Body (mild spg)

30.1K 884 29
                                    

Chapter 22:

Francine's POV:

Sa panaginip niya, nakita niya si Ivan na naglalakad, palinga linga ito sa paligid, nang tinignan niya iyon, nakita niya ang tatlong parang kalsada sa harap nito.

Nakita niyang napayuko ito.

Tinawag niya ito, pero agad itong tumakbo na parang gusto nitong takbuhin ang tatlong daan na 'yon.

Tinawag niya ulit ang pangalan nito.

Pero naalimpungatan siya dahil parang may nag angat sa buhok niya at parang may magaan na dumadapo sa ibabaw ng labi niya, umungol siya.

Nasaan ba siya?

Ang alam niya nasa biyahe sila sa eroplano papuntang Malaysia.

Dahan dahan siyang nagmulat at nanlaki ang mata niya nung nakita niya si Ivan na sobrang lapit ang mukha sa kanya.

Sinasamyo pala nito ang buhok niya.

At ang naramdaman niyang magaan na dumadapo pala kanina sa labi niya, iyon pala ay ang hintuturo nitong parang hinuhugis nito ang labi niya.

Napasinghap siya at agad na nailayo ang mukha dito.

"Are you awake now?" Sabi nito.

"What?" Takang tanong niya.

"You're calling my name while you're asleep, so I thought you were awake, and trying to wake you up" sabi nito.

Siya? Tinatawag ang pangalan nito?

"At bakit naman kita tatawagin sa panaginip ko aber?" Takang tanong niya

"I don't know" ngumiti ito na parang kilig na kilig ito.

Pinigilan niya ang sariling huwag mapangiti dahil mukha itong batang nabigyan ng candy.

Bakit ba tuwang tuwa ito? Eh sa panaginip--

Teka? Bigla niyang naalala na napapanaginipan niya ito.

Pinigilan niya ang sariling huwag sabihin dito ang panaginip niya, dahil baka ang isipin nito ay pinagpapantasyahan niya ito.

"Were you dreaming of me?" Biglang sabi nito.

Namula siya ng husto.

"Pwede ba! Lumayo ka nga ng konti!" Pagsusungit niya para iwala ang usapan.

Tumawa ito.

Namula naman siya lalo, naiinis siya sa sarili dahil sa pamumula niya, parang kinompirma ng pisngi niya ang sinasabi nito.

"Did we already arrived?" Pag iiba niya ng usapan.

Tinignan muna siya nito ng puno ng pang asar.

"You're so cute" sabi nito at pinisil ang namumulang pisngi niya ng marahan.

Bumilis naman ang tibok ng puso niya sa sinabi nito pati na rin ang pagpisil nito sa pisngi niya.

"Yes, we arrived..let's go?" Sabi nito at saka ito tumayo at inilabas ang kamay sa kanya para alalayan siyang tumayo.

Nang nakalabas sila sa ng airport ay kagaya pa rin ng dati nung unang pumunta sila sa California, ang mga babae ay tinitignan ito.

Ang lakas kasi ng dating nito.

At ang gwapo talaga nito.

At makukuha nito ang bawat atensyon ng mga babae, pero gaya din ng dati, parang hindi nito napapansin iyon, at simula nung makababa sila sa eroplano ay hindi nito binitiwan ang kamay niya.

Beautifully Damaged: Ivan (DID) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon