Chapter 26:
Francine's POV:
Masakit ang ulo, batok, at maski na ang buong katawan niya.
Ano bang nangyayari?
May malagkit na bagay sa pisngi at bibig niya at parang hirap siyang huminga, at hirap din siyang gumalaw.
Bakit?
Ang huling naalala niya lumabas siya para tawagan si Ivan pero may masakit na bagay sa batok niya at--
Napasinghap siya.
May kumuha sa kanya!
"The princess is awake" sabinng isang boses malapit sa kanya at paglingon niya ay nakita niya ang Malaysian na target nila!
Ito ang kumuha sa kanya!
Pero paano nito nalaman na may balak silang dalawa dito ni Ivan?
"Surprised?" Tanong nito, umangat ang kilay nito na iyon na lang yata ang natitirang buhok nito sa ibabaw ng ulo nito.
Doon niya napansin na nakatali siya sa upuan, habang may nakadikit na tape sa bibig niya.
Anong na nangyari kay Ivan?
Shít!
Dalangin niya, sana hindi napahamak si Ivan.
Kasalanan niya 'to lahat eh.
Nagsisimula na siyang matakot.
"Good thing my speaker earlier told me that you weren't associated with any broadcast TV here, you became more suspicious when you're not part of the guess press, although I had to congratulate you for the ID" kwento nito.
Naniningkit ang mata niya, gusto niyang sigawan ito.
Hindi pwedeng magpadala siya sa takot na nararamdaman niya.
Kailangan siya ni Ivan., baka hawak nito ang binata.
Sinubukan niyang kumawala sa pagkakatali.
Sumigaw siya dito nang hindi siya makagalaw dahil sa higpit nang pagkakatali niya.
"I know you are wild from the first time I saw you, even when you are wearing those disguise" sabi nito sabay turo sa mga disguise na suot niya kanina.
Napalunok siya dahil sa nakikita niyang pagnanasa sa mga mata nito.
Pero tinatagan niya ang loob.
Hindi siya dapat patatalo.
"Your boyfriend is coming to save you by the way" sabi nito at natigilan siya.
Agad siyang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito, ibig sabihin ay ligtas ito at buhay--
Napakurap siya.
Ililigtas siya ni Ivan..ibig sabihin, mapapahamak ito dahil sa kanya!
Agad na nagrebolusyon ang buong pagkatao niya sa naiisip na pwedeng dahil sa kanya ay mamatay ito.
Hindi! Tutol ng puso at isip niya, isiping mamamatay si Ivan ay para na siyang nawawalan ng hininga.
Agad siyang nag isip na pwedeng gawin.
Pero ano?
Nakatali siya ng buong higpit.
At kailangang makatakas siya dito bago pa makabalik dito si Ivan at mapahamak ito.
Gusto na niyang umiyak dahil sa helpless niyang sitwasyon.
Pero hindi pwede eh.
Kailangan siya ni Ivan...ngayon.
BINABASA MO ANG
Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETED
Ficção GeralIvan became the most kind. The most playful and naughty. The most feared savage man...rolled into one. Yes, he's not just one ordinary man, he's all the man you could ever want...or not. He was a normal kid before, but not after life fúcked him. It...