Book

30.3K 922 11
                                        


Chapter 37:

Francine's POV:

..." I have multiple personality disorder" sabi ni Ivan sa kanya.

Agad siyang nag isip.

..she's my psychiatrist.

Napakurap siya.

Multiple personalities?

"What?" Nabigla at naguguluhan niyang tanong, ang alam niya sa sinabi nito, may personalities pa itong iba?

Akala niya sa pelikula lang nangyayari iyon.

Posible talaga?

Napatitig siya dito, at agad na nag isip kung may mga ebidensya ba ang sinasabi nito.

Ang naalala lang niya, mabilis at halos hindi niya ito kilala pag nagagalit ito.

At sobra itong nakakatakot pag galit.

Narinig niya ang buntong hininga nito.

"Yes..are you ready to hear my story?" Tanong nito at parang pinag aralan kung ano ang magiging reaksiyon niya.

Napalunok siya, agad niyang tinimbang ang sarili, at iisa lang ang naging pasya ng puso at isip niya, ang tanggapin kung ano ang nakaraan nito, kahit ano pa man 'yon.

At dahil sasabihin nito sa kanya ang lahat, iisa lang din ang kahulugan niyon, handa itong isiwalat ang lahat sa kanya dahil malaki ang tiwala nito at gusto nitong i-share ang kung sino at kung ano ito at ang naging buhay nito.

"Yes" seryosong sabi niya.

Bumuntong hininga ito.

"It all started when I was still a small kid..not aware of the cruelty of this world, I grew up without the knowing what means..my mother despised me to hell, because she was raped by my father.." Umpisa nito.

Napasinghap siya.

Kaya pala gustong gusto nito ang Nanay niya, at Nanay na din ang tawag nito..gusto talaga nito ng isang ina.

Agad siyang nalungkot sa sinabi nito, pero agad niyang itinago iyon, ayaw niyang isipin nitong kinakawaan niya ito.

"At first, I didn't know that I was a product of forced, then later on, when I hit twelve, my father is training me, I didn't know what was the training was all about, until I met Viktor" tumigil ito saglit at lumunok ito.

Lumunok din siya.

.."My father brought me to a house, not knowing anything, I sneak inside since he's taking too long--" tumigil ito at nakita niyang biglang namula ang mata nito.

.."a-and then I saw it on my own eyes, ..my father raping a p-pregnant woman, with a dead man nearby and his men are laughing around" sabi nito at nakitang dumilim nang husto ang mukha nito.

"Diyos ko" wika niya at natutop ang bibig niya, hindi na niya napigilan ang pag alpas niyon sa bibig niya.

Nakita iyon ng isang batang Ivan dati?

At parang nahuhulaan na niya kung kanino ang buntis na sinasabi nito at ang namatay na lalaki.

Napapikit siya.

.."I was there standing nearby, watching how animal my father is, my blood was boiling that time, and then I saw Viktor, came out from the closet and picked the gun from one of my father's men and shoot everyone,...including me"

Nabigla siya.

.." I was so angry I didn't felt that bullet came into my body..all I think is that I want to stop them all, but I was so angry and I see is red, at the young age of twelve, me and Viktor.. together, we kill them all"

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon