Helping

25.2K 860 30
                                    


Chapter 17:

Francine's POV:

"I'm back"

Sabi ng isang seksing boses na may ganoong accent ang kilalang kilala niya.

Two words, just two words but it felt like her whole world went upside down.

Nasa harap niya ngayon ang lalaking laman ng isip niya, ang lalaking simula pa lang nung una niya itong nakilala ay hindi na nawala sa kanyang buong sistema.

Hindi ito nagpaparamdam sa kanya ng ilang araw, at ngayon sa hindi inaasahang oras at araw ay bigla itong lilitaw ulit.

Napakurap siya dahil parang lalo itong naging gwapo, bagay na bagay dito ang suot nitong gray suit na may black long sleeves at walang kurbata at bukas ang ilang butones ng long sleeves nito, may mga tumutubong blond stubbles sa pisngi nito, kung dati ay clean shaven ito at mukha itong magpapari, ngayon mukha na itong babaerong milyonaryo.

Bakit ang gwapo gwapo nito?

At mukhang hindi lang siya ang nakakapansin sa kagwapuhan nito.

Bwisit.

"Excuse me Sir, but do I know you?" Naiinis na sabi niya, nawala ito tapos magpapakita sa kanya ng ubod ng gwapo at hindi man lang ba naisip nito na bakit kilala siya nito kung ganito ito makaasta sa kanya?

Kita niyang saglit itong natigilan at natawa.

"You don't know me at all?" Tanong ni Ivan sa kanya at pinapantay nito ang mukha nila, at amoy na amoy na niya ang mabangong nitong hininga na tumatama sa mukha niya, narinig niya ang bulong bulungan ng mga tao sa paligid niya.

Wala ba itong pakialam sa mga tao sa paligid?

Pero parang wala kasi titig na titig ito sa kanya, na parang miss na miss siya?

"Not at all Sir" matigas niyang sabi.

"Then do you want me to help you remember me?" Nakangiting sabi nito.

"Excuse--"

Kitang kita niyang ngumiti ito ng ubod ng pilyo.

"Remember, last week I had the chance to kis--" napasinghap siya ng malakas at agad na natatarantang tinakpan ang bibig nito.

"Ivan!" Nanlalaki ang matang sabi niya, ang sasabihin ba nito ay nung nahalikan siya nito?

Namula siya, tapos ay bigla niyang naialis ang kamay niyang nakatakip sa bibig nito dahil parang naramdaman niyang dinampian nito ng halik ang palad niya.

Para siyang nakukuryenteng lumayo dito.

"See? You remember me, you even call me by my name" tumawa ito.

"Kilala mo pala siya, Fran?" Tanong ng ilang katrabaho niya.

Napalunok siya, wala na.

"Ah eh, oo kilala ko siya, ano ah k-kaibigan--"

"She's my close friend" biglang putol ni Ivan sa sinasabi niya, halatang pinagdiinan nito ang sinabi nitong 'malapit' niya itong kaibigan.

Tama naman siya. Sabad ng isang bahagi ng isip niya.

Namula siya kung gaano ka close ang sinasabi nito, nahalikan at nasimsim ba naman nito ang nípples niya.

Parang pakiramdam niya umapoy ang buong mukha niya.

"A-ano kasi ganito 'yan, kaibigan siya ng bayaw ko" mabilis niyang sansala sa sinasabi nito.

"Ahhh" sabi ng mga tao sa paligid niya tapos ay tumingin sa paligid si Ivan.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon