nagulat siya sa sinabi nito.

Anong pinagsasabi nito?

"You heard me, my rose" sabi ni Ivan.

Paano nito nalaman na gusto niya ng break?

"I had you watched over the years, Francine" sagot nito sa kanya na parang nababasa nito ang laman ng isip niya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito.

"B-binabantayan--"

"Yes, I was watching what is mine" diretsahang sabi nito.

Napalunok siya.

Pag aari siya nito?

Ewan niya pero parang kinikilig siya sa sinabi nito, she mentally shakes her head.

"And I know all of the people who are you interacting with" sabi ni Ivan.

Napanganga siya sa sinabi nito

Alam nito lahat?

"I was doing it for years since the first time I met you..I had you watched even just from afar" sabi nito.

"T-talaga?" Gulat niyang sabi, gusto lang nitong tingnan siya?

"Yes, watching you is one of my hobby, I saw how the little bud, became a full blown beautiful delicate rose"  sabi ni Ivan habang nakatitig sa mata niya, namula siya ng todo dahil sa pagkaka describe nito.

"S-stalker" namumulang akusa niya, tumawa ito.

Bakit ba ang gwapo nito lalo na kung ngumingiti ito?

Lalong naging mabait ang itsura nito.

"So what? At least I'm seeing you" parang bale walang sabi nito.

Dumaan ang ilang sandali at nanatiling nakatingin ito sa kanya.

"Do you accept my proposal?" Biglang sabi nito, saglit siyang namula.

At proposal talaga?

Hindi niya kasi maiwasang iba ang proposal na sinasabi nito.

"S-sabihin mo muna kung ano 'yon" naninigurong sabi niya.

Ngumiti ito.

"Simple, I will give you a good scoop" sabi nito.

"Why?" Takang sabi niya.

"I'm hitting all of the birds with one stones, even you" sabi nito.

"Paano?"sabi niya habang namumula, ang dumi kasi ng isip niya.

Dahil ibang 'bird' ang nasa isip niya ngayon.

Magtigil ka Francine! Saway niya sa sarili.

Kung ano ano na ang iniisip niya.

Iyong 'even you' niya kasi eh! Atungal ng isip niya.

Bwisit.

"You will have you break and be famous, I can prove myself, and I can make you mine " sabi nitong pakiramdam niya nalunok niya ang buong dila niya.

Nanayo pa ang balahibo niya dahil sa sinabi nito.

Parang sa iisang salitang idiniin nito, may marka na siyang pag aari na siya nito, na parang siguradong sigurado na ito na makukuha siya nito.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon